Kris Aquino is pro-divorce: “I know how painful it is. Mas gusto ko talaga yung irreconcilable differences.”

“Mahal, mahirap, masakit, at kailangan mong balikan lahat ng isyu na nagpasakit at nakasira sa inyong dalawa,” explains Kris Aquino why she is pro-divorce.


Kung may pagkakataon, gusto ni Kris Aquino ng isang relasyon na “walang kaagaw, wala kang kailangang ka-share.”

Sa press conference ng bago niyang pelikula na Etiquette for Mistresses kagabi, September 16, natanong siya at ang co-stars niyang sina Claudine Barretto, Iza Calzado, Cheena Crab, at Kim Chiu kung ano ang pananaw nila sa mga kabit.

Sa kanyang parte, sinabi ni Kris, “It's not a secret I was into relationships with men who were not annulled.

“Dedma. It's reality.

“Wala akong itinatago dahil alam naman ni Bimb.

“The only person I'm answerable to is only eight years old.

"Alam niya kasi sabi ko mababasa niya sa Internet, mapapanood niya sa YouTube."

Si Bimby ang walong-taong-gulang na anak niya sa dating asawa na si James Yap.

Ayon kay Kris, hindi madali ang naging karanasan niyang ito, “Kasi you are really judged.

“I heard that word so often, that kabit, because hindi pa siya plantsado, hindi pa maayos.”

Sa kabilang banda, sabi ni Kris, “Dumaan din naman ako sa marriage na nagloko ang asawa ko.

"So, I've looked at love from both sides now."

At dahil dito, kung may pagkakataon, “Pipiliin ko yung madali, yung walang kaagaw, wala kang kailangang ka-share.

“Tama yung sinabi ni Iza, who really wants to share a man?”

Marami raw natutunan si Kris sa buhay sa pamamagitan ng kanyang mga karanasan sa pag-ibig.

“Sometimes also you'll realize na you have to go through those lessons to know what really matters to you.

“You have to make mistakes for you to know what is right and what is wrong and the consequences.

“I paid those consequences three times,” pahayag niya.

PRO-DIVORCE. Nang tanungin naman ang cast members kung sang-ayon sila sa divorce, mabilis na sagot ni Kris, “Yes, I am.”

Bagamat kilalang sagrado-Katoliko si Kris at ang kanyang pamilya, hindi raw siya sang-ayon sa pagtutol ng simbahan sa divorce.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I'm sorry. I am a devout Catholic but I disagree with the point of view of the church na ayaw ang divorce, because I've been through an annulment.

“I know how painful it is. Mas gusto ko talaga yung irreconcilable differences.”

Kahit ganito ang kanyang pananaw, naniniwala pa rin naman daw si Kris sa “forever.”

Aniya, “Kasi sa akin, kung ikasal ka, dapat forever.

“May forever. May forever ang mom and dad ko, may forever ang tatlong kapatid kong babae.”

Pagkatapos ay bumalik siya sa usapin ng hiwalayan.

Diin ni Kris, “Mahirap talaga.

"Mahal, mahirap, masakit, at kailangan mong balikan lahat ng isyu na nagpasakit at nakasira sa inyong dalawa.

“In the end, the truth, the children pay for it because all the dirty laundry is there in the court papers for them to release.”

Kamakailan lamang ay naglabas ng bagong kautusan si Pope Francis tungkol sa paghihiwalay ng mga mag-asawang Katoliko.

Bagamat hindi pa rin sila sang-ayon sa divorce, mas pinadali na ang proseso ng annulment.

Iniutos din ni Pope Francis na maging libre na ang pagpapa-annul ng kasal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN