Miguel Tanfelix overly excited to meet his Indonesian fans in October

Iba raw ang kasiyahang nararamdaman ng Kapuso teen actor na si Miguel Tanfelix sa pagkakaroon niya ng fans sa Indonesia kahit wala naman siyang show na lumalabas doon. Samantala, pinaghahandaan na rin nila ng ka-loveteam na si Bianca Umali ang bago nilang show na Maybe This Time.


Lilipad patungong Indonesia sa Oktubre ang Kapuso teen star na si Miguel Tanfelix.

Ito ay para sa guesting niya sa isang event ng Sumatera Ekspres, isang local newspaper sa naturang bansa.

Hulyo ngayong taon ay na-feature sa naturang diyaryo ang Dubdsmash ni Miguel sa kanta ni Brandon Beal na “Twerk It Like Miley.”

#TwerkItLikeMiley

A video posted by Miguel Tanfelix (@migueltanfelix_) onJun 15, 2015 at 4:38am PDT

Sabi ng GMA heartthrob nang mausisa tungkol dito, “This October na nga pala yun, pero wala pang exact date.

“Yung Sumatera Ekspres, in-invite nila ako para mag-perform doon.”

Ano ang pakiramdam na kahit wala siyang show doon ay nagkaroon siya ng mga tagahangang Indonesians?

Sagot ng 16-year-old actor, “Oo nga, e, nakakagulat and nakaka-excite.

“Parang nagulat ako, kasi ibang bansa yun, e, Indonesia.

"Kumbaga, hindi ka naman tagaroon, tapos may mga fans ka na doon.

“Ayun, masaya, masaya.

“Balak ko pa nga gumawa ng maraming Dubsmash, e.”

Kapag matuloy na ang kanyang pagbiyahe, baka raw samantalahin na rin ng Ismol Family star na magbakasyon ng ilang araw sa Bali.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Miguel sa advance birthday celebration nito sa CMSP Community Childcare Center, sa Pinagbuhatan, Pasig City, kaninang tanghali, September 17.

MIGUEL TURNS 17. Sa Lunes, September 21, ang ika-17 kaarawan ng StarStruck Kids First Prince.

Pero mas gusto raw niyang magbahagi ng kanyang blessings nang mas maaga.

“Ako po kasi, gusto ko pong i-share yung mga natatanggap ko pong blessings sa mga kabataan katulad po nila.

“Yung mga pangangailangan din nila po.

“Yung mga kabataan dito sa CMSP ay mga orphans po, gusto ko pong magbigay ng saya sa kanila.

“Gusto ko silang handugan ng sayaw, bigyan ng food, pakiligin sila.

"All about sharing the blessings talaga."

Pagdating naman sa mga proyekto, kasalukuyan nang nagti-tape si Miguel para sa upcoming afternoon soap na Maybe This Time, kung saan katambal niyang muli si Bianca Umali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN