Heart Evangelista happy to hear her mom say "I'm proud of your husband"

Heart Evangelista on her family's support towards Senator Chiz Escudero's VP bid: "They're very excited and they're very supportive, that’s good enough for us. All is well that ends well."


“No, there’s no need for me to convince my parents.”

Ito ang pahayag ni Heart Evangelista tungkol sa ipinakitang suporta ng ina niyang si Cecile Ongpauco sa pagtakbo ng mister ng aktres na si Senator Chiz Escudero bilang bise presidente sa 2016 elections.

Ayon sa Kapuso star, boluntaryong dumalo ang kanyang ina sa ginawang announcement ni Senator Chiz ng kanyang pakikipagtambalan kay Senator Grace Poe, na tatakbo bilang presidente, para sa 2016.

Ginanap ang anunsiyo sa Kalayaan Hall ng Club Filipino, sa Greenhills, San Juan City, ngayong Huwebes, September 17.

Bukod kay Mrs. Ongpauco, namataan din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang nakatatandang kapatid ni Heart na si Camille Ongpauco.

“Yes, mga 7or 8 A.M. nasa bahay na po sila kanina,” nakangiting pahayag ni Heart.

Matatandaang dalawang taong tumagal ang gusot sa pagitan ng mga magulang ni Heart at ni Senator Chiz, dahil hindi pabor ang mga ito sa relasyon ng celebrity couple.

Naging kontrobersiyal din ang hindi pagdalo ng mag-asawang Rey at Cecile Ongpauco sa kasal nina Heart at Chiz sa Balesin Island Club noong February 15, 2015.

Ngunit dahil na rin sa pakikipagtulungan ni Senator Chiz sa mga kapatid ni Heart, nagkaayos ang senador at ang mga magulang ng aktres noong Mayo.

Tila wala nang mahihiling pa ang aktres, lalo na’t nakita niyang magkasama ang ina nila ng senador sa ginanap na pagtitipon kanina.

Kuwento pa ni Heart, “Kanina kinalabit niya [Cecile] ako and she said, ‘I’m so proud of you, I’m so proud of your husband.'

"Sobrang saya talaga na nandito siya."



SUPPORT FROM HEART'S DAD, SIBLINGS. Hindi man nakarating ang ama ni Heart, siniguro ng aktres na buo rin ang suporta ni Mr. Ongpauco kay Senator Chiz.

Ayon sa Beautiful Strangers actress, “Yung daddy ko tumawag sa mommy ko kanina.

“Kasi recently naospital siya [Mr. Ongpauco] kaya hindi siya makakapunta. But he was very supportive.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakapanayam ng ilang reporters si Heart pagkatapos kumpirmahin ni Senator Chiz ang pagtakbo niya bilang bise presidente sa 2016.

Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kinumpirma ng nakatatandang kapatid ni Heart na suportado ng pamilya Ongpauco si Senator Chiz.

Ani Camille, "For Chiz and Senator Grace, our whole family is in full support for the both of them."

Paano niya inalalayan si Heart ngayong kakandidato bilang VP si Senator Chiz?

Sagot ni Camille, "Being sisters, kami yung pinakamalapit sa isa't isa.

"So, Heart knows kung anong support ang kailangan niya, emotionally and physically, nandiyan lang kami na family niya behind her."

Kaugnay nito, hiningan din ng PEP ng reaksiyon si Camille tungkol sa pagkakaayos ng mga magulang niya at ng senador.

Saad niya ukol dito, "Matagal na naman na nagkaayos ang family namin.

"Like I said nung wedding nila, it's really in God's time. And I think talagang dumating na yung time na yun.

"And, yun ang importante, na okay ang aming pamilya."



STRONGER HEART FOR CHIZ. Sa pagpapatuloy naman ng panayam kay Heart, nabanggit ng aktres ang naging pag-uusap nila ng senador bago ito humantong sa desisyong sumabak sa 2016 elections.

Lahad ng Kapuso actress, “I just prayed for him.

"Siyempre he was thinking. Before all of this, he would always ask me, ‘Is this okay for you?’

“Siyempre kinu-consider rin niya yung feelings namin, what’s going to happen.

“But we’re very vocal that this election would be different from the others.

“I hope that imbes na [magbangayan ang electoral candidates ay] pag-usapan na lang yung plataporma nila.

"And hindi siya maging negative at magsiraan."

Hindi man umano siya sanay sa mundo ng pulitika, nanindigan si Heart na buo ang ibibigay niyang suporta kay Senator Chiz.

Aniya, “I will pray na I have to be strong for my husband.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"This is his time and I will support him no matter what."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN