Lolit Solis cries over demise of Startalk; not excited about CelebriTV?

Lolit Solis knew beforehand Startalk was about to end: "One month ko nang alam. August pa. Noong nag-presscon si Ai-Ai [delas Alas] na sinasabi niyang magkakaroon siya ng talk show, alam ko na yun."


Hindi nakitang umiyak si Lolit Solis sa last episode ng Startalk noong Sabado, September 12.

Pero inamin niyang umiyak na siya una pa lang niyang nalaman na matatanggal na ang show pagkatapos ng 20 taon.

Saad ni Lolit, “Oo, umiyak ako.

“Mabuti nga sinabi na sa akin, kaya noong last episode [hindi ako umiyak].

“Iba naman kasi ang Startalk.

Ayon pa sa talent manager-TV host, “Alam niyo, hindi naman sa ano... baka sabihin madrama ako.

"Pero kasi, noong dumating yung Startalk, katatapos lang ng scam."

Ang tinutukoy niyang 'scam' ay ang Manila Film Festival (MFF) scandal noong 1994, kung saan siya ang naging mastermind sa envelope-switching incident.

Patuloy niya, “Durog na durog ako nun. Ang lakas ng inferiority complex ko.

"Naisip ko lang, siguro kinuha ako ng Startalk, parang package deal kay Kris Aquino.

“Tapos, hindi pa kami masyadong magkaibigan noon ni Boy Abunda.

"Twenty years ako sa Startalk kaya biruin niyo, kung may inalagaan kaming baby nun, prostitute na ngayon ang baby na yun!" biro pa niya.

Ngunit seryosong pagpapatuloy ni Lolit, "Siyempre malaking bagay yung nakukuha mong suweldo dun, pero more than that, yung samahan niyo.

“Every Saturday, nagkikita kayo.

"Yung iba dun, nakikita mo, dalaga pa lang. Ngayon, nagkaanak na.

“Yung iba, nagsimula na dalaginding, ngayon mga tomboy na.

“E, di ba, dapat feeling mo, parang may anak ka lang na ikinasal, kasi meron ka namang bagong show?

"You see them growing."

Kuwento pa niya, “Tapos yung isang [staff] namin, si Phoebe, nililigawan pa ‘yan ni Coco Martin dito.

"Wala pang name si Coco. Nakikita ko si Coco, sinusundo siya.

“Tapos ngayon, napangasawa [ni Phoebe] ang taga-Parokya ni Edgar, si Buwi Meneses.

“Tapos, alam mo kung sino ang ninong at ninang nila sa kasal—si Phoebe at si Buwi—si Gabby Lopez [ABS-CBN chairman] at Rina Jimenez-David [Philippine Daily Inquirer columnist]!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lolit sa presscon ng kapalit na show ng Startalk, ang CelebriTV, na magsisimulang mapanood ngayong Sabado, September 19.



OLD AND NEW. Mas magaan kay Lolit ang pagkawala ng Startalk dahil alam niyang kasama siya sa CelebriTV.

“Wala, yung emptiness... one month ko nang alam, August pa.

"Noong nag-presscon si Ai-Ai [delas Alas] na sinasabi niyang magkakaroon siya ng talk show, alam ko na yun.

“Parang empty nga, kapag magmi-meeting kasi, alam mo.”

Makakasama niya rito sina Joey de Leon, Ai-Ai delas Alas, at Ricky Lo.

Hindi na nila makakasama ang dating co-hosts sa Startalk na sina Butch Francisco at Heart Evangelista.

Ano ang masasabi ni Lolit dito?

"E, si Heart naman, bago pa lang sa Startalk. Kahit gusto ko ang working habit niya, pero hindi pa rin ganun kaano.

"Si Butch, siya ang madalas ko pa namang kaaway."

Kumusta ang naging pagtanggap ni Butch na wala na ang Startalk at hindi siya kasama sa CelebriTV?

Sabi ni Lolit, “Affected siya, alam kong affected siya.

“Pero naku, sabi ko nga, naiirita nga ako sa kanya. Alam mo naman si Butch, pretensiyoso.

“Sabi ko, 'Naku, Butch, mayaman ka, ‘no! Naka-penthouse ka sa Greenhills!'

"Ang yaman-yaman ni Butch.

"And he can always go back to writing, ang bata-bata pa niya."



SITCOM FORMAT. May warning na raw na bawal ang mga pagbati sa CelebriTV.

Kaso, kilala na si Lolit na talagang maraming binabati at yun talaga ang nakagisnan nang ginagawa niya.

Ang tanong: magagawa pa ba niya ito sa bagong talk show?

Natatawang sabi niya, “Naku, ‘no, kapag hindi nila ako pinayagan, giyera talaga!

“E, kapag sinabing bawal yun, naku, hitsurang mag-fan sign ako!”

Ibang-iba raw ang CelebriTV sa Startalk.


Ayon kay Lolit, “Iba ‘to, sitcom ‘to.

"E, let’s face it, comedienne si Ai-Ai, comedian si Joey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung mga exclusive interviews, yun ang kay Ricky.

"Ako yung mga landian, buwisitan."

Hiniritan namin si Lolit na parang hindi siya excited sa bago niyang show.

“Hindi naman, iba lang talaga ang dating sa akin ng Startalk at ito.

"Dito, parang sumali ka na diyan, chu-chu!" natawa niyang sabi.

Sabi pa niya, "I’m not nagne-nega or whatever... yung ganitong klase ng show will last 20 years?

“Yung talk show kasi, every week may nangyayari, every month may nangyayari, kaya nagsu-survive ang talk show, di ba?

“Pero baka naman gusto nila ang comedy.”

Mukhang in ngayon, lalo na sa GMA Network, ang comedy dahil sa sikat na sikat na Kalyeserye ng AlDub (Alden Richards and Yaya Dub) sa Eat Bulaga. Mataas din ang rating ng Sunday PinaSaya.

Komento ni Lolit, “Well, let’s also admit, wala tayong masyadong sitcom, kaya rin siguro talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN