Miguel Tanfelix and Bianca Umali say there’s no difference doing primetime and afternoon soaps

Ikinatuwa nang husto ni Miguel Tanfelix ang sorpresang pagdating ng ka-loveteam niyang si Bianca Umali sa ginawa nitong birthday charity nitong Huwebes, September 17. Ikinuwento naman ng dalawa ang aabangan ng #BiGuel fans sa kanila, ang bago nilang show na Maybe This Time, kung saan magli-level up daw ang kanilang performance.


Sinorpresa ni Bianca Umali ang ka-loveteam na si Migeul Tanfelix sa birthday charity ng teen actor sa CMSP Community Childcare Center, Pinagbuhatan, Pasig City, kahapon, September 17.

Sa Lunes pa, September 21, ang talagang ika-17 kaarawan ni Miguel pero nagdaos na siya ng maagang selebrasyon kasama ang mga ulilang kabataan na nasa pangangaruga ng naturang institusyon.

Read: Miguel Tanfelix overly excited to meet his Indonesian fans in October

Habang sumasayaw ang binata ng kanyang production number na “Twerk It Like Miley” ay bigla na lang nakisayaw si Bianca.

Sa pagsulpot ni Bianca, tila maluha-luha sa tuwa si Miguel dahil sa suportang ipinakita ng kapareha sa kanya.

Pagkatapos nito, sinamahan ni Bianca ang binata sa pagbabasa ng kuwento sa mga batang kasali sa programa.

Kuwento ng Ismol Family star, “Nagulat ako kasi hindi ko talaga ini-expect na darating siya.

"Ang sabi kasi niya sa akin may lakad siya.

“So, habang sumasayaw ako, tumatakbo siya papunta dito.

"So, nakakakilig, nakakagulat.”

Sabi naman ni Bianca, “Opo, sinadya ko talagang hindi sabihin sa kanya. Kasi araw-araw naman po kaming magkakausap.

"So, gusto ko na maiba naman na isipin niya na siya lang mag-isa ngayon, at iba yung lakad ko."

Wish daw ni Bianca para sa ka-loveteam: “More blessings, and sana hindi siya mag-change, kasi gusto ko na kasi yung personality niya ngayon.

“And sana forever siyang masarap kasama.”

Para naman sa sarili, ang wish daw ni Miguel ay: “Blessing pa rin from Lord, at sana mas mahalin pa kami ng mga taong nakapaligid sa amin. And yun, kami ni Bianca, sana i-bless Niya po. And guidance.”



MAYBE THIS TIME. Masaya ring ibinalita nina Bianca at Miguel na nakapag-taping na sila para sa bago nilang soap, ang Maybe This Time.

Ilang buwan na mula nang natapos ang primetime series na pinagsamahan ng dalawa sa GMA, ang Once Upon A Kiss.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Bianca, “Nakapag-shoot na po kami.”

Dagdag ni Miguel, “Nakapag-second taping na kami.”

Ang naturang serye ang papalit sa babakantehing timeslot ng The Half Sisters na magtatapos na sa susunod na buwan.

Kuwento pa ni Miguel, “Mga bigating artista po ang kasama namin dito at ang daming twists na mangyayari.”

Ano ba ang pagkakaiba nito sa nauna nilang pinagbidahang soap na Once Upon A Kiss?

Sagot ni Bianca, “Kung ikukumpara nila sa Once Upon A Kiss, dito po, medyo may halong bigat, may halong hugot.

“Kumbaga, ibang side naman po namin ni Miguel ang mapapanood nila.”

Dugtong ni Miguel, “Kumbaga, noon nakita nila yung lighter side nung BiGuel, ngayon makikita nila yung lalim, may pagdadaanan kaming mas mabigat na problema.”

FROM PRIMETIME TO AFTERNOON PRIME. Ikinatuwa rin ng dalawang Kapuso stars na tuluy-tuloy ang mga proyektong ibinibigay sa kanila ng GMA na magkasama sila.

Sa ngayon daw, mas lalong tumibay ang kanilang teamup.

Ano ang pakiramdam nila na mula sa primetime programming ay mapupunta sila sa panghapong timeslot?

Ayon kay Miguel, “Sa amin, wala namang problema sa amin ni Bianca.

"Basta sa amin, blessing pa rin na magkatrabaho ka.

"And para kasi sa amin, bago kasi yung afternoon prime, na magkasama kami.

“Iba yung audience, yun yung exciting dun.”

Sabi naman ni Bianca, “Wala naman talaga kaming nakikitang difference between shows on primetime and shows on afternoon prime, so yun po.

“We still do our best, kung paano po namin ginawa yung prime, kung paano po kami umarte, still the same process, kung paano po namin ginagawa ang pag-akting.”

Makakasama nina Miguel at Bianca sa Maybe This Time sina Camille Prats, Mark Anthony Fernandez, Neil Ryan Sese, at Alessandra de Rossi.

Sana rin daw ay maabot nila ang tagumpay ng papalitan nilang show na The Half Sisters, na umabot sa halos isa’t kalahating taon sa ere.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN