'Pastillas Girl' cries over bashers and hate messages: “Hindi po ako perpektong tao, nagkakamali rin po ako…”

Hindi na napigilan ng tinatawag ngayong "Pastillas Girl" ng It's Showtime, o si Angelica Jane Yap, ang kanyang emosyon dahil sa dumarami nitong bashers sa social media. Sabi niya, “Kasi ang sakit, e, tao lang din ako.”


Naglabas ng kanyang sama ng loob si 'Miss Pastillas' o 'Pastillas Girl' kaugnay ng pambabatikos at panglalait laban sa kanya pagkatapos niyang lumabas sa noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime.

Si 'Pastillas Girl' ay si Angelica Jane Yap, 21-year-old student mula sa Far Eastern University (FEU).

Naging viral ang kanyang video sa Internet kung saan inihalintulad niya ang panloloko sa kanya ng dating nobyo at ng kanyang best friends sa paggawa ng pastillas.

Dahil dito kaya siya binansagang "Pastillas Girl."

Kinuha siya ng It's Showtime upang humingi ng payo sa segment ni Vice Ganda na "Madam Bertud."

Pagkatapos nito ay nagkaroon ng tila search sa nasabing noontime show para sa magiging susunod niyang boyfriend.

Bagamat may natuwa sa pagpi-feature ng It's Showtime kay 'Pastillas Girl,' mas marami naman ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya at disgusto.

Maliban sa personal na atake ng ilang netizens kay 'Pastillas Girl,' kumalat din ang hashtag na #BugawSerye sa Twitter dahil sa paghahanap nito ng boyfriend matapos siyang lokohin ng nobyo at ng kanyang best friend.

Bunsod nito, sa episode ng It's Showtime ngayong Huwebes, September 17, tinanong ni Vice si 'Pastillas Girl' kung ano ang nararamdaman niya.

Emosyunal na pahayag ni 'Pastillas Girl', "Sa totoo lang, bago sa akin itong lahat.

"Totoong tao ako, lahat ng nakikita niyo ay totoo.

"Hindi po ako artista. Bago po ito lahat sa akin.

"Sana kilalanin niyo muna ako bago niyo ako i-judge.

"Lahat ng tanong niyo kaya kong sagutin, binuksan ko po yung buhay ko para po dito."



BASHERS. Sa Twitter, kung anu-anong masasakit na salita ang ibinabato kay 'Pastillas Girl.'

Nagmumura raw ito at inihalintulad pa sa isda kung sariwa pa o bilasa.

Anyare Showtime? 😂🌵 #BugawSerye pic.twitter.com/0jQ4mz52II

— JAYSON (@Bonior21) September 15, 2015

They should have called her 'Ms. Isda', so that those boys who wanted to date her could ask if she's 'sariwa' or 'bilasa'. #BugawSerye

— Frederick Cavite  (@frederickoracle) September 15, 2015

Bitter din daw ito at pangit ang imahe.

I heard palamura sa videos si Pastillas Girl. Then she'll not be a role model for viewers. #BugawSerye

— 조이스 (@MiUltimoAjoyce) September 15, 2015

#BugawSerye pa more. Ang landi mo taena mo! Imbis na magaral ka or magtrabaho, inuna mo pa magpastillas!

— JP Pormento (@dyeypeeps) September 15, 2015

Pati ang Instagram aaccount ni Angelica ay pinutakte na rin ng bashers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga tumawag pa sa kanyang "flirtie girl," at "traydor."

May isa ring nagkomento na isiniwalat ang nalalaman niya diumano tungkol kay 'Pastillas Girl.'

My happy pill�" thank you for visiting me @camilleyappy i missed you💘💘💘

A photo posted by Angelica Jane Yap💋 (@angelicajaneyap) onSep 15, 2015 at 8:45pm PDT


"Sabi mo sa Post mo, TOTOONG TAO ka. Kaya kung TOTOONG TAO ka, HINDI MO BUURAHIN TONG POST KO. So here’s my mini open letter for you Ms. Pastillas.

"KUNG TOTOONG TAO KA, BAKIT HINDI MO SINABI SA SHOWTIME YUNG TOTOONG DAHILAN KUNG BAKIT KA BITTER SA EX MO? Bakit kelangan mo pang mag imbento ng kwento?

"Naturingan ka pa namang Tau Gamma Feu Chapter, tapos ganyan ugali mo? Ooops! Wag mo idedeny. Lagot ka sa Chapter nyo, bawal mo itanggi yan alam mo yan. Well eto nga, bakit hindi ka nagsabi ng totoo?

"NA NABUNTIS KA NG EX MO. NA READY NA ANG LAHAT, NKABILI KNA NG MGA GAMIT PARA SA BABY NYO, PERO NA DEPRESSED KA AT NALAGLAG ANG BABY NYO. AT DAHIL DUN NAGHANAP NG IBA YUNG EX MO.

"Namatay na nga baby mo, ikinahiya mo pa. Oh! Gulat ka no? Magrereact nanaman yung mga barkada mong SPHINX, pati na dn mga kaibigan mo at mga Kaibigan ng Mama mo na si TETENG na may ari ng Tetengs water station, chill lang guys.

"ALAM NYONG TOTOO MGA SINASABI KO. Naturingan pa naman kayong nagsisimba linggo-linggo, pero skwater naman mga ugali nyo. Sabagay, sabit kayo kasi sumusikat kaibigan nyo. Suportahan nyo kung tama yung ginagawa at kung maganda yung sample sa mga manonood Teka teka, di kita pinaimbestiga o niresearch, COZ I KNOW YOU A LOT. At is aka mga taong TRUMAYDOR sakin. YES. OO. Oh?

"May hint knaba? Well… Karma lang sayo yung panloloko na ginawa sayo, dahil ikaw dn naman ang naging dahilan kung bakit kami nagkalabuan ng EX ko noon. Naalala mo na ba? Anyway, sabi ni Vice Ganda, “Social Media nowadays are being used to drag people down” may point si Vice, pero anong tawag sa ginagawa nila sayo ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"THEY’RE USING YOU AND SOCIAL MEDIA TO FIND YOUR SOON-TO-BE-BOYFRIEND. Tama bay un? Sa twitter ba nakikita ang tunay na pag-ibig?

"Kaya walang sumeseryoso sayo. Nasaktan ka na, kaya dapat matuto ka na. Ang tunay na nasaktan, hindi basta naghahanap ng kapalit o bagong boyfriend, matuto kang maghintay ng tamang tao para sayo sa tamang Panahon.

"Ilang taon ka palang te! Pinag stop ka na nga ng Mama mo dati dahil nagloko ka."



“HINDI PO AKO PERPEKTONG TAO…” Mensahe naman ni Angelica sa kanyang bashers: "Hindi po ako perpektong tao, nagkakamali rin po ako.

"Kaya sana kung magdya-judge po tayo ng isang tao, tingnan po muna natin yung sarili natin.

“Kasi ang sakit, e, tao lang din ako.

"Hindi porke nakangiti ako, nakakatulog na rin ako nang maayos sa gabi.”

Sabi naman ni Vice sa kanya: “Nauunawaan ka namin. Kasi kami nga na mga artista, e, katulad ng mga sinasabi namin lagi, bahagi na 'yan ng buhay namin araw-araw. Tuwing umaga ang almusal namin tweets na masasakit.

“Hindi man sinasadya o sinasadya, pero nasasaktan pa rin kami.”

Tinanong ni Vice si 'Pastillas Girl' kung itutuloy pa ba nila ang paghahanap ng kanyang magiging forever, sa kabila ng pagdami ng kanyang bashers.

Wala namang alinlangang umoo si 'Pastillas Girl' hudyat na handa siya sa mga susunod pang panglalait na kanyang matatanggap.

Si 'Pastillas Girl' ang hinala ng marami na pantapat sa sikat na sikat ngayong si Yaya Dub o Maine Mendoza ng Eat Bulaga.

Pinaghihinalaan naman ng fans ng It's Showtime na ang bashers ni 'Pastillas Girl' ay mula sa fans ng AlDub loveteam nina Alden Richards at Yaya Dub.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN