Former singer Adrian Panganiban responds to vehicular accident in Quezon City yesterday

Ang former singer-actor na si Adrian Panganiban ang isa sa mga tumulong sa vehicular accident na nangyari kahapon ng madaling-araw, September 17, kung saan dalawang lalaki ang nasugatan dahil inararo ng kanilang sasakyan na Suzuki Swift ang concrete barriers sa kanto ng D. Tuazon St. at Quezon Avenue, sa Quezon City.


Ang former singer-actor na si Adrian Panganiban ang isa sa mga tumulong sa vehicular accident na nangyari kahapon ng madaling-araw, September 17.

Dalawang lalaki ang nasugatan dahil inararo ng kanilang sasakyan na Suzuki Swift ang concrete barriers sa kanto ng D. Tuazon St. at Quezon Avenue, Quezon City.

Sinabi ni Adrian sa panayam sa kanya ng Aksyon ng TV5 na ang akala niyang ay isang truck ang kasunod ng sasakyan niya.

“Akala ko truck yung nasa likuran ko na nalubak na malakas na malakas.

“Hindi ko pinansin until yung driver ko, sabi niya, may bumangga sa likod.”

Dahil sa lakas ng impact, halos mawasak ang sasakyan na biglang umusok kaya mabilis na tinulungan ni Adrian at ng UNTV News & Rescue ang mga biktima na sina Rey John delos Reyes at Kenneth Cantonjos.

Ayon sa mga imbestigador, malaki ang posibilidad na mabilis ang takbo ng sasakyan dahil nawala sa wastong puwesto ang mga concrete barrier na binangga ng Suzuki Swift.

Nagulat ang mga tumulong sa mga biktima dahil hubo o walang salawal si Delos Reyes nang iligtas nila.

Isinugod sa United Doctors Medical Center si Delos Reyes dahil sa kanyang mga sugat at sakit na nararamdaman.

Wala pang paliwanag si Delos Reyes kung bakit hubo siya nang iligtas ng mga saksi.

Pero sa Facebook post ni Cantonjos, nagreklamo itong sila pa ang pinagsamantalahan dahil ninakaw ang kanilang mga gamit.

“Ang katotohanan, pinagsamantalahan kami porke’t mga walang malay kami, kinuha ang lahat ng gamit namin…

“Liliwanagin ko lang po ang katotohanan, pinagsamantalahan kami habang mga walang malay kami. Ang mga gamit namin, wala na nakita!

“Thanks God niligtas n’yo pa po ako. Patawarin n’yo po ako kung inabuso ko na po yung katawan ko pati na rin po sa lahat ng gusto ko.

"I’m sorry Lord... promise hindi na po ako magiging matigas na ulo.. ganun din po sa 'yo mom kung nakinig lang ako sa 'yo kahapon sana hindi na ko na disgrasia. I’m sorry talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago inilagay kahapon sa Facebook ang mga saloobin tungkol sa naganap na aksidente, nag-post si Cantonjos ng "Gimik na" noong September 16, 7:58 P.M. habang nasa isang bar and grill sa Panay Avenue, Quezon City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN