RR Enriquez gets flak for posting about breastfeeding in public; apologizes to moms who were offended

Kaagad na humingi ng dispensa ang sexy star na si RR Enriquez sa mga inang na-offend dahil sa kanyang post tungkol sa pagpapadede ng mga ito sa kanilang mga anak sa pampublikong lugar. Aniya, “I know some moms reacted na hindi naman kayo nang aakit while making padede and you're doing it for your babies.”


Noong September 15 ay nag-post ang sexy star na si RR Enriquez sa Instagram ng naging obserbasyon niya sa isang inang nais i-breastfeed ang kanyang baby sa isang dressing room, pero hindi ito pinayagan ng marshall.

Sinabi pa ni RR sa kanyang post na kapag ang breastfeeding mothers ay magpapadede sa kanilang mga supling sa isang pampublikong lugar, dapat daw ay takpan nila ang maselang bahagi na ito ng kanilang katawan.

Narito ang post ni RR:

(Burado na ito sa kanyang Instagram account.)

RESPONSIBILIDAD SA MGA ANAK. Dahil sa post na ito ni RR, hindi nakapagpigil ang isang nagngangalang Ann Francisco na maghayag ng kanyang saloobin.

Gumawa ng open letter sa Facebook si Ann para sa TV host/actress noong September 16.

Sabi nito, bilang isang ina, responsibilidad nila ang pangalagaan ang kapakanan ng kanilang mga anak.

Ipinagdiinan niyang iritable ang mga bata kapag pinapadede na may takip ang mga mukha nito.

Tanong pa niya kay RR, makakain ba siya nang maayos kapag may takip ang mukha?

Himutok pa ni Ann, bakit nakikialam si RR sa mga inang ginagampanan lang ang tungkulin sa kanilang anak, gayong hindi naman nila pinapakialaman ang mga seksing kasuotan nito.

Narito ang open letter ni Ann:

Dear Ms. RR Enriquez,

“Tatagalugin ko nalang para mas maintindihan at mas marami akong masabi. Baka himatayin pa ako dahil maubusan ako ng dugo.

“Bilang isang Ina, responsibilidad namin na pahalagahan ang kapakanan ng aming mga anak. Numero uno ito sa aming listahan.

“Kung pinili man naming padedehin ng gatas ng ina ang anak namin, kagustuhan at karapatan namin iyon at sa tingin naman namin, wala kaming batas na nilalabag.

“Kung dapat naming ikahiya na pinapadede namin ang anak namin sa pampublikong lugar, hindi ba mas marapat na ikahiya ang mga larawan na kung saan nakikita na ang mga maseselang bahagi ng katawan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi namin nilalabas ang mga dede namin para pagpiyestahan ng mga 'manyak.' Hindi kami ang nagpasimula ng ganong ideya.

“Dahil unang una, wala kaming balak na ipangalandakan sa madla ang katawan namin. Ginagawa lang namin ang responsibilidad namin sa mga anak namin.

“Kung ang gusto mo naman na takpan namin ang mga sarili namin, ginagawa namin yon.

“Bumili kami ng 'nursing cover' para hindi makita ng iba ang ginagawang PAGKAIN ng mga anak namin.

“Pero dahil nakakairita nga naman kumain ng nakatakip ang mukha, ayaw nila. Mas nakakaeskandalo lang dahil panay iyak nila.

“Ikaw kaya, subukan mong kumain ng may takip sa mukha, makakain ka kaya ng maayos?

“Ganito lang po kasi yan, kung ayaw mong makita, wag mong tignan. Gaya mo, ginagawa lang namin ang trabaho namin.

“Kumbaga, kung ikaw trabaho mong magsuot ng mga seksing kasuotan para sa mga KALALAKIHAN at para sa 'SINING'; kaming mga INA ay nagpapasuso para sa KALUSUGAN ng aming mga ANAK.

“Ngayon, sagutin mo ang tanong na ito, may dapat ba kaming ikahiya sa ginagawa namin?

“Trabaho lang, walang personalan.”

Dagdag pa ni Ann sa comment section: “In addition to this long post, hindi sa ayaw naming takpan.

“May mga pagkakataon lang talaga na hindi maiwasang hindi matakpan dahil nga hindi komportable yung bata.

“Iintindihin pa ba namin yung mga mapanghusgang mga mata kesa sa nagugutom naming anak?

“Bago nyo kami husgahan, tignan mo muna bakuran mo.”

#pasisikatinkitaihafoundationDear Ms. RR Enriquez,Tatagalugin ko nalang para mas maintindihan at mas marami akong...

Posted by Ann Francisco on Tuesday, September 15, 2015



RR APOLOGIZES. Dahil sa pamba-bash na tinamo ni RR, at sa nasabing open letter ni Ann, humingi kaagad siya ng dispensa sa naging opinyon niya on breastfeeding in public.

Sabi ni RR, “Everyone is entitled with their own opinions.

"I thank mom's na nag-agree sa post ko yesterday about covering your private part while breastfeeding.

“Sorry if I offended some mommies. You misunderstood my point. I’m not anti-breastfeeding.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I remember, I said sa post ko the other day that I feel sorry dun sa girl na hindi pinayagan mag-breastfeed in public.

“I feel sorry that they had to put the mommy and the baby sa cr. Dapat wala silang rules for that na bawal mag-breastfeed sa public.

“Some mommies get insulted when I said there is a proper way to breastfeed in public (which is better to cover their private part while breastfeeding).

“Of course I said that, not to insult everyone! And sorry if you feel that way. It’s more on concern lang ako, to protect yourself na din.

“Ang dami kasi maniac nowadays. Some people they make fun of moms na nagbi-breatsfeed in public pipicturan pa. Nakakabastos. And it’s annoying to witness that. “Yung tititigan talaga yung boobs mu while making padede.

“I know some moms reacted na hindi naman kayo nang aakit while making padede and you're doing it for your babies.

“Yes I believe in that! Wala naman nagsabing nang aakit kayo. Pero siguro hindi naman masama if you will cover pa din talaga just like what other mom's says. For protection.

“But I believe mom's has different style and thinking. May ibang ayaw na nakikita their breast just like what we read sa mga comments.

“And may iba naman na they really don't care kahit makitaan sila. And some babies ayaw may takip.


“To those who are saying na I am hypocrite dahil ang dami ko sexy pictorials sa magazine before!

“Yes you are right! But people change. If I did it in my past, I believe hindi ko sya forever gagawin.

“I believe it’s something that I did in my past because I don't know God pa that time. (No offense sa mga nagpapasexy now).

“I thought showing your sexy body by posting in men’s magazine was normal. Making men stumble.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But as soon as I found out that it’s not glorifying God. I stopped doing it.

“So move on from the past! May pag-asa kang magbago. Again sorry sa mga na na-misunderstood ako na anti-breastfeeding ako in public.

"Read carefully my post the other day. Love you guys.”

KC MONTERO. Kamakailan lang ay na-bash din ang radio host na si KC Montero dahil sa kanyang opinyon na dapat maging discreet at magtakip ang mga nanay ng kanilang mga sarili habang nagpapadede sa mga public places.

Nilinaw rin ni KC na hindi siya anti-breastfeeding in public.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN