Ryzza Mae Dizon happy for AlDub taking center stage in Eat Bulaga

Ryzza Mae Dizon essays her first dramatic role as lead in GMA's new morning teleserye, Princess in the Palace. Where does she draw her emotion for the show's crying scenes? “Yung malulungkot na nangyari po sa family at saka walang adobo."


Nalungkot daw ni Ryzza Mae Dizon nang malamang mawawala na ang The Ryzza Mae Show.

Sabi niya, “Opo, kasi dalawang taon din akong naghu-host ng ganun. Nakakapanibago po kasi teleserye na.”

Ang tinutukoy ni Aling Maliit ay ang kauna-unahan niyang pagbibidahang serye, ang Princess in the Palace, na magsisimulang umere sa Lunes, September 21.

Magdadrama raw siya rito, “May mga script na kung ano ang sasabihin mo, kailangan seryoso ka, hindi ka magpapatawa.”

Nalungkot man na wala na ang hinu-host niyang show, nandoon pa rin daw ang excitement niya para sa bagong teleserye.

“Sobra pong excited na mapanood nila at ako rin po, gusto kong mapanood po.”

Nakausap si Ryzza ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Princess in the Palace sa Le Reve sa Quezon City noong September 15.

Dito ay ipinakilala niya ang kanyang katauhan sa morning teleserye.

“Ako po si Princess Cruz, masayahin, laging positive, marami po akong friends sa Barangay Cruz na Puti. Masaya kaming lahat.”

ADJUSTMENT. Aminado si Ryzza na nag-adjust siya sa paggawa ng teleserye mula sa araw-araw niyang paghu-host.

“Opo, sobrang hirap po talaga, kasi marami pong mga akting-aktingan na iyakan kaya medyo mahirap po.

“Pero tinuturuan naman po ako nila Direk," na ang tinutukoy niya ay si Mike Tuviera.

Mas madali ba para sa kanya ang magpatawa kesa sa magpaiyak?

“Pareho lang naman po pero parang mas kumportable ako magpapatawa po.

“Mahirap po ang akting ng drama e sanay na rin po ako ng comedy-comedy.”

Maging ang press ay napansin kung gaano kakumportable si Ryzza na makipag-usap kahit kanino.

So challenging pala sa kanya ang bagong serye?

“Sobra po! Ang dami-raming challenge rito.

“Winorkshop po ako ni Direk Gina Alajar ‘tapos noong kaming lahat na, kay Tito Pen Medina.”

Kabado raw siya dahil magagaling ang mga kasama niyang artista sa serye.

“Nakakakaba po kasi, noong una, hindi ko alam, kinakabahan po ako dapat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ‘Dito muna kayo,’ bawal po pala yun 'tapos umiyak ako kasi nahihiya ako kay Direk Gina.”

Saan siya humuhugot kapag kailangan niyang umiyak sa eksena?

“Yung malulungkot na nangyari po sa family at saka walang adobo,” natawang pag-amin niya.



ON THE SET. Sa teleserye ay magkakaroon ng kaugnayan ang karakter niya sa karakter ng presidente na si Eula Valdes.

Kuwento ni Ryzza, “May nangyaring bumili siya ng sampaguita at may nangyaring accident na ako ang nagtanggol sa kanya.

“Pinahanap po niya ko ‘tapos hayun na po, yun po ang aabangan nila, secret,” natawa pa niyang sabi.

Si Eula na unang beses pa lang daw niyang makatrabaho at si Aiza Seguerra ang madalas niyang ka-eksena sa serye.

“Medyo nahihiya pa po ako kay Ate Eula kasi po magaling siyang mag-akting.

“Matagal na po siyang artista ‘tapos ako, first time ko lang po.

“Si Ate Aiza naman po, nakasama ko na po siya sa movie at saka sa Lenten [ang Holy Week drama special ng Eat Bulaga].”

May mga payo rin daw sa kanya si Ate Aiza niya, “Dapat daw po, mag-aral ako ng script.

“Kailangan daw matulog at saka enjoy ko lang ang ginagawa ko.”

Inamin ni Ryzza na hindi niya nakaugaliang matulog sa taping dahil baka hindi raw siya magising at magtuluy-tuloy na ang tulog niya hanggang gabi.

Pero dahil may cut-off naman siya, wala raw nagiging problema lalo pa’t pumapasok pa rin siya sa eskuwela.

Hindi ba siya natatakot na baka hindi na siya tumangkad?

“Hindi naman po, hindi naman po ako natatakot, pero nagda-diet na po ako, half rice po,” natawang sabi niya.

ALDUB FAN. Isa raw si Ryzza sa mga kinikilig kina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Aldub ng kalyeserye ng Eat Bulaga.

Kaya hindi raw kaso kay Ryzza na kung dati-rati ay siya ang inaabangan sa Eat Bulaga, ngayon ang Aldub ang mas pokus ng noontime show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakangiting sabi niya, “Okey lang po yun, madalas nasa taping ako ng Princess kaya minsan wala po ako sa Eat Bulaga.”

Masaya rin si Ryzza para sa kanyang bossing na si Vic Sotto at sa Ate niya na si Pauleen Luna na magpapakasal na nga.

“Masaya po ako para sa kanila,” nakangiti niyang sabi.

At kung sakali raw, gusto niyang maging flower girl sa kasal ng dalawa, “Puwede po… Baka po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN