Dennis Padilla gives up legal battle with daughter Julia Barretto to retain his family name

Dennis Padilla on giving up legal battle with daughter Julia Barretto: "Kunwari nanalo ako, ano ba ang kaibahan? Wala din, e. Pareho lang din naman, e. Hindi ko naman sila nakakasama, hindi ko naman nakakausap... Nung debut, masakit man sabihin, talagang ginamit lang ako para mas maganda yung image niya."


Hindi sumipot si Julia Barretto kaninang umaga, September 18, sa hearing ng Petition to Change Name na isinumite niya sa sala ni Judge Manuel Sta. Cruz ng Branch 226 ng Quezon City Regional Trial Court.

Nais papalitan ni Julia ang kanyang apelyido mula Baldivia (tunay na apelyido ni Dennis) sa Barretto (na apelyido ng kanyang inang si Marjorie).

Ang abugado lang ng Kapamilya young actress ang dumalo para mag-represent sa kanya kanina.

Ngayong araw dapat sisimulan ang pagdinig sa Motion to Intervene na isinumite ni Dennis, pero naiba ang takbo ng mga pangyayari.

Nagulat ang judge nang nagbigay ng Oral Manifestation si Dennis sa korte na wini-withdraw na niya ang Motion to Intervene na kanyang isinumite noon.

Pahayag ng komedyante nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa telepono pagkatapos ng hearing, “Ako na mismo ang nag-manifest sa judge.

“Sabi ko, ‘Ako na lang po ang mag-withdraw ng petition.’ Nagulat ang judge.

“Sabi ko, ‘Your honor, I’m giving the free hand to my daughter to use the family name she wants to use.’”

DENNIS FELT USED. Napagdesisyunan daw ito ni Dennis dahil naisip niyang wala na siyang magagawa kung gusto itong ituloy ni Julia.

Pagkatapos daw kasi ng debut party na dinaluhan niya noong Marso ay hindi na nakipag-communicate sa kanya ang anak.

Ayon kay Dennis, “Nag-try akong mag-reach out, e.

“Nagti-text ako and everything, wala namang reply.”

Sabi pa niya, “Pagod na ako, e.

“Sabi nga ng mama ko kagabi, ‘Dennis, i-withdraw mo na lang kasi nakakapagod na, e.

“'Kasi kung ayaw ni Julia ng apelyido mo, huwag mo nang ipagpilitan. Kasi ayaw niya, e.’

Patuloy ni Dennis, “Kunwari nanalo ako, ano ba ang kaibahan?

“Wala din, e. Pareho lang din naman, e.

“Hindi ko naman sila nakakasama, hindi ko naman nakakausap.”

Himutok pa ng komedyante, “Nung debut, masakit man sabihin, talagang ginamit lang ako para mas maganda yung image niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’E, after nung debut, nakausap mo ba? Tumawag ba sa ‘yo? Dumalaw ba sa ‘yo. Wala din naman, e,’” sabi raw sa kanya ng ina.



IT’S JULIA’S DECISION. Isa sa mga araw na ito ay magsasalita pa raw si Dennis para ilabas ang mga sama ng loob nito kay Julia.

Nasa tamang pag-iisip na raw ang anak kaya nakakapagdesisyon na ito.

Naniniwala si Dennis na hindi na ito impluwensiya ng kanyang dating asawa at ina ni Julia na si Marjorie Barretto.

“Hindi naman na niya puwedeng sabihing, ‘Utos ito ng nanay ko.’

“Hindi na rin niya puwedeng gamitin yun.

“Siya na mismo ang puwedeng magsabi sa nanay niya na, ‘Ma, gusto kong gamitin ang apelyido ni Papa, huwag mo na akong kontrahin.’ Walang magagawa ang nanay.

“Kaya lang, siyempre iniisip ko rin na itong ginawa kong withdrawal, sa kanya rin hahampas ‘to.

“Kunwari winidraw ko, tapos sabihin niya na, ‘Oo, hindi ko na gamitin ang apelyido ng tatay ko,’ sa kanya na yun."

Kung hindi na raw makipag-usap sa kanya si Julia, wala na siyang magagawa.

Hindi na raw kikilos si Dennis para ipilit ang sarili sa anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN