Aiza Seguerra clarifies she did not choose Princess in the Palace over ASAP: "Kapag sinabi kong pinagpalit, pupunta ako ng Sunday PinaSaya... But hindi siya magkatapat."

Sunday PinaSaya... But hindi siya magkatapat."" data-url="https://www.pep.ph/news/57579/aiza-seguerra-clarifies-she-did-not-chooseprincess-in-the-palaceoverasap-kapag-sinabi-kong-pinagpali" data-desc="Aiza Seguera on loyalty: “Just accepting and always having that open arms na kahit anong mangyari, alam mong you’ll have that family na uuwi" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/32fe80c54.jpg"> Sunday PinaSaya... But hindi siya magkatapat."" data-url="https://www.pep.ph/news/57579/aiza-seguerra-clarifies-she-did-not-chooseprincess-in-the-palaceoverasap-kapag-sinabi-kong-pinagpali" data-desc="Aiza Seguera on loyalty: “Just accepting and always having that open arms na kahit anong mangyari, alam mong you’ll have that family na uuwi" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/32fe80c54.jpg"> Sunday PinaSaya... But hindi siya magkatapat."" data-url="https://www.pep.ph/news/57579/aiza-seguerra-clarifies-she-did-not-chooseprincess-in-the-palaceoverasap-kapag-sinabi-kong-pinagpali" data-desc="Aiza Seguera on loyalty: “Just accepting and always having that open arms na kahit anong mangyari, alam mong you’ll have that family na uuwi" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/32fe80c54.jpg">

Sunday PinaSaya... But hindi siya magkatapat."" data-url="https://www.pep.ph/news/57579/aiza-seguerra-clarifies-she-did-not-chooseprincess-in-the-palaceoverasap-kapag-sinabi-kong-pinagpali" data-desc="Aiza Seguera on loyalty: “Just accepting and always having that open arms na kahit anong mangyari, alam mong you’ll have that family na uuwi" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/32fe80c54.jpg"> Sunday PinaSaya... But hindi siya magkatapat."" data-url="https://www.pep.ph/news/57579/aiza-seguerra-clarifies-she-did-not-chooseprincess-in-the-palaceoverasap-kapag-sinabi-kong-pinagpali" data-desc="Aiza Seguera on loyalty: “Just accepting and always having that open arms na kahit anong mangyari, alam mong you’ll have that family na uuwi" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/32fe80c54.jpg"> Sunday PinaSaya... But hindi siya magkatapat."" data-url="https://www.pep.ph/news/57579/aiza-seguerra-clarifies-she-did-not-chooseprincess-in-the-palaceoverasap-kapag-sinabi-kong-pinagpali" data-desc="Aiza Seguera on loyalty: “Just accepting and always having that open arms na kahit anong mangyari, alam mong you’ll have that family na uuwi" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/32fe80c54.jpg"> Sunday PinaSaya... But hindi siya magkatapat."" data-url="https://www.pep.ph/news/57579/aiza-seguerra-clarifies-she-did-not-chooseprincess-in-the-palaceoverasap-kapag-sinabi-kong-pinagpali" data-desc="Aiza Seguera on loyalty: “Just accepting and always having that open arms na kahit anong mangyari, alam mong you’ll have that family na uuwi" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/32fe80c54.jpg">

Aiza Seguerra on Ryzza Mae Dizon: "Happy ako na yung sumunod na child star na lumabas is also from Eat Bulaga. Ang pangarap ko sa kanya, to be able to find her own way, her own path sa journey niya na ito. I don’t want her to be just like me. I want her to be someone else. I want her to be her."


Kasama si Aiza Seguerra sa Princess in the Palace ng GMA na sinasabing dahilan para mag-forced leave of absence ito sa ASAP ng ABS- CBN.

Sa paggawa ng proyekto ng isang artista sa ibang network, nangangahulugan bang nawala na ang loyalty nito?

“What a good question,” ang napaisip na sagot ni Aiza.

“What is loyalty to me?

"Para sa akin, ang loyalty ay pagtanaw ng… mahirap i-describe ang loyalty sa business na 'to, sa totoo lang.

“Para sa akin, ang loyalty sa business na ito ay kung ano ang pagtingin ko kina Mr. Tony Tuviera. [TAPE Inc. head, producer of Princess in the Palace]

“Bata pa lang ako, sa kanila ako nagsimula and never nila akong pinigilan kung ano ang gusto ko.

“Kung ano ako, tinanggap nila ako, mahal nila ako.

“Loyalty in this business is very seldom, almost non-existent.

“Just accepting and always having that open arms na kahit anong mangyari, alam mong you’ll have that family na uuwian.

“So sa trabaho na 'to, they’re my family.

“They helped me hone my craft. Hinayaan nila akong lumipad, napunta ako sa iba’t ibang network

“I stayed in Two [ABS-CBN] for the longest time, but I never heard anything from them na nagtampo.”

DELICADEZA. Nilinaw rin ni Aiza na hindi niya ipagpapalit ang ASAP para sa Princess in the Palace.

“No, hindi ko pinagpalit…yung pinagpalit, napaka-personal niyan kasi lahat tayo, nagtatrabaho.

“Para sa akin, kapag sinabi kong pinagpalit, pupunta ako ng Sunday PinaSaya, yun ang pinagpalit.

“But hindi siya magkatapat at hinding-hindi ako tatapat.”

Paano kung gawin din siyang regular sa Sunday PinaSaya bilang si Mr. Tuviera rin ang producer nito?

“Alam niyo, ang gusto ko kila Mr. Tuviera, meron silang delicadeza.

“Alam nila na ako mismo, I have respect for ASAP at hindi nila 'ko ilalagay run.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Happy ako na lumaki ako sa ganyang klaseng tao na napaka-ilan na lang siguro sa industriyang ito.”

Kahit daw mag-guest lalo na ngayong promotion nila ng Princess in the Palace ay hindi pa rin daw siya pupunta sa Sunday PinaSaya.

“Sa ngayon, ayoko muna, iwas muna ako lalo na ang status ko sa ABS, leave of absence,” paglinaw pa niya.

Sa isang banda, hindi pa raw nangyari na pumirma si Aiza ng exclusive contract sa kahit anong network. Kahit sa TAPE Inc., na block-timer sa GMA, ay wala rin siyang kontrata.

Katwiran ni Aiza, “Wala kaming kontrata and I think, more than any contracts, what matter is yung prinsipyo.”

Importante lang daw ang kontrata kapag walang prinsipyo ang taong kausap mo.

“Pero sa mga taong kagaya nila Mr. T, kagaya nila Tita Malou Choa-Fagar, kagaya ng TAPE, hindi mo kailangan ng kontrata riyan,” pagmamalaki niya.

BE CAREFUL WITH MY HEART. Nanggaling din si Aiza sa isang matagumpay na morning serye sa ABS-CBN, ang Be Careful With My Heart.

Sabi niya agad, “Katapat nga namin ang team namin, pero I’m good friends with them.

“Nag-email ako sa boss namin, sa business unit head, ‘Paano ba ‘yan, magkatapat tayo.’

“Sabi niya, ‘Oo nga, e,’ nagbiro siyang huwag ko lang daw gagalingan, pabiro lang.

“Happy ako, dun mo makikitang sa production level, there’s no competition, we’re all working.”

Yung naging formula sa Be Careful, nakikita ba niya ito sa morning serye rin na Princess in the Palace?

Pag-aanalisa niya, “Actually, nag-succeed ang Be Careful With My Heart kasi wala kaming formula, anti-formula kami.

“Kasi when you say formula para mag-succeed ang isang show, it’s a typical sampalan.

“Nag-succeed ang Be Careful kasi hinayaan ang mga writers to just do their job, hinayaan ang mga artista to do their best

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hinayaan ang mga directors to guide and give amazing direction.

“Magical ang Be Careful at wala siyang formula.

“Kung ilalagay natin yung formula na yun dito, puwedeng hindi mag-work… we have different sets of directors, actors.”

RYZZA ON HER OWN. Ang Princess in the Palace ay pinagbibidahan ni Ryzza Mae Dizon, na sinasabing para siyang batang Aiza noon.

Pareho silang galing sa "Little Miss Philippines" ng Eat Bulaga.

Ani Aiza, “Siyempre, happy ako na yung sumunod na child star na lumabas is also from Eat Bulaga.

“Kahit i-connect nila, that’s not a problem, di ba?

“I don’t want her to be the next Aiza, I want her to be Ryzza.

“Kumbaga, I became who I am because of all the things na pinagdaanan ko.

“I don’t want her to be just like me. I want her to be someone else. I want her to be her.

“Yun ang pangarap ko sa kanya, to be able to find her own way, her own path sa journey niya na ito.

“At kung yung mga choices niya ay okay, then she’ll probably be here just as long as I’ve been in this business.”

Ang Princess in the Palace ay production ng TAPE Inc. ni Tony Tuviera at mapapanood na simula sa Lunes, September 21, 11:30 a.m. sa GMA.



ROLE PLAY. Tuwang-tuwa raw si Aiza sa karakter niyang presidential guard sa morning teleserye.

“Frustrated sundalo ako, e. As in, noong nag-school ako, hindi ako officer, pero multi-awarded M.P. ako noon.”

M.P. stands for military police.

Sabi pa niya, “Dahil M.P. ako, meron din akong power to arrest, ako yung pulis ng mga military.

“Kaya nang malaman ko ‘to, excited ako. Hindi man sa totoong buhay.”

Ang isa pang ikinatutuwa ni Aiza sa role niya ay hindi na niya kailangan ng iba’t ibang outfit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad niya, “Hate na hate ko na nagpapalit. Tuwang-tuwa ako, e. Sarili kong patahi 'tong pantalon ko.

“Pagpunta ko ng set, ito na ang suot ko, buong araw na yun.”

Sunday PinaSaya... But hindi siya magkatapat."" data-url="https://www.pep.ph/news/57579/aiza-seguerra-clarifies-she-did-not-chooseprincess-in-the-palaceoverasap-kapag-sinabi-kong-pinagpali" data-desc="Aiza Seguera on loyalty: “Just accepting and always having that open arms na kahit anong mangyari, alam mong you’ll have that family na uuwi" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/32fe80c54.jpg"> Sunday PinaSaya... But hindi siya magkatapat."" data-url="https://www.pep.ph/news/57579/aiza-seguerra-clarifies-she-did-not-chooseprincess-in-the-palaceoverasap-kapag-sinabi-kong-pinagpali" data-desc="Aiza Seguera on loyalty: “Just accepting and always having that open arms na kahit anong mangyari, alam mong you’ll have that family na uuwi" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/32fe80c54.jpg"> Sunday PinaSaya... But hindi siya magkatapat."" data-url="https://www.pep.ph/news/57579/aiza-seguerra-clarifies-she-did-not-chooseprincess-in-the-palaceoverasap-kapag-sinabi-kong-pinagpali" data-desc="Aiza Seguera on loyalty: “Just accepting and always having that open arms na kahit anong mangyari, alam mong you’ll have that family na uuwi" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/32fe80c54.jpg">


Sunday PinaSaya... But hindi siya magkatapat."" data-url="https://www.pep.ph/news/57579/aiza-seguerra-clarifies-she-did-not-chooseprincess-in-the-palaceoverasap-kapag-sinabi-kong-pinagpali" data-desc="Aiza Seguera on loyalty: “Just accepting and always having that open arms na kahit anong mangyari, alam mong you’ll have that family na uuwi" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/32fe80c54.jpg"> Sunday PinaSaya... But hindi siya magkatapat."" data-url="https://www.pep.ph/news/57579/aiza-seguerra-clarifies-she-did-not-chooseprincess-in-the-palaceoverasap-kapag-sinabi-kong-pinagpali" data-desc="Aiza Seguera on loyalty: “Just accepting and always having that open arms na kahit anong mangyari, alam mong you’ll have that family na uuwi" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/32fe80c54.jpg"> Sunday PinaSaya... But hindi siya magkatapat."" data-url="https://www.pep.ph/news/57579/aiza-seguerra-clarifies-she-did-not-chooseprincess-in-the-palaceoverasap-kapag-sinabi-kong-pinagpali" data-desc="Aiza Seguera on loyalty: “Just accepting and always having that open arms na kahit anong mangyari, alam mong you’ll have that family na uuwi" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/32fe80c54.jpg"> Sunday PinaSaya... But hindi siya magkatapat."" data-url="https://www.pep.ph/news/57579/aiza-seguerra-clarifies-she-did-not-chooseprincess-in-the-palaceoverasap-kapag-sinabi-kong-pinagpali" data-desc="Aiza Seguera on loyalty: “Just accepting and always having that open arms na kahit anong mangyari, alam mong you’ll have that family na uuwi" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/32fe80c54.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN