Iza Calzado favors divorce in the country; recounts childhood with quarreling parents

Iza Calzado topbills Etiquette for Mistresses with Kris Aquino, Claudine Barretto, Cheena Crab, and Kim Chiu. Directed by Chito Roño, the movie, says Iza, is "an opportunity that doesn’t come often, it’s not something that you let pass.”


Obvious sa title pa lang ng pelikulang Etiquette for Mistresses na other woman ang role na gagampanan dito ni Iza Calzado.

Lahad ng morenang aktres, “Praise God, hindi pa nangyari sa akin.

"Personally, I don’t think kakayanin ko because I’m very possessive.

“Hindi ko rin masasabi na never because mahaba pa ang buhay ko at mahirap magsalita nang patapos.

“Pero I think, I would choose not to be kasi hindi ko siya kakayanin.

“Without judging mistresses or anything, hindi ko siya path at hindi pa siya dumating sa buhay ko.”

Nakapanayam si Iza ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Miyerkules ng gabi, September 16, sa presscon ng Etiquette for Mistresses na tinatampukan rin nina Kris Aquino, Claudine Baretto, Cheena Crab, at Kim Chiu.

Sa event, naungkat ang pinagdaanan ni Iza nung maghiwalay ang kanyang mga magulang.

Sinang-ayunan ng aktres ang favorable comment ni Kris tungkol sa divorce.

Pahayag ni Iza, “Siguro I’ll answer it from the point of view of a child whose parents were married for twenty-two years. How I wished they ended it earlier.

"If only we had divorce in this country, it would have been easier for them.

“Katulad ng sinabi ni Ate Kris, in the end, it is the child who suffers, I had to go through that as a child.

“Mas maganda siguro kung may law na lang para hindi kami madamay doon.

“Mas madali ang decision-making process sa mga magulang na i-end yung relationship.”

Nailahad na ni Iza dati ang awayan ng kanyang mga magulang hanggang sa pumunta ng Amerika ang kanyang mommy. Grade 3 siya noon.

Sila naman ng kanyang ama ay lumipat ng ibang tirahan, kung saan, di naglaon, ay nakasama nila ang sekretarya ng kanyang daddy.

Hindi raw natapos dito ang away ng kanyang mga magulang na nasaksihan niya habang lumalaki. In the end, bago pumanaw ang kanyang daddy at mommy ay naging magkaibigan sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

OPPORTUNITY. Isa si Iza sa pinakamahusay na aktres sa kanyang henerasyon ngayon, pero aminado itong nahirapan siyang gampanan ang kanyang role sa proyektong ito na dinirehe ni Chito Roño.

Aniya, “My character Stella, it is difficult to always be strong and not pabebe.

“Ayaw ni direk pag bumabait yung mata ko, napapagalitan niya ako…Sabi niya, ‘I want to feel the strength of Stella.’

“Sometimes it was difficult for me personally, siguro ‘cause I’ve been playing a lot of martyr characters.

“Parang may auto-pilot ako palagi so I have to unlearn that.

“It was difficult because yung character ko ang pinaka-logical sa lahat and in real life, hindi ako gano'n, I’m more emotional.”

Hindi naman daw siya nagdalawang-isip tanggapin ang project.

“How could I? First time kong makakatrabaho si direk, si Ate Kris, at si Kim.”

Si Claudine naman ay nakasama na ni Iza sa pelikulang Milan opposite Piolo Pascual.

“And, of course, si Cheena Crab…

"It’s an opportunity that doesn’t come often, it’s not something that you let pass.”

Na-intimidate ba siya sa mga co-stars niya sa movie?

Agad niyang sagot, “Not at all, hindi nila pinaramdam sa akin that they’re bigger stars, and they’re doing better in what they do.

“Wala, I never felt any intimidation.”

Pero aminado si Iza na nahirapan siya kay Direk Chito, “Oo, it was hard for me to please him, yun ang pinakamahirap.”

HAPPY LOVELIFE. Ikinagulat ni Iza ang pangungumusta sa kanyang lovelife. Inakala niya tuloy na may tsismis na nagkakaproblema sila ng boyfriend.

Hindi kasi siya madalas mag-post sa social media ng mga larawan nila.

Ani Iza, “Kami pa rin, hindi lang ako ma-posting sa kanya…baka kasi magsawa ang mga tao sa pabebe.

“Marami akong tini-take na pictures, hindi ko lang napu-post kasi tamad akong mag-Instagram.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang boyfriend ni Iza ay si Ben Wintle.

“Mamaya magkasama kami, may event kasi ako for Ashton Martin.

“Isa kasi ako sa brand ambassadors kasama nina Belle [Isabel Daza] and Solenn [Heussaff].”

Four years na sila ni Ben, pero wala pa raw silang planong magpakasal.

Napagdudahan din ang katatagan ng relasyon nila nang dumalo si Iza sa Star Magic Ball na walang date.

Hirit ni Iza, “Naku, hindi na kailangan yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN