Dingdong Dantes on worsening Metro Manila traffic: "Yung solusyon, hindi lang kaya ng isang tao, it’s a community problem."

Dingdong Dantes says he turns to social media when stuck in traffic: "Parang gusto mong maghanap ng Instagam moment... Para sa paghahanap mo, hindi mo napapansin, nandun na ang atensiyon mo, mag-explore ng social media.”


Tatakbo nga ba sa pagka-senador si Dingdong Dantes?

Naging laman ito ng balita noong September 16, ang araw ng pag-aanunsiyo ni Senator Grace Poe ng kanyang kandidatura sa pagka-pangulo ng bansa.

Diumano’y sa ilalim daw ng partido ng senador tatakbo ang aktor sa pagka-senador.

Dahil kasalukuyang commissioner-at-large ng National Youth Commission ang aktor sa administration ni President Noynoy Aquino, ilang netizens ang nagkomentong "balimbing" daw si Dingdong.

Reaksiyon niya, “Paano naman mangyayari yun, e nagtatrabaho ako.”

Ibig sabihin niya ay wala nga siya mismo doon sa announcement ng kandidatura ng senadora.

Sa araw na iyon ay guest of honor si Dingdong sa grand opening ng Stockpile, isang bagong restaurant sa Ortigas City kung saan co-owners ang mga kapatid niya sa PPL Entertainment Inc. na sina Gabby at Geoff Eigenmann.

Katuwang ng Kapuso Primetime King si Andi Eigenmann na nag-cut ng ceremonial ribbon.

Ayon kay Dingdong, “Yung mga ganung bagay, hindi ko talaga nilalagay sa isipan ko.

"Malinaw naman ang intensiyon ko sa mga ginagawa ko ngayon.

“Isinasantabi ko na muna yung mga political side comments. Ayoko namang maging balakid yun sa mga tungkulin ko.”

Kahit ilang beses nang sinabi ni Dingdong na hindi talaga siya tatakbo, hindi pa rin nawawala ang pangalan niya sa mga line-up ng diumano’y tatakbong senador sa 2016.

Komento niya, “Yes, it’s flattering and at the same time a serious matter… porke’t gusto mo or gusto ng ibang tao, e ganun na agad.

“What is at stake is the country that you’re serving, so your qualification really matters.

“Para sa akin, mas mahalagang gawin mo muna ang kailangan mong gawin.

“If it comes, it will come pero, right now, it’s really not in my priority.”

Kahit halimbawang maraming tao ang gusto siya at naniniwala sa kakayahan niya?

“Kaya nga po it’s very humbling, sino ba naman ako para ma-consider nila na ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At the same time, it’s also a wake-up call that these things have to be taken seriously.

“Hindi naman siya yung basta-basta puwedeng sabihin o tatanggapin. It’s a matter of dedication and it’s really no joke,” diin niya.

COMMUNITY PROBLEM. Sa isang banda, sobra na ang traffic sa Metro Manila at masasabing palala na ito nang palala.

May mga showbiz personalities nga na nagbahagi ng kanilang saloobin tungkol sa issue.

Isa rin si Dingdong na nakakaranas ng traffic, paano niya nililibang ang sarili sa kalagitnaan nito?

“Well, kapag may social gathering or nagtatrabaho, ayoko munang galawin ang telepono ko at mag-check sa social media.

“Nowadays, hindi na tayo nag-uusap, tingin na lang tayo nang tingin [sa cellphones].

“Kunwari, may reunion, mas madalas pang tumitingin ka sa telepono para maghanap ka.

“In fairness naman, parang gusto mong maghanap ng Instagam moment [kapag nasa gitna ng traffic].

"Para sa paghahanap mo, hindi mo napapansin, nandun na ang atensiyon mo.

“So yun na lang ang ginagamit ko sa traffic, ang mag-explore ng social media.”

Nagpapaka-positibo na lang daw siya sa halip na magalit o mainis dala ng traffic.

“It’s hard to keep a positive mind about it, especially lahat tayo, sinasabi ang hinanakit natin.

"Pero kailangan din nating tanggapin na it’s a community problem.

“Hindi lang din naman ito problema ng isang tao, kahit papaano may kagagawan din tayo diyan.

“Ano ba ang responsibility natin as motorists?

"Sometimes, yes, we don’t follow traffic rules, we park in the wrong places.”

May nakikita ba siyang solusyon sa problemang ito ng bansa?

Aniya, “Ewan ko, sana ipinanganak na ang taong makakasagot niyan.

"Pero yung solusyon, hindi lang kaya ng isang tao.

“Kailangan ang lahat ng sector, especially the private sector, the commuters, and everybody.

"They have to come together to solve this.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero it has to be unified with a leader na susundin ng lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN