Alden Richards and Yaya Dub's first date ends in tragedy?

Alden Richards and Yaya Dub (Maine Mendoza) finally had their first date, but it was cut short when the alarm clock set off, signalling Yaya Dub to leave and give Lola Nidora her medicine.


Napatunayang “Most Awaited Date” talaga ang first date nina Alden Richards at Yaya Dub, a.k.a. Maine Mendoza, sa episode ng Kalyeserye ng Eat Bulaga! ngayong araw, September 19.

Hindi pa man natatapos ang Eat Bulaga! ay umabot na sa 9 million ang tweets para sa #ALDUBMostAwaitedDate.

At habang isinusulat ang artikulong ito ay lampas na ito sa 10 million tweets.

Nalampasan na nito ang 6.37 million tweets na nakuha noong September 12 ng #ALDUBTheAbduction.

Gaya ng ipinangako ni Lola Nidora (Wally Bayola) ay pinayagan na niyang makipag-date si Yaya Dub kay Alden.

Kahapon, September 18, isang araw bago ang kanilang date ay tinuruan muna nina Lola Nidora, Lola Tidora (Paolo Ballesteros), at Lola Tinidora (Jose Manalo) si Yaya Dub kung paano dapat ito kumilos sa kanilang date ni Alden—mula sa pagtawa, pagbahing, at pagkain.

At kanina, bago ang kanilang date, ay pinaalalahanan muli ni Lola Nidora sina Yaya Dub at Alden sa kanyang mga kundisyon—no touch at dapat ay makabalik na si Yaya Dub bago matapos ang Eat Bulaga.

Kitang-kita naman ang excitement kina Alden at Yaya Dub sa kanilang first date.

Ilang sandali bago ang kanilang pagkikita ay nagbigay-pugay muna si Alden sa mga magulang ni Maine, na nasa loob ng studio, sa pamamagitan ng pagmamano sa mga ito.

Nag-tweet naman si Maine ng kanyang reaksiyon nang makita sa telebisyon ang kanyang mga magulang:

Hala ka! Bakit nandon magulang ko!!! Pabebe much si mother! #ALDUBMostAwaitedDate

— Maine Mendoza (@mainedcm) September 19, 2015

Proud naman ang ama ni Alden na si Richard Faulkerson Sr. sa ginawa ng kanyang anak:

Yan ganyan! DAPAT magbigay galang ka sa family niya. #ALDUBMostAwaitedDate

— Richard P Faulkerson (@r_faulkerson) September 19, 2015

Daddy Dub mabait na bata po yan, don't worry! #ALDUBMostAwaitedDate pic.twitter.com/YUMzfnIIF6

— Richard P Faulkerson (@r_faulkerson) September 19, 2015

Mula sa location ng “Juan For All, All For Juan” ay nagpunta si Yaya Dub sa Broadway studio kung saan magaganap ang kanilang first date.



MATCHING GAME. Pero bago magkatagpo sina Alden at Yaya Dub ay kinailangan muna nilang dumaan sa isa na namang “Getting To Know Each Other” game na inihanda ni Lola Nidora.

Sa sampung katanungan ay kailangang magtugma ang mga sagot nila nang pitong beses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bawat tamang sagot ay makakalipat sila sa kasunod na base o istasyon hanggang sa makarating sila sa destinasyon ng kanilang date.

Narito ang naging sagot at resulta ng “Matching Game” nina Alden at Yaya Dub:

1. Babe, Honey or Love

Alden at Yaya Dub: Love

2. Eyes or Lips

Alden at Yaya Dub: Eyes

3. Mainit o malamig

Alden at Yaya Dub: Malamig

4. Ring or necklace

Alden at Yaya Dub: Ring

5. Sweet or spicy

Alden: Sweet

Yaya Dub: Spicy

6: Isip o Puso

Alden at Yaya Dub: Both / Pareho… sabi ni Lola Nidora.

7. Madilim o maliwanag

Yaya Dub: Madilim

Alden: Maliwanag

8. Pilipinas o ibang bansa

Alden at Yaya Dub: Pilipinas

9. Now or Forever

Alden at Yaya Dub: Forever

THE FIRST DATE. Dahil nagkatugma ang mga sagot nila sa pitong katanungan ay nagkita na sa wakas sina Alden at Yaya Dub.

Pero ang tumambad sa kanila ay ang isang napakahabang mesa at napakalayo ng mga upuan nila sa isa’t isa.

Bagamat nilapitan nila ang isa’t isa sa gitna, kung saan may standee si Lola Nidora, tinupad pa rin nina Alden at Yaya Dub ang no-touch agreement.

Ang mga handa sa kanilang first date: isaw, soup na may pugo, wine, at champagne.

Kahit na nasa magkabilang dulo sila ng mesa ay nagkaroon pa rin ng sandaling oras sina Alden at Yaya Dub na magkausap at magngitian habang nginangasab ang isaw.

Hindi umubra ang mga itinuro ni The Explorers sisters kay Yaya Dub dahil inilabas pa rin nito ang kanyang natural na kilos.

Harapan din silang nagpalitan ng Dubsmash.

Pero ilang minuto pa lamang ang nakalilipas ay tumunog ang alarm clock sa bag ni Yaya Dub, bilang hudyat na kailangan na niyang painumin ng gamot si Lola Nidora.

Kaya naman wala siyang nagawa kundi lisanin si Alden at bumalik kay Lola Nidora para painumin ito ng gamot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay sa kabila ng pagpayag ni Lola Nidora na ituloy na ni Yaya Dub ang pakikipag-date niya kay Alden.

Pero hindi narinig ni Yaya Dub ang sinabi ni Lola Nidora at dagli-dagli itong sumakay sa kotse.

Malungkot na naiwan si Alden sa mahabang mesa, at sa background ay may narinig na tila bumanggang kotse.

Natulala ang lahat ng nasa audience, pati na ang mga host, dahil ang hinala nila ay nag-crash ang sinasakyang kotse ni Yaya Dub.

Habang nag-iisa ay umupo si Alden sa inupuan ni Yaya Dub ay nagsulat ng ganitong fan sign: “So near yet so far. But it was really nice seeing you.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN