Alden Richards and Maine Mendoza thank AlDub Nation for 10M tweets; #ALDUBMostAwaitedDate breaks previous record

Hanggang ganito lang kalapit ang naging pagkikita nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub sa kanilang first date kanina, September 19. Pero inabangan pa rin ito ng napakaraming manonood at netizens.


Hindi pa man tapos ang araw ay nagpasalamat na sina Alden Richards at Maine Mendoza sa AlDub Nation at netizens dahil umabot na sa mahigit 10 million ang tweets para sa #ALDUBMostAwaitedDate.

Ang #ALDUBMostAwaitedDate ang hashtag para sa first date nina Alden at Yaya Dub (Maine) sa episode ng Kalyeserye sa Eat Bulaga! ngayong araw, September 19.

Sabi ni Alden sa kanyang Twitter account (@aldenrichards02):

10M tweets!!! #AlDubnation kayo na!!! Maraming maraming salamat talaga sa inyo wooohoooo!!! #ALDUBMostAwaitedDate

— Alden Richards (@aldenrichards02) September 19, 2015

Ayon naman kay Maine, sa pamamagitan din ng kanyang Twitter account (@mainedcm):

Pero guys.. 10M tweets?! Seriously?!?! Date palang yan ha, pano na sa tamang panahon?!?! Congrats sa ating lahat!!!!! #ALDUBMostAwaitedDate

— Maine Mendoza (@mainedcm) September 19, 2015

Ang mahigit 10 million tweets na ito—na maaaring umabot pa sa hanggang 13 million—ang muling nagpatunay na isang phenomenon ang tambalang AlDub nina Alden at Maine.

Hindi lang ang dating record na 6.37 million tweets ng #ALDUBTheAbduction noong September 12 ang sinira nila, kundi maging ang world record ng most tweeted hashtag in 24 hours.

As of 6 P.M. ay nasa 11 million na ang tweets para sa #ALDUBMostAwaitedDate.

Maliban sa mga nanood sa kani-kanilang mga tahanan, marami rin ang mga nasa labas, gaya sa malls, na nakinood sa ilang business establishments.

IF THIS IS NOT PHENOMENAL,WHAT DO YOU CALL THIS? PEOPLE POWER? #ALDUBMostAwaitedDate pic.twitter.com/bIe5dFJXbE

— Jayke Kimura (@esmeralda_jake) September 19, 2015

The Crowd at Fairview a wyl a ago!!!kung movie sana KS megablockbuster hit hihi!!!! #ALDUBMostAwaitedDate ctto pic.twitter.com/eLVL4mdlNx

— LadyTweeper (@Dtweepers16) September 19, 2015



THE FIRST DATE. Kaugnay naman ng naganap na first date nila kanina, parehong nagpahayag ng kanilang damdamin sina Alden at Maine sa pamamagitan pa rin ng social media.

Nag-post si Alden sa Instagram ng kuha nila ni Maine habang nagde-date.

Nilagyan niya ito ng caption na "The face!"

The face! #ALDUBMostAwaitedDate

A photo posted by Alden Richards (@aldenrichards02) onSep 19, 2015 at 12:39am PDT

Si Maine naman ay sinabi ang mga pumasok sa isip niya noong date nila ni Alden.

Hindi rin naitago ni Maine ang kanyang paghanga kay Alden: "...ang cute nya."

Thoughts: "Bakit ang layo!" "Bat ako tawa ng tawa?" "Talagang may isaw at pugo?!" "BITIN!!!!!!" "Eh....ang cute nya." #ALDUBMostAwaitedDate

— Maine Mendoza (@mainedcm) September 19, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN