Miss Pastillas comes face to face with ex-BF on It's Showtime; asks, “Minahal mo ba ako?”

Miss Pastillas tells her ex-boyfriend: "Huwag ka mag-alala, never ko naman sinabi kahit kanino kung para kanino yung video, kahit na alam mo 'yan na para sa 'yo yung video."


Naging emosyunal si Angelica Yap, a.k.a. Miss Pastillas, nang harap-harapan niyang nakausap ang ex-boyfriend kanina, September 19, sa It’s Showtime.

Ang lalaking ito na ipinakilalang Enzo ang kanyang pinatamaan sa viral video, kung saan inihalintulad niya ang panglolokong ginawa sa kanya sa paggawa ng pastillas.

Pumunta si Enzo sa It’s Showtime studio para humingi ng tawad kay Angelica.

Ani Enzo, “Alam ko may mali akong ginawa.

“Gusto kong matigil yung sakit na naramdaman mo sa akin, alam kong may mali ako, e.

“Sorry sa ’yo, sorry sa parents mo, kasi alam ko pati sila apektado sa nangyari sa akin ngayon.

“Sorry sa sakit na nadulot ko.”

Tugon naman ni Angelica, “Sabi ko naman sa ’yo, di ba, wala na yun.

“Napatawad ko na nga kayo, pero hindi niyo maalis sa akin yung mga nangyari.

“Kahit na minsan nakakapagpatawad ka, sa gabi, naalala ko pa rin minsan.”

Dagdag ni Angelica, "Pasensiya ka na rin dito sa mga nangyayari.

"Huwag ka mag-alala, never ko naman sinabi kahit kanino kung para kanino yung video, kahit na alam mo 'yan na para sa 'yo yung video.

"Pasensiya ka na kung naapektuhan ko at some point mga kapatid mo, pati sina Mama at Papa mo.

"At nahihiya ako kung naapektuhan ko rin kayo ng girlfriend mo."

Habang lumalalim ang kanilang usapan, hindi napigilan ni Angelica tanungin ang kanyang ex-boyfriend, “Enzo, minahal mo ba talaga ako?”

Sagot ni Enzo, “Oo naman minahal kita.

“Hindi naman tayo aabot na naging girlfriend kita, naging boyfriend mo ako kung hindi kita minahal.

“Siguro akala mo hindi kita minahal sa relationship natin that time na hindi tayo nag-workout.

“Kahit na ganito nangyari sa atin, pero kailangan siguro natin tanggapin."

Samantala, klinaro ni Enzo na pumunta siya sa It’s Showtime hindi dahil sumikat na si Angelica. Gusto raw niyang marinig din ng mga tao ang paghingi niya ng tawad para matigil na raw ang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natapos ang kanilang pag-uusap sa isang shake hands.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN