Susan Roces on daughter Senator Grace Poe's presidential bid: “Anuman yung kanyang susuungin ay pinaghandaan niya na mabuti, pinag-isipan niya na mabuti."

Susan Roces on daughter Senator Grace Poe's decision to run for president in 2016 elections: “Nakikiisa ako sa damdamin ng aking anak at alam ko na kung anuman yung kanyang susuungin ay pinaghandaan niya na mabuti, pinag-isipan niya na mabuti.”


Ipinararating ng Queen of Philippine Movies na si Susan Roces ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga naniniwala at sumusuporta sa kanyang anak na si Senator Grace Poe.

Opisyal na nagdeklara ang senadora ng pagnanais niyang kumandidato bilang presidente sa 2016 elections nitong nakaraang Miyerkules, September 16.

“Sa lahat ng mga sumusuporta kay Grace, maraming-marami pong salamat sa pagbibigay suporta ninyo na nagbibigay naman ng lakas ng loob para sa kanya na pasukin ang larangan na ito.

"Marami pong salamat,” ani Susan.

Sinabi ni Susan na kilalang-kilala niya ang anak na hindi papasok sa isang tungkulin na hindi handa at hindi pinag-iisipang mabuti ang desisyon.

“Nakikiisa ako sa damdamin ng aking anak at alam ko na kung anuman yung kanyang susuungin ay pinaghandaan niya na mabuti, pinag-isipan niya na mabuti.

“Ang aking panalangin ay gabayan siya ng Panginoong Diyos na gawin kung ano ang makabubuti para sa ating bansa at sa ating kapwa Pilipino,” pahayag ng biyuda ni Fernando Poe Jr. na todo-suporta sa tandem ni Grace at sa running mate nitong si Senator Chiz Escudero.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN