Vina Morales refuses to give more details about French businessman boyfriend: “I think I can only say that he’s really special and we get along really well.”

Vina Morales recounts how he first met his current French businessman boyfriend: “He was introduced to me by Gov. Chavit [Singson]. It was a big group, it was his birthday, and he was introduced to me.”


“After seven years, it’s been a long time and I’m very happy now," ang masayang pahayag ni Vina Morales tungkol sa kanyang lovelife.

Noong September 14, nag-post si Vina sa Instagram ng larawan nila ng French businessman boyfriend. Kuha ito sa London nang mag-show doon ang ASAP.

Pero bago pa ang post na ito ay kinumpirma na ng singer/actress ang pagkakaroon niya ng bagong boyfriend nang nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa nakaraang 9th Star Magic Ball nung nakaraang Sabado, September 12.

Ayon pa kay Vina, masaya para sa kanya ang pamilya, kasama na rin ang anak niyang si Ceana, at iba pang taong malapit sa kanya.

"Marami ding natutuwa for me especially my family and my friends.

"Bago pa lang kami, nakakahiyang sabihin.

“Si Ceana? Oo, they get along well, masaya naman.”

Kuwento ni Vina, ang naging tulay para magkakilala sila ng boyfriend ay ang dating gobernador ng Ilocos Sur na si Chavit Singson.

“He was introduced to me by Gov. Chavit. It was a big group, it was his birthday and he was introduced to me,” lahad niya.

Sa kabila ng kanyang pag-amin at pagpapakita ng larawan nila sa Instagram, tipid pa rin ang singer/actress sa pagbibigay ng detalye tungkol sa bagong boyfriend.

Naiilang niyang pahayag, “Mahirap yatang magbigay ng masyadong information.

“I think I can only say that he’s really special and we get along really well.

“Sa nararamdaman ko lang, masaya ako. But information about him, medyo di pa yata ako ready.

"Pero I’m sure, malalaman at malalaman din naman ng mga tao.”



WORKING WITH RICHARD YAP. Napapanood si Vina sa seryeng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, kung saan kapapasok ng karakter ni Richard Yap.

Pagmamalaki ni Vina, “We are extended and it’s ongoing lalo na kasama namin si Richard Yap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So marami pang mangyayari sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, marami pa silang aabangan talaga."

Kumusta katrabaho si Richard?

“At first nahihiya ako kasi akala ko napakapormal niya, yun pala mapagbiro palang tao yun.

“Kasi siyempre 'pag nakikita mo si Papa Chen [character ni Richard sa Binondo Girl], napakapormal, dignified.

"Yun pala makulit, nakikipagbiruan din siya. He’s very shy pa rin.”

Sa presscon na ibinigay para kay Richard, nabanggit ng aktor na noong kabataan niya ay crush nito si Vina.

Ang reaksiyon ng aktres, “Nakakataba naman ng puso na parang, 'Wow, he finds me attractive.'

"Thank you, thank you.

“Actually, ako, happy ako that I'm working with him now. Ngayon pa lang kami nakapagtrabaho talaga but I met him before.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN