Robert Jaworski's son wounded in buy-bust shootout; arrested for suspected illegal drug activities

Ryan Joseph Jaworski, son of basketball legend Robert Jaworski (in photo), was wounded after a buy-bust shootout with the Makati police early Saturday morning, September 19, and was arrested due to alleged illegal drug activities.


Tinamaan sa kanang hita si Ryan Joseph Jaworski, anak ng PBA legend at former senator na si Robert Jaworski, matapos makipagpalitan ng putok sa intelligence operatives ng Makati City, madaling-araw ng Sabado, September 19.

Ayon sa report ng The Philippine STAR, base sa salaysay ng isang source na tumangging magpakilala, inaresto ng mga awtoridad si Ryan Joseph, 40, at ang kasama niyang si Joselito Au.

Nakatakas naman ang isa pang kabilang sa grupo na kinilalang si Ferdinand Parago.

Sa hiwalay na ulat naman ng Inquirer.net, kinumpirma ng Makati police chief na si Senior Superintendent Ernesto Barlam na naka-confine si Ryan Joseph sa Makati Medical Center dahil sa tinamo nitong sugat.

EXCHANGE OF GUNSHOTS. Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, sakay umano si Ryan Joseph at ang kanyang dalawang kasama ng maroon Nissan Sentra (plate number WNT 425) sa may kanto ng Pasay Road at Chino Roces Avenue, Makati City, nang paputukan nila ang intelligence operatives ng National Capital Region Police Office.

Sinusundan umano ng mga operatiba ang grupo ni Ryan Joseph para sa isang buy-bust operation.

Gumanti raw ng putok ang mga pulis, dahilan para tamaan sa kanang hita si Ryan Joseph.

Nakatakas umano ang mga suspek, subalit may nag-tip daw sa mga awtoridad na pumunta ang grupo ni Ryan Joseph sa Makati Medical Center dahil sa sugat na tinamo nito.

Dito raw nahuli si Ryan Joseph.

Inaresto siya sa alegasyong pagkasangkot niya sa illegal drug activities.

Pinaghihinalaan ding sangkot ang anak ng basketball icon sa gun-running activities.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN