Heart Evangelista on dad's absence during husband Senator Chiz Escudero's VP proclamation bid: “Naospital siya.”

Heart Evangelista explains dad's absence in husband Sen. Chiz Escudero's VP proclamation bid: “Nagkaroon siya ng really bad vertigo. First time niyang magkaganun, e. Parang five days siyang parang umiikot, hindi niya mabuksan ang mata niya. Medyo it was bad, and at the same time, it was a good chance na rin to do an over-all check-up.”


Ang ina at kapatid lang ni Heart Evangelista ang nakarating noong idineklara ng asawa nitong si Senator Chiz Escudero na siya'y tatakbo bilang Vice President sa 2016 elections.

Wala ang ama ni Heart na si Rod Ongpauco.

Pero hindi ito nangangahulugang hindi suportado ng ama ni Heart ang kandidatura ni Chiz.

Nabanggit ni Heart ang kalagayan ng ama sa isang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng kanyang primetime series na Beautiful Strangers sa Guadalupe Church kamakailan.

“Naospital ang daddy ko.

“Nagkaroon siya ng really bad vertigo. First time niyang magkaganun, e.

“Parang five days siyang parang umiikot, hindi niya mabuksan ang mata niya.

“Medyo it was bad, and at the same time, it was a good chance na rin to do an overall check-up.

“May mga nakita, pero okey naman. High blood na siya, diabetes, sabay-sabay.

"So we really tried do everything for him.

“Buti na lang, okey na kami. So, at least, that one is okay.”

HAPPY ENDING. Bumalik na sa dati ang relasyon ni Heart sa kanyang ina na si Cecile Ongpauco.

“We’re okey and sila ni Chiz, friends na rin sila,” sabi ni Heart na nakangiti.

Suportado raw ng mga magulang ni Heart ang kandidatura ni Chiz.

Natatawang kuwento ni Heart, “Best friends na nga sila!

“Inuutus-utusan na ng mommy ko si Chiz.

“Kaya sabi niya [Chiz], 'Alam kong okey na 'ko sa mommy mo kasi nauutus-utusan na niya 'ko.'

“Ay, ang saya-saya talaga!”

BABY PLANS. Binibigyan pa nina Heart at Chiz ang kanilang sarili ng mas mahabang panahon para magkaanak.

At sakali raw mangyari yun, sabi ni Heart, “I’ll give myself to the reality of being a mom.

"Pero I decided na, maybe in a year or something pa. Almost two years pa 'ko bago ako mabuntis.”

Ilang anak ang gusto nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Baka maximum na dalawa or puwedeng isa lang,” tugon ni Heart.

Paano kung kambal din?

“Why not? Pero I want to be practical.

"Pero kami ni Chiz, pareho kaming may kambal sa family."

Nagkasundo ba sila ni Chiz na maghintay ng dalawa pang taon bago magkaroon ng anak?

Tugon ni Heart, “Oo, naiintindihan niya, kasi alam niyang marami pa akong kailangang tapusin.

“You’ll never be ready to be a mother, but as much as possible, you want to plan things for your family and with GMA, I’m also about to fix my [contract] renewal.”

Hanggang November na lang daw ang kontrata ni Heart sa Kapuso network.

MORE TIME FOR FAMILY. Tila tumayming din ang pagkansela ng show ni Heart na Startalk sa pagdeklara ni Chiz ng pagkandidato nito bilang Vice President.

At dahil balak kunin ng mister ang mas mataas na posisyon sa gobyerno, mas marami pang isyung haharapin si Heart.

Saad ni Heart na nakangiti, “Timing din at saka, habang ano, mas nae-enjoy ko ang normal life.

“Staying at home. Ang dami ko pa ring kailangang matutunan.

"Hindi pa rin ako marunong magluto ng adobo hanggang ngayon.

“Nagluluto ako, pero yung adobo talaga hindi ko ma-master.

“Ang hirap ng recipe ng tatay ko. Tatanggalin, babalik, tatanggalin. Hirap na hirap ako.

“Pero na-appreciate naman ni Chiz, kasi siya naman talaga ang nagluluto sa bahay. Mahilig siyang magluto.

“Ang dami niyang niluluto kaya nahihiya naman ako.

“Pero natutuwa naman siya kapag nag-e-effort akong magluto paminsan-minsan.

"Gustung-gusto naman niya yun. Alam niyang nahirapan ako.

“Masaya, I’m really enjoying married life and I think I’m enjoying it too much. That’s why I have to force myself to work.

“Kaya happy ako na I have my Saturday and Sunday.

"Dati yung Sunday ko, hati ako sa mommy ni Chiz at sa parents ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, siyempre, medyo nagsasabi pa ako sa parents ko, so nako-confuse ako kung saan ako pupunta.

“So ngayon, may Saturday and Sunday.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN