Dingdong Dantes says wife Marian Rivera will reveal their baby's name soon

Dingdong Dantes discloses that wife Marian Rivera will reveal their baby's complete name during the baby shower on September 26: “Siya na ang bahala. Gagawin niya ito sa kanyang baby shower. Antabayanan ko na lang din yun, although wala ako dun.”


Hindi maitago ni Dingdong Dantes ang kaligayahan at excitement sa pagdating ng kauna-unahan nilang baby ng asawang si Marian Rivera sa November.

Saad ng Kapuso Primetime King, “Very excited kami, hindi na kami makapaghintay.

“Noong umpisa, siyempre inisip namin, magbibilang kami ng 40 weeks. Siyempre, mabagal siyang darating.

“Pero first time kong naramdaman na yung anticipation, sobrang bilis.

"Kaya ko ina-anticipate, naging sobrang mabilis ang panahon.

“Dati talaga, sobrang mabagal ang mga araw. Gusto mong hilahin papalapit sa ‘yo.

"Pero ngayon, talagang ang sarap, ang sarap lang ng feeling.

“Parang gustung-gusto niyang lumabas na talaga.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa grand opening ng bagong restaurant na Stockpile, sa Sapphire Road, Ortigas Center, noong September 16.



BABY SHOWER. Kailan naman nila planong i-announce ang napili nilang pangalan ng kanilang baby girl?

Nai-announce na ito actually ni Marian nang magkaroon siya ng birthday mass kasama ang mga fans, pero hindi nila sinabi sa media.

Pero ang gusto raw ng Kapuso Primetime Queen ay si Dingdong ang magsabi kung ano talaga ang kumpletong pangalan ng baby nila.

Sabi naman ni Dingdong nang tanungin ng PEP tungkol dito, “Siya, siya na ang bahala.

“Gagawin niya ito sa kanyang baby shower.

"Antabayanan ko na lang din yun, although wala ako dun.”

Sa September 26 daw gaganapin ang baby shower ni Marian.

Pero ipinaalam ni Dingdong na hindi siya makakadalo dahil nasa MOVE Awards siya para sa National Youth Commission, kung saan siya ang itinalaga ni Pangulong Noynoy Aquino na commissioner-at-large.

SHOPPING. Isa sa unang pinuntahan ni Dingdong sa Amerika, nang dumalo siya sa isang show ng Kapuso network doon, ay ang Babies "R" Us, kung saan maraming mabibiling mga kagamitan para sa sanggol.

Magaling na ba si Dingdong mamili ng baby dresses?

“Hindi. Wala lang, kung ano lang makita ko.

“Kung ano lang sa tingin kong maganda, kinuha ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala akong kuwentang shopper!" natatawa niyang pag-amin.

Naniniwala si Dingdong na hindi lang ang nanay ang gumagawa ng ilang bagay sa pag-aalaga ng anak.

Isa na rito ang pagpapalit ng diaper.

Saad ni Dingdong, “Dapat, it should be that way.

“Hindi mo naman mapapantayan talaga ang siyam na buwan na pagdadala niya [ng nanay] sa bata.

“And the least that you can do, maging kapareho o higitan mo man lang yung chores kung kinakailangan.

“Halimbawa siguro, yung pagpapalit ng lampin, paggising para pakainin.

"Although wala akong alam tungkol sa mga bagay na ‘to dahil first-timer ako.

"Pero yung mga bagay na ganito naman siguro, puwedeng aralin.

“Kapag nandiyan na talaga, wala nang dahilan para hindi ka ganahan, e.”

Saan pinaka-excited si Dingdong sa pagiging daddy?

Mabilis niyang sagot, “Lahat, lahat! Siguro, I will savor every moment.”

Magiging spoiler kaya siya?

“Hindi ko talaga alam!” natatawang sagot ni Dingdong.

HYPERACTIVE. Nakikita kay Marian na magaan ang pagbubuntis nito.

Marami ang nagugulat na mabilis itong kumilos, at nakakaya pa siyang sumayaw sa show niyang Sunday PinaSaya.

Binabawalan ba ni Dingdong minsan si Marian?

Sagot ng aktor, “Hindi, basta naman na alam nating free siya from harm at safe siya.

"At ini-encourage ko naman kahit paano na gawin pa rin niya ang tulad ng dati niyang ginagawa.

“Hindi naman overdoing it.”

Nakapagplano na ba si Dingdong sa future ng anak nila ni Marian?

Saad niya, “Mahirap, e.

"Hindi pa naman ganun ka-far, pero siguro as much as possible, gusto rin namin bigyan siya ng sarili niyang choices para mapili niya rin kung anuman ang gusto niyang tahakin later on.

“We will present everything na alam naman naming decent and morally good at alam naming magandang path.

"Kung alin man dun, siya na ang pipili."

Sigurado si Dingdong sa kagustuhan nitong lumaki dito sa Pilipinas ang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Definitely!

“Well, alam niyo, isang bagay na gusto kong matutunan niya ay ang kanyang sense of nationalism.

“Malaking bagay talaga na magkaroon siya ng saysay sa pamamagitan ng pagiging aware niya sa kasaysayan.

“Siyempre, isa yun sa kayamanan natin as a people—kung saan tayo nanggaling, paano tayo nabuo.

“It’s part of our history and we should be proud kung saan ba tayo.

“But again, ipi-present namin sa kanya o sa kanila ang kanilang choices.

"And then, later on, if they decide to choose otherwise, we will support them."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN