PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andrea Torres on her gravure book Andrea: Road Trip: "Kung nagulat sila sa FHM, mas marami akong panggulat dito."

Andrea talks about her book, current status, and ideal guy on #AndreaOnPEPtalk!
by Rizza Benedicto
Published Sep 21, 2015
Andrea Torres on her gravure book: "Siyempre ito, 100 pages na siya. Tapos hindi naman all the time mabibigyan tayo ng ganitong project na meron kang book, so talagang kinarir namin. Kung ano yung puwede kong ibigay, kung anong puwedeng gawin, ginawa ko na talaga."

“Kung nagulat sila sa FHM, mas marami akong panggulat dito.”

Ganito inilarawan ni Andrea Torres ang kanyang 100-page gravure book titled Andrea: Road Trip.

Nakausap ng PEPtalk team si Andrea sa press launch ng kanyang libro, at dito ay naikuwento niya ang kanyang mga ginawang paghahanda para sa libro.

Kung sa FHM Philippines December 2014 cover niya ay naging open ang Kapuso actress, masasabing mas naging open siya para sa Andrea: Road Trip.

Aniya, “Sobrang open, siyempre ito, 100 pages na siya.

"Tapos hindi naman all the time mabibigyan tayo ng ganitong project na meron kang book, so talagang kinarir namin.

“Kung ano yung puwede kong ibigay, kung anong puwedeng gawin, ginawa ko na talaga.”

Nakita ni Andrea na naging maganda ang feedback ng tao matapos ang kanyang FHM cover, kaya naman madali siyang napapayag na gawin ang 100-page gravure book.

“Nakita ko lang yung magandang effect ng FHM sa akin kaya hindi na ako nag-alangan na binigyan ako ng ganitong project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At saka Summit [Media] pa, si Jay [Tablante, photographer] pa, parang trusted na trusted talaga yung mga taong involved din."

Alamin ang iba pang kuwento sa likod ng sexy at teasing book ni Andrea na Andrea: Road Trip sa #AndreOnPEPtalk ngayong September 23 na!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Andrea Torres
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrea Torres on her gravure book: "Siyempre ito, 100 pages na siya. Tapos hindi naman all the time mabibigyan tayo ng ganitong project na meron kang book, so talagang kinarir namin. Kung ano yung puwede kong ibigay, kung anong puwedeng gawin, ginawa ko na talaga."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results