Toni Gonzaga reunites with Eat Bulaga! hosts Tito, Vic, and Joey at FAMAS Awards

Apart from winning the Best Actress trophy at the recently-concluded FAMAS Awards, Kapamilya TV host-actress Toni Gonzaga got the honor of presenting the Lifetime Achievement Award to Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon. Toni worked with the trio when she became a co-host of Eat Bulaga.


Nagsilbing reunion para kay Toni Gonzaga at original Eat Bulaga! hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon ang katatapos lang na 63rd FAMAS Awards.

Ginanap ito noong linggo ng gabi, September 20, sa Newport Performing Arts Theatre, sa Resorts World, Pasay City.

Si Toni ang nag-present kina Tito, Vic, at Joey ng Lifetime Achievement Award.

Matatandaang naging co-host ng Eat Bulaga! si Toni mula 2002 hanggang sa lumipat siya sa ABS-CBN noong 2005.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Toni ng larawan niya kasama ang tatlong batikang TV hosts-comedians.

Caption ni Toni: “Honored to present TVJs lifetime achievement award.”

Honored to present TVJs lifetime achievement award..👑 #EatBulaga36 #LegendsOfNoontimeShow

A photo posted by Toni Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga) onSep 20, 2015 at 8:22am PDT

Samantala, nabigyan din ng karangalan si Toni noong gabing iyon nang tanghalin siyang Best Actress para sa pagganap niya sa pelikulang Starting Over Again.

Tinalo ni Toni ang mga kapwa niya nominado na sina Aiko Melendez (Asintado), Gladys Reyes (Magkakabaung), Gretchen Barretto (The Trial), Jean Garcia, (Kamkam), Jennylyn Mercado (English Only Please), Kathryn Bernardo (She's Dating the Gangster), Kris Aquino (Feng Shui), Sam Pinto (Magnum Muslim .357), at Vina Morales (Bonifacio: Ang Unang Pangulo).

Nag-post naman ng pagbati ang mister ni Toni na si Paul Soriano para sa kanyang kabiyak sa pamamagitan ng Instagram.

Ani Direk Paul, ipinagmamalaki niya ang kanyang asawa dahil sa karangalang natanggap nito.

my wife wins best actress! So proud of you Tin. Hard work pays off. God is good! #ToGodBeAllTheGlory

A photo posted by Paul Soriano (@paulsoriano1017) onSep 20, 2015 at 6:25pm PDT


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN