Diego Loyzaga on estranged dad Cesar Montano: "He’s my father. He loves me and I love him."

As a rising star, Diego Loyzaga attracts the attention of bashers. He says, "I actually love my bashers kasi they tell me kung saan ako nagkukulang… they tell me that my acting is wrong, doon ako nagpu-focus. If they tell me may pagka-pangit ang Tagalog ko... pina-praktis ko Tagalog ko. If they say I don’t look good, sorry, eto lang ako, e.”


Ayon kay Diego Loyzaga, hindi niya regular na nakakausap ang kanyang ama na si Cesar Montano.

Pereho raw kasi silang busy kaya halos wala na silang komunikasyon.

Markado ang papel ni Diego bilang third wheel sa tambalan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa ABS-CBN primetime series na Pangako Sa ‘Yo.

Tatlong taon na rin siyang celebrity endorser ng Bench clothing line at nung Linggo, September 20, ni-launch siya, kasama si John Prats, na endorser ng Bench Quick Fix.

Ano ang reaksiyon ng kanyang ama na umaalagwa ang showbiz career niya ngayon?

“I’m sure he watches TV, I’m sure he’s happy for me,” matipid na sagot ni Diego, na anak ni Cesar sa aktres na si Teresa Loyzaga.

Para hindi magkaroon ng isyu, kaagad na nilinaw ni Diego ang sitwasyon nila ng ama.

“Nag-uusap pa rin kami, tatay ko pa rin siya.

“But, of course, he’s busy with his personal life right now, marami siyang ibang ginagawa.”

Matatandaang nagkaroon ng gap sa pagitan ng mag-ama nang maglabas ng sama ng loob si Diego dulot ng kakulangan umano ng atensiyon sa kanya ng actor-director.

Nagsisi ba siya sa kanyang nasabi noon?

Tugon ni Diego, “Wala, wala akong pinagsisihan.

“Wala pa akong ginagawa ko sa buhay ko na pinagsisihan ko.

“Kasi, everything led to today, and I’m happy today, so I have no regrets about my past.”

Paano ilalarawan ni Diego ang relasyon niya sa kanyang ama?

“He’s my father. He loves me and I love him, that’s the better way to put it.”



NEW PERSONA. Nakakapanibago ang pagiging madaldal ngayon ni Diego, na dati ay tahimik lang at halos hindi makapagsalita sa interview.

Ramdam din ang ilang niya noon kapag napag-uusapan ang personal niyang buhay.

Paliwanag ng Kapamilya talent, “Shy type ako dati, saka baguhan pa lang…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, it’s a mix. Naturuan ako kung paano just to be myself more, to be more lively."

Mas magaan nga raw ang pakiramdam ngayon ni Diego sa showbiz, at isa sa pangarap niya ay magkaroon ng role sa isang Hollywood movie gaya ng kanyang ama.

“Yeah, The Great Raid [Hollywood movie], why not?

“Idol ko si Erpat, gusto kong makarating ako sa day na masasabi kong na-accomplish ko rin yung mga accomplishments niya.”

Kumusta naman ang mommy niyang si Teresa Loyzaga?

Ayon kay Diego, “My mom is fine, my mom is beautiful, she’s fantastic.

“Yes, magkasama pa rin kami, we’re actually moving to a different house.

“We’re looking for a new house para magkasama kami, me and my brother and my mom.

“Para hindi na kami magkahiwalay kung saan kami nakatira, magkasama na kami palagi.

“One house, happy family, us three.”

Paano na ang citizenship ni Diego sa Australia lalo’t matagal na siya sa Pilipinas?

Aniya, “I’m a dual citizenship, so wala namang problema.

“Every now and then I can go back to Australia, walang problema. I’m over the age of eighteen.

“Hindi na ako nag-aaral. I’m working here already, so hindi problema sa citizenship.”

KATHNIEL. Pagdating naman sa triangle conflict nila nina Daniel at Kathryn sa Pangako Sa 'Yo, inamin ni Diego na nahihirapan siya.

Paliwanag niya, “Kahit sino po ang third wheel ninyo kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, mahirap po.

“So, yes, it has its struggles.

“No matter what, silang dalawa ang para sa akin or para sa buong bayan ang best loveteam.

“I’m not saying na hindi sina Kim Chiu and Xian Lim or anything.

“Alam naman ninyo naman na putok na putok ang KathNiel, so mahirap.

“Ngayon, ang role ko, nag-iba na, hindi na masyadong tumi-third wheel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I have a line there, ‘Ang hirap palang lumaban pag wala ka talagang kalaban-laban.’

“That was my line, and that’s how it really is.”

BASHERS. Nakakatanggap ba siya ng hate messages mula sa fans ng KathNiel?

Sabi ni Diego, “Meron naman po, lahat naman po ng mga artist…

"I love my bashers, I actually love my bashers.

“Kasi they tell me kung saan ako nagkukulang… they tell me that my acting is wrong, doon ako nagpu-focus.

“If they tell me may pagka-pangit ang Tagalog ko, if I used wrong words, pina-praktis ko Tagalog ko.

“If they say I don’t look good, sorry, eto lang ako, e.”

Ang isa lang hindi gusto ni Diego ay ang pagpuna o pamimintas ng bashers sa kanyang pamilya.

Sabi niya, “Well, they say things based on what they see maybe or hear in the media.

“But they’re not in my family, they don’t see what’s going on.

“There’s this saying from a Disney movie, 'If you have nothing good to say, don’t say nothing at all.'

“Sa mga bashers, if you wanna talk bad about me, fine, sige.

“But if you talk bad about my family, you don’t know my family.

“Everyone goes with different things, everyone has their own problems.

“Pangit lang na pasukin ‘yan kasi I have three little sisters [daughters of Cesar with estranged wife Sunshine Cruz].

"Isipin mo na lang pagtanda nila, with these stuff going on now and how they’re gonna accept it..."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN