JM de Guzman pulled from TV show and MMFF movie?

Ipinagtanggol nina Yen Santos (gitna) at Arron Villaflor (kanan) ang kasamahan nila sa All of Me na si JM de Guzman (kaliwa) tungkol sa balitang nagiging problema raw sa set ang aktor. Ayon kina Yen at Arron, "happy set" ang All of Me at wala silang nakikitang problema kay JM.


Ipinagtanggol nina Yen Santos at Arron Villaflor ang co-star nila sa All of Me na si JM de Guzman kaugnay ng usap-usapang nagiging problema sa kanilang set ang aktor.

Maliban sa madalas daw nitong pagiging late, nabalita ring nakaaway diumano ni JM ang direktor ng ABS-CBN afternoon soap na si Dondon Santos.

May balita ring tatanggalin na sa cast si JM at pitong linggo na lang daw ang tatakbuhin ng All of Me.

Ayon kina Yen at Arron, walang problema sa set ng All of Me.

Sabi ni Yen, “Walang dumarating na balita sa amin na seven weeks lang kami.

“Wala kaming nagiging problema. Masaya naman lagi sa set.”

Ayon naman kay Arron, “Happy set. Personal, hindi namin siya tinatanong.

“Pero sa taping, okay naman.”

Itinanggi rin ng dalawa ang nabalitang kumprontasyon daw nina JM at Direk Dondon.

Sabi ni Arron, “I don’t think na may nangyaring ganun.

“Ang pagkakaalam namin is happy kami sa set.

“And alam naman natin si JM, alam natin ang pinagdaanan niya, but I can say he’s doing his best.”

Dagdag pa ni Yen, “He’s professional. He’s doing his best para bumawi.”

Maliban sa balitang pagiging problema ni JM sa set ng All of Me, matunog din ang usap-usapang tinanggal na rin ang aktor sa cast ng pelikulang Walang Forever.

Ang nasabing pelikula ay entry sa 2015 Metro Manila Film Festival, at makakatambal sana ni JM dito ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado.

Pero may narinig na balita ang PEP na pinalitan na si JM ni Jericho Rosales.



ROMANCE. Samantala, napag-alaman ng PEP na nililigawan pala ni Arron si Yen.

Ang Kapamilya actress din ang sinasabi noon ni Arron na nagugustuhan niyang taga-showbiz.

Saad ni Arron, “I know Yen since before pa, since Good Vibes pa lang.

“Since 2010, grabe yung friendship namin, nagkasundo kami sa maraming bagay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sabi ni Yen tungkol sa panliligaw sa kanya ni Arron, “Wala pa kami dun, hindi ko pa siya sinasagot. Masaya lang kami.

“Si Arron kasi, ma-effort ‘yan, sobrang bait.

“Napakabait, magalang sa magulang.

“Pag-asa? Yun ang dapat ninyong abangan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN