Katrina Halili to StarStruck 6 bets: “Magpakatotoo sila. Huwag silang mag-pretend, and seryosohin nila.”

Katrina Halili on how she was able to make it to StarStruck years ago: "Nagpapakatotoo lang po ako. Hindi ko alam, hindi ko talaga alam, wala akong talent."


Sa tingin ni Katrina Halili ay panahon na talaga para ibalik sa telebisyon ang reality-based artista search ng GMA Network na StarStruck.

Si Katrina ay bahagi ng first season ng nasabing reality show ng Kapuso network, at itinuturing na isa sa pinaka-successful sa mga alumni nito.

At pagkatapos ng limang taon ay bumalik na ang StarStruck para sa ika-anim na season nito.

Sabi ni Katrina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Siguro po, twelve years na rin yung sa amin, di ba?

"Para mabigyan din yung iba ng opportunities na kagaya namin."

Ano ang sikreto na sa paglipas ng panahon ay maganda pa rin ang takbo ng showbiz career ni Katrina?

Tugon niya, “Hindi ko nga po alam.

"Sabi ko nga, naku, kung siguro ngayon ako sasali sa StarStruck, hindi ako papasok. Wala akong talent!”

Pero hanggang ngayon, isa si Katrina sa pinakasikat na artista na galing sa show. Ano kaya ang dahilan?

“Hindi ko alam. Nagpapakatotoo lang po ako.

"Tsaka ewan ko po, nakalusot lang po talaga, siguro iyon yung sinasabing destiny."



NO AUDITON. In fairness kay Katrina, napatunayan naman niyang may ibubuga siya sa pag-arte, lalo na sa pagkokontrabida.

Reaksiyon niya rito, “Natsambahan lang po kasi hindi ako nag-audition.

"Napasok na lang ako at parang sabi sa akin, ‘Pasok ka na.’

“Sabi ko lang, ‘Talaga? Okay!’”

Bakit pahirapan para makapasa sa audition ang sumunod na batches?

Saad ni Katrina, “Kasi dati wala pang masyadong nag-o-audition.

“So nag-roving sila, at pasok na daw ako sa Top 100.

“Tapos hindi nga ako laging pumupunta, kasi nga ayoko nga, nahihiya ako.

"Ngayon, may question pa din."

“Destiny. Yung pangalang destiny, sa akin yon, e.”

Ang tinutukoy ni Katrina ay ang bago niyang afternoon soap sa GMA, ang Destiny Rose.

ADVICE TO BATCH 6. Ano ang maipapayo niya sa mga kasali ngayon sa season six ng StarStruck?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Katrina, “Magpakatotoo po sila and seryosohin nila yung ipinapagawa sa kanila.”

Hindi ba niya sineryoso ang artista search noon?

“E, yung hindi ko sineryoso!” natawang sagot niya.

Pero dagdag niya, “Hindi, magpakatotoo sila, huwag silang mag-pretend.

"And seryosohin nila. Kasi kung makapasok sila, gagamitin nila lahat yun, e, di ba?

“Gagamitin nila yun as para silang nag-workshop.

"Lahat ng tasks na gagawin sa kanila, dun gagamitin nila.

“Ako, hindi talaga ako nagseryoso, nakatsamba talaga.

“Siyempre hindi po lahat makakatsamba, di ba?

“Ayoko pong i-encourage sila na gawin nila yung ginawa ko kasi wala talaga!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN