Dennis Trillo clarifies reported punching incident with Mikael Daez

Nilinaw ni Dennis Trillo na agad siyang humingi ng dispensa kay Mikael Daez matapos ang aksidenteng pagkakasuntok niya rito sa taping ng kanilang teleseryeng My Faithful Husband.


Inamin ni Dennis Trillo na aksidente niyang nasuntok si Mikael Daez sa isang eksena nila sa Kapuso primetime teleserye na My Faithful Husband.

Ayon kay Dennis, hindi sinasadyang napalakas ang kanyang suntok kaya tinamaan sa ilong ang co-star niyang si Mikael habang kinukunan ang kanilang fight scene.

“Oo nga, e. Medyo nagkaroon kami ng aksidente roon pero hindi naman sinasadya.

“Sa eksena, yung mga bugso ng damdamin kapag ginagawa yung mga eksena, minsan hindi napipigilan, nagkakaroon ng mga konting aksidente talaga,” paliwanag ni Dennis.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment reporters si Dennis pagkatapos ng presscon proper ng pelikulang Felix Manalo, na ginanap sa Manila Hotel kagabi, September 22.

Una nang naiulat sa PEP na muntik magkapikunan ang dalawa nang hindi sinasadyang maging totohanang nasuntok ni Dennis si Mikael.

Ngunit nilinaw ng 34-year-old Kapuso actor na agad siyang humingi ng dispensa kay Mikael matapos ang naturang insidente.

Paglilinaw pa ni Dennis, “Hindi naman [nagkapikunan].

“May ginagawang fight scene, aksidente na nadaplisan ko yung ilong niya.

“Kinailangan ko siya suntukin sa eksena.

“Pero nag-usap naman kami after ng eksena, nilapitan ko siya.

“Nag-sorry ako na hindi talaga dapat nangyayari yun.

"Pero alam niyo na aksidente, minsan nangyayari talaga.”

Sa huli, siniguro ni Dennis na maayos ang lahat sa pagitan nila ni Mikael.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN