Ruru Madrid not afraid other guys will beat him to the draw in courting Gabbi Garcia

Ruru Madrid admits his bad-boy image in the past: “Dati siguro kasi, nung hindi pa ako nag-aartista, nasa school pa ako, parang lagi kaming nagka-cutting classes, ganun-ganun. Tapos simula ng elementary, parang lagi akong napapaaway, ganyan.”


Hindi raw natatakot si Ruru Madrid na maunahan ng iba sa panliligaw sa ka-loveteam niyang si Gabbi Garcia.

“Hindi po, confident naman po ako na ako yung una sa pila,” sabi ng 17-year-old Kapuso actor sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Pinagbabawalan ba niya si Gabbi na tumanggap ng manliligaw?

Sagot ni Ruru, “Ay, siyempre bawal pa!

"Kung sa akin nga ayaw niyang magpaligaw, tapos sa iba pa? Hindi puwede!"

Wala naman daw silang kasunduan ni Gabbi na anuman.

“Pero basta sabi ko sa kanya, pagka puwede na, pagka okay na lahat [liligawan ko siya].”

Basta sa ngayon, si Ruru ba ang una sa pila?

“Opo!” mabilis niyang sagot.

Paano niya nasabing ayaw pang magpaligaw ni Gabbi?

“Parehas naman po kami na laging sinasabi na mas priority niya yung career and family niya.”

Hindi naman ibig sabihing ayaw pa ni Gabbi na magpaligaw?

“Siguro masyado pa po siyang bata 'tsaka hindi rin ako papayag!” natawang sabi ni Ruru.

Sixteen years old lamang si Gabbi.



REST FOR GABRU. Okay lang daw kay Ruru kung magpahinga man ang loveteam nila ni Gabbi dahil ka-love triangle ngayon ng binata sina Barbie Forteza at Andre Paras sa The Half Sisters.


Huling napanood sina Ruru at Gabbi sa primetime series na Let The Love Begin.

Aniya, "Well, siguro din naman po dahil kakatapos lang din naman po ng Let The Love Begin.


"So, puwede rin naman po sigurong magpahinga nang konti yung loveteam.

“Siguro para rin po sa sarili namin, para matuto rin kaming tumayo sa sarili namin.”

May fans sina Barbie at Andre na namba-bash ngayon kay Ruru dahil tutol sila sa kanya.

Komento ni Ruru tungkol dito, “Actually, okay naman po, kasi yung iba po, dahil [as Joaquin in The Half Sisters] ipinakita ko dito yung pagkamayamabang, maangas.

“May iba na nainis, pero yung iba po, parang gusto nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang sinasabi na, 'Uy, bagay sa iyo yung bad boy-bad boy,' yung ganun.

“Kasi parang kumbaga puros drama, e, yung ginawa ko po, e.

“Ngayon lang po talaga ako nagkaroon ng ganitong role na parang bad boy.”

BAD BOY IN REAL LIFE. Totoo bang may pagka-bad boy si Ruru sa tunay na buhay?

“Medyo po, e!” natawang pag-amin ng Kapuso teen star.

“Dati siguro kasi, nung hindi pa ako nag-aartista, nasa school pa ako, parang lagi kaming nagka-cutting classes, ganun-ganun.”

Nagdo-DotA daw sila kapag nagka-cut classes.

“Tapos simula ng elementary, parang lagi akong napapaaway, ganyan.”

Pero hindi raw siya nambu-bully.

“Parang siguro pagka kunyari may inaasar na pinsan ko o kaya kaklase ko, ipinagtatanggol ko.”

Hindi na raw DotA addict si Ruru.

“Mas addict na po ako ngayon sa trabaho,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN