Gabby Concepcion clueless about past rift between daughter KC and ex-wife Sharon Cuneta

Gabby Concepcion on reunion movie with Sharon Cuneta: "Gusto kong makita kung ano yung content, kung paano ang magiging acceptance ng fans. Kasi meron kaming followers na nandun pa rin, naghihintay lang for the project. Ako, I'm also a hopeful fan ng aming team-up, at sana'y mangyari nga 'yan."


Ayon kay Gabby Concepcion, maayos pa rin ang relasyon nila ng kanyang anak na si KC Concepcion kahit wala silang gaanong komunikasyon sa panahong may pinagdaanan ang anak.

"Okey, hindi man ako involved sa kanyang lovelife...

"Hindi ko alam, hindi pa naman niya ako tinatawagan.

“Normally, tinatawagan niya ako, lalo na pag isyu na… biro lang yun.

"Personal niya yun, may oras sa buhay natin na tayo na ang magde-decide kung sino, di ba?"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby sa presscon ng pelikulang Felix Manalo na ginanap sa Manila Hotel, Martes ng gabi, September 22.

Ginagampanan ni Gabby sa pelikula ang role bilang si Eduardo Manalo, ang kasalukuyang executive minister ng Iglesia Ni Cristo.

OPEN-MINDED. Lumalabas na tila clueless si Gabby sa naging problema sa pagitan ng kanyang dating asawa na si Sharon Cuneta at sa kanilang anak, na ang ugat ay ang mga sexy pictorial ni KC.

Reaksiyon ni Gabby, "Anong incident? Kasi maraming phases, e.

"Wala naman siyang nabanggit, hindi namin napag-usapan.

"Naririnig ko nga na merong konting reaksiyon.

“Pero sabi ko, 'You know, she's an adult, she can do whatever she wants as an adult.'

"Kung bata siya, talagang makikialam ako kung meron akong nakikitang hindi maganda.

"Pero open ang mind ko sa mga art and figures."

Bilang ama, wala ba siyang sini-set na limitasyon para sa kanyang panganay na anak?

Saad ng 50-year-old actor, "Well, hindi ko pa nakikita yung mga sinasabing allegations.

“Kung magdi-decide ako, kung may limitations ako sa photos niya, 'yan ay kailangan ko munang makita."

Hindi ba sa kanya ipinakita ni KC ang mga nasabing larawan?

Natawang sagot ni Gabby, "Hindi naman, hindi naman yung, 'Pa, look at these.'

"That's her choice, she's an adult, you know."

Dugtong pa ng dating matinee idol, "Ako, at a certain age ng isang tao, we have to let them run their lives.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We cannot be always there behind them sa lahat ng mga bagay.

"May mga desisyon na kahit sabihin mong huwag dahil laban sa paniniwala mo, yun ang paniniwala nila, e.

"Sa tingin ko, di naman siya nakakasakit ng tao.

"Kung sa tingin niya it's an art form, you know?

“It’s an art form, lahat naman ng mga ginagawa natin sa showbiz, mga posing na ganyan… depende.

"Beauty is in the eye of the beholder."

Pero bilang isang ina, iba ang interpretasyon dito ni Sharon.

Reaksiyon dito ni Gabby, "May kanya-kanyang paniniwala ang mga tao.

"May kanya-kanya tayong... may kanya-kanyang interpretation 'yan."

Sakali bang magkaroon sila ng pagkakataong magkausap ni Sharon, mapag-uusapan kaya nila ang tungkol kay KC?

Sagot ni Gabby, "Malamang mapag-uusapan namin and anything under the sun, for sure.

"Anything goes naman, but I respect the decision of her mom.

"Yun ang tingin niya, pero nirerespeto ko yun."

GABBY-SHARON MOVIE. Sa puntong ito, napag-usapan ang tungkol sa reunion movie nila ng Megastar tulad ng comeback nina Richard Gomez at Dawn Zulueta as a loveteam.

"Oo nga e ang tagal!" bulalas ni Gabby.

"I'm from the inside, but I look at myself na I'm from the outside also.

"Gusto kong makita kung ano ang movie na 'yan.

"Una, gusto kong makita kung ano yung content, kung paano ang magiging acceptance ng fans.

"Kasi meron kaming followers na nandun pa rin, naghihintay lang for the project.

"Ako, I'm also a hopeful fan ng aming team-up, at sana'y mangyari nga 'yan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN