Dawn Zulueta will not endorse any presidentiable in 2016: "They're all our friends... ayaw naming makasakit ng damdamin."

“I like acting and this is where I want to stay,” says Dawn Zulueta on why she can't be a politician.


Magbabago na raw ang ang buhay ng pamilya ni Dawn Zulueta sa pagtatapos ng termino ng asawa niyang si Anton Lagdameo bilang representative ng Davao del Norte.

Ayon kay Dawn, pahinga muna ang kanyang asawa sa pulitika kapag natapos na ang tungkulin nito sa 2016.

“It's okay naman.

"It will be a nice change for us naman kasi nine years na rin siya serving the second district of Davao del Norte.

"So, magpapahinga muna siya ngayon," sabi ni Dawn sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa anibersaryo ng Marie France kagabi, September 22.

Bilang asawa ng isang congressman, na nanungkulan sa loob ng siyam na taon, marami raw mami-miss si Dawn.

Kabilang na rito ang pakikipag-ugnayan niya sa mga tao sa distrito nila sa Davao del Norte.

Aniya, “I think I will miss being able to touch the people sa grassroots namin.

“Kasi siyempre, being a congressional spouse, I have access to that, e.

“I have access to reaching out to them, nakakausap ko sila.

“Kapag gusto kong magpulung-pulong, nagagawa ko.

“Ngayon, siyempre nagagawa ko pa rin naman, pero up to an extent na lang.

“Siyempre, dahil kung sino man ang maging congressman, sila ang mas may priority doon.

"Mami-miss ko lang."



NO TO POLITICS. Bagamat may alam na si Dawn pagdating sa serbisyo-publiko, hindi naman daw naiisip ng asawa niyang hikayatin siyang subukan na rin ang pulitika.

“Naku, hindi, hindi siya nangungulit. Alam niya na hindi ko linya 'yon, e. Ayaw ko naman!” natatawang sabi ni Dawn.

Nabanggit din ng aktres na may mga nag-alok na sa kanya upang pasukin ang pulitika, pero hindi raw ito para talaga sa kanya.

“Mayroon namang mga offers pero hindi ko talent.

“Of course, I'm very thankful for the offers that come our way. Pero I know naman kasi what my limits are.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm happy with what I do. I like acting and this is where I want to stay."



NO POLITICAL ENDORSEMENT. Samantala, dahil malapit na ang eleksyon, hindi maiwasang tanungin si Dawn kung mag-eendorso siya ng mga pulitikong tatakbo sa election 2016, partikular na sa posisyon ng pagka-Pangulo.

Sagot niya, "I'll tell you something, of the ones that have declared or announced their [presidential bid], they're all our friends.

“Grace [Poe] is a friend. [Jejomar] Binay, to an extent, is a family friend. Mar is also a family friend.

"So, medyo nahihirapan kami ni Anton.

“Kapag idinagdag mo pa si [Rodrigo] Duterte diyan, mas mahihirapan kami kasi siyempre, di ba, Davao kami?

“So, we will reserve muna the right to keep quiet. Ayaw naming makasakit ng damdamin.”

Sa ngayon, ayon kay Dawn, “Kailangan ko muna sigurong pakinggan ang mga plataporma nila bago ako makapag-decide.

“Pero hindi niyo siguro maaasahan sa akin ang makapag-endorso ng presidentiables kasi, like I said, lahat sila ay kaibigan natin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN