Dawn Zulueta thanks husband for her time in showbiz: "Iba pa rin kung meron kang karera."

Recognized as the Iconic Movie Queen of the 1990s at the recent FAMAS Awards night, Dawn Zulueta recalls her years as a greenhorn in showbiz: "Sa mga younger generation, parang nakita ko ang sarili ko with them. Kasi they’re the ones who are trying to learn from us, ganon na ganon ako din ako noon."


Nagpahayag ng kanyang kasiyahan si Dawn Zulueta para sa parangal na ibinigay sa kanya ng kakatapos lang na 63rd FAMAS Awards na ginanap nung Linggo, September 20, sa Resorts World.

Si Dawn ang napiling Iconic Movie Queen ng dekada 1990.

Kahilera niya sa parangal na ito sina Gloria Romero (Iconic Movie Queen of the 1950s); Susan Roces (Iconic Movie Queen of the 1960s); Nora Aunor (Iconic Movie Queen of the 1970s); Maricel Soriano (Iconic Movie Queen of the 1980s), at Sarah Geronimo (Iconic Movie Queen of 2000s).

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Dawn sa backstage ng awards night, hindi halos mawalala ang ngiti sa kanyang mga labi habang nagniningning sa kaligayahan ang kanyang mga mata.

Paglalarawan ni Dawn sa kanyang karanasan, “In the first place, what an honor because I’m with esteemed women.

“From Tita Glo to Tita Susan, both I’ve idolized since I was young, include na rin sina Ate Guy at Maricel.

“And even with Sarah, bilib na bilib ako sa husay niya.

“Mahilera lang ako sa mga magaganda at sa mga talent na gano'n na mga women, it’s such a big deal for me.”

LEARNING CYCLE. Hindi raw inakala ni Dawn na makakatanggap siya ng ganitong parangal.

Sabi niya, “Iniisip ko na pag matandang-matanda na ako, merong makakaalala sa akin.

"Hindi ko ini-expect this early, meron nang ganitong klaseng parangal.

“So, salamat sa FAMAS… ngayon ko lang talaga nararamdaman.

“When I count the years from 1987, it would be almost thirty years.

“So sa lahat ng pinagdaanan ko all through the years, all the people I’ve met and worked with, napi-feel ko pa lang ngayon.

“Kasi nakikita mo rin sa mga younger generation, parang nakita ko ang sarili ko with them.

“Kasi they’re the ones who are trying to learn from us, gano'n na gano'n din ako noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung sabik, I want to learn the secret to their staying power.

“Si Ate Mary [Maricel], hinahangaan ko talaga ‘yan, pinapakinggan.

“Si Ate Susan when I had a chance to work with her sa Walang Hanggan, Tita Gloria, and so many more.

“It’s my turn to give back naman.”

ANOTHER CHANCE. Inisip daw noon ni Dawn na tuluyang talikuran ang showbiz para mamuhay nang normal sa piling ng kanyang mister na si Davao del Norte 2nd Distric Representative Anton Lagdameo at bumuo ng pamilya.

Saad pa niya, “Akala ko hindi na ako babalik, ito na yung bagong buhay na hinahanap ko.

“And maybe if I had children right away, makakalimutan ko [ang showbiz].

“Pero hindi pala, kasi na-miss ko yung ginagawa ko ngayon, ang acting.

“At meron pa akong ibibigay, feeling ko meron pa at bigyan pa ako ng chance.

“At nagpapasalamat ako because the industry still gives me the chance.”

Malaki rin daw ang pasasalamat niya sa kanyang asawa.

Nangingiting sambit pa ni Dawn, “Yan ang pasalamatan natin, si Congressman.

“Kasi puwedeng pagbawalan niya ako, pero naiintindihan niya na mahal ko ang trabaho ko.

“Naiintindihan niya that it keeps my sanity, na I’m doing something I enjoy.

“Of course, I also value our life together, I enjoy being a mother to our children.

“Pero iba pa rin kung meron kang karera, iba rin may ginagawa ka.

“That’s self fulfillment at naiintindihan niya yun.”

MORE FAMILY TIME. Samantala, excited na si Dawn sa planong family vacation dahil hindi na muling sasabak pa sa pulitika ang kanyang mister.

Ayon sa kanya, tapos na ang tatlong termino ng asawa niya sa Kongreso at wala na itong balak tumakbo para sa kahit na anong puwesto sa darating na eleksyon.

Aniya, “Nine years na siya [sa politics], so he has to stop… pahinga na muna siya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I guess we will have more time. Unang-una, magbabakasyon na muna kami this summer.

"Hindi namin nagawa yun this year with our kids dahil may trabaho rin ako.

“[It] will be the first summer that he’s out, wala na siya sa Congress, wala na siyang iisipin.”

Kasalukuyang ginagawa ngayon ni Dawn ang bagong teleserye nila ni Richard Gomez na You’re My Home ng ABS-CBN na posibleng umere na ngayong Oktubre.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN