LJ Reyes bags her first international Best Actress award; says 10-minute sex scene was worth it

Naiyak si LJ Reyes nang nakarating sa kanya ang balitang siya ang itinanghal na Best Actress sa 13thPacific Meridian International Film Festival na ginanap sa Vladivostok, Russia. Nagbunga raw ang pagiging daring niya sa pelikulang Anino Sa Likod Ng Buwan.


Natanggap na ni LJ Reyes ang trophy at certificate para sa pagkapanalo niya bilang Best Actress sa 13thPacific Meridian International Film Festival na ginanap sa Vladivostok, Russia, noong September 18.

Si LJ ang hinirang na Best Actress para sa pagganap niya sa pelikulang Anino Sa Likod Ng Buwan, kung saan nanalo ring Best Director si Jun Lana.

Bukod sa naturang major awards, nakatanggap din ng dalawang critic prizes ang pelikula—ang NETPAC Jury Best Asian Film at ang FIPRESCI International Critics' Prize.

Miyerkules ng tanghali, September 23, personal nang iniabot ni Direk Jun kay LJ ang kanyang Best Actress trophy at certificate.

Malaki man ang panghihinayang na hindi niya ito natanggap nang personal noong awards night, masayang-masaya pa rin ang StarStruck alumna na nagbunga ang kanyang pinaghirapan sa pelikula.

Kabilang na rito ang '10-minute uninterrupted love scene' nila ni Luis Alandy.

Saad ni LJ, “Kapag gumagawa ako ng eksena, I make sure na hindi ako yung nandoon.

"Tuwing magti-take kami, may hinga yun, hindi na talaga ako yung nasa eksena kundi yung karakter na na si Emma.

"Nawawala si LJ.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling miyembro ng media si LJ sa pocket presscon nila ni Direk Jun sa Pamana Restaurant, sa Quezon City, kaninang tanghali.

ONE-SHOT FILM. Ang Anino Sa Likod Ng Buwan ay isang political thriller na kinunan lang sa isang location at isang camera.

Kaya walang mali dapat sa bawat eksenang gagawin.

Katulad na lamang ng eksenang pagtatalik nina LJ at Luis.

Gumawa pa raw si Direk Jun ng kaparehong eksena na hubadero at hubadera ang nag-execute para magsisilbing example kay LJ.

Pero pagkatapos daw ng take, mas nalagpasan pa raw ni LJ ang ginawang eksena ng hubadero at hubadera.

Natatawang sabi ng Kapuso actress, “Si Direk kasi meron siyang… ano ‘to, e, salbahe 'to, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong bago kami mag-shoot, e, di nagri-hearse kami nang nag-rehearse.

"Tapos nung magti-take na kami, first day, naka-ready na ako, saka siya may inabot sa akin na letter.

“So, lahat yun na napag-usapan na namin, lahat yun nawala, parang biglang nag-iba, parang biglang nawala.

“Parang pumasok na lang yung karakter ko nang buong-buo.”

Sabi pa niya, nagkaroon daw siya ng flashes of memory na hindi sa kanya kundi sa karakter na ginagampanan niya.

Hango ang Anino Sa Likod Ng Buwan sa mga naging karanasan ng mga mag-asawag naipit at nakaligtas sa anti-insurgency campaign ng gobyerno noong 1990s sa Marag Valey, Southern Philippines.

Sa pagsupil sa mga rebelde, binomba ng gobyerno ang lugar kung saan daan-daang tao ang nasugatan at namatay.

Ang mag-asawa naman na nakaligtas ay magkakaroon ng relasyon sa isang sundalo na sa paglipas ng mga araw ay naging kumplikado.

FULL-FRONTAL. Nagpakita ng kanyang dibdid at likuran si LJ sa pelikula.

Si Luis naman, pati ang isa pang cast member na si Anthony Falcon, ay kita ang kanilang puwet at maaninag ang maselang bahagi ng kanilang katawan.

Isa rin sa kanila ang may full-frontal nudity na ayon kay Direk Jun ay kailangan talaga sa pelikula.

Ano ang masasabi ni LJ sa mga maaaring maging batikos na ibabato sa pelikula kapag maipalabas na ito sa bansa ngayong darating na Oktubre sa Quezon City International Film Festival?

Aniya, “Gusto kong makita nila yung film namin beyond that scene.

"I want them to be enlightened by the film.

“Hindi lang dahil dun sa eksenang yun, kung ano talaga yung essence ng film na ginawa namin.”

Tatanggapin kaya niya ang role kung single pa siya at hindi pa isang ina?

Saad ng 25-year-old Kapuso actress, “Alam mo, lagi kong sinasabi na naniniwala ako na you have to experience para ma-explore mo yung senses mo as an actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It doesn’t mean na kailangan lahat i-try mo, pero kunyari nakakaramdam ka ng fame, nakakaramdam ka ng happiness, minsan kasi hindi mo alam mo yung feeling na hurt and happy at the same time.

“So, as an actor and if a scene requires for that, and kailangang maipakita mo yun, so yun, kailangan [gawin].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN