Senator Grace Poe respects cousin Sheryl Cruz's opinion about her presidential bid

Senator Grace Poe on cousin Sheryl Cruz: "As family, we will give her the love and respect she deserves.”


Hindi na pinatulan ni Senator Grace Poe ang pagkontra ng pinsan niyang si Sheryl Cruz sa kanyang kandidatura bilang presidente sa 2016 elections.

Kaugnay ito ng pahayag ni Sheryl na masyado pang maaga para tumakbo si Senator Grace sa pinakamataas na posisyon sa bansa.

Maikling pahayag ni Senator Grace sa sinabi ni Sheryl:

"I thank Sheryl for her opinion and concern for us. As family, we will give her the love and respect she deserves."

Si Sheryl ay anak ng dating aktres na si Rosemarie Sonora, nakababatang kapatid ni Susan Roces.

Si Susan at ang yumaong King of Philippine Movies na si FPJ ang adoptive parents ni Senator Grace.

Sa kabilang banda, maging ang running mate ni Senator Grace na si Senator Francis "Chiz" Escudero ay ayaw panghimasukan kung ano man ang gusot sa pagitan ng magpinsan.

Lalo pa't naniniwala siyang magkakaayos din ang dalawa bilang magkapamilya.

Sabi ni Senator Chiz, "Mas nanaisin ko palagi, anumang personal na hindi pagkakaunawaan, huwag nang ihalo sa ingay at gulo ng pulitika.

"Hayaan nating pamilya ang magresolba niyan."

Nito lang Martes, September 22, nang ihayag ni Sheryl sa ilang reporters ang kanyang saloobin tungkol sa pagkandidato ni Senator Grace bilang pangulo sa 2016 elections.

Paliwanag ni Sheryl, "Ang feeling ko, it’s just too abrupt. It’s too early.

"Kung mas marunong nga na senator na si Serge Osmeña, who works closely with my cousin, ang sinabi nga niya, 'She would make a fine president, just not right now.'

"I’m not belittling Manang Grace's capabilities.

"It’s just that she would be a more effective president come 2022 and not 2016."

Read: Sheryl Cruz reiterates stand on Senator Grace Poe's bid for presidency


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN