Jaclyn Jose will not allow granddaughter to undergo DNA test: “Wala na. Your time is up, whoever you are.”

Jaclyn Jose on granddaughter Ellie: "Leave my granddaughter alone. She’s very happy, she’s very sweet. She’s a happy child. Huwag nilang sirain yung kung ano yung merong purity si Ellie."


Halatang walang masyadong alam si Jaclyn Jose sa diumano’y pagpapa-DNA test ni Albie Casiño, ang sinasabing ama ng anak ni Andi Eigenmann na si Ellie.

Si Andi ang panganay na anak ni Jaclyn.

“Sino daw nagpa-DNA? Parang wala naman akong nabalitaang kumuha ng dugo kay Ellie!” natatawang sabi ni Jaclyn.

Dagdag pa ng aktres, “Paano niya nakuhanan ng dugo si Ellie at saka si Andi?

"Alam mo, hindi ko pinapayagan ‘yan. Sinabihan ko na si Andi.

"Noon, pumapayag kami, noong bago ipanganak [si Ellie]. Naalala mo yun, sinabi ko pa, sige.

“Apat na taon na si Ellie in two months. So, kumbaga, wala na.

"Your time is up, whoever you are, no DNA [test] for everybody.

“Napalaki ko ‘yan [Ellie]. Ako ang nakabantay diyan, e.”

May lumabas pang balita na diumano’y hindi nag-match ang DNA ni Albie at ni Ellie.

Komento ni Jaclyn dito, “Saan ba galing ‘yan?

“Kung nagpa-DNA siya, I don’t know.

"Pero blood ni Andi at Ellie, I am definitely sure na hindi ako papayag na makuhanan.

“I should know. Siyempre alam ko ‘yan.

"Sinabihan ko rin si Andi, 'No DNA for anyone. Kaya nating buhayin na tayo lang. We'll stand for this.'"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jaclyn sa presscon ng pelikulang Felix Manalo sa Manila Hotel noong Martes, September 22.



PROTECTIVE GRANDMA. Tahasan ding sinabi ni Jaclyn na, “Leave Ellie alone. Leave my granddaughter alone.

“She’s very happy, she’s very sweet. She’s a happy child.

"Huwag nilang sirain yung kung ano yung merong purity si Ellie.

"At ako ang nagpalaki diyan... si Andi of course.

“Pero kung anuman ang meron si Ellie na purity, happiness and love, so charming to everybody, walang puwedeng kumuha nun.”

Ipaglalaban daw ni Jaclyn ang apo.

“I will protect my apo all the way.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"If I cannot deal with Andi anymore because she’s at her right age na, definitely with Ellie, I will always protect my grand apo.

“I will never let anyone harm her. No one will harm my Ellie.”

Paano kung maapektuhan si Ellie sa lahat ng nangyayari balang-araw?

“A, magagalit na ako. Kasi, hindi pa ako nagagalit, di ba, matagal na,” sabi ni Jaclyn.

Paano kung dumating ang panahong dahil lumaki sa kanya si Ellie, si Jaclyn ang tanungin ng apo kung sino ang ama nito?

Natatawang sagot ni Jaclyn, “I will tell her, ‘Ask your mom kasi hindi ako ang kasama!'”

Talagang sarado na ba ang pinto ni Jaclyn kung sakaling magpa-DNA test si Albie?

Tugon ng aktres, “Naipanganak na... she’s turning four.

"Alam na niya lahat, ang Internet, ang Facebook. Ang phone ko! Marunong mag-play, manood.

"So, I just want to protect my granddaughter.

“Whatever it is, definitely nandito ako for Ellie.”

HANDS-OFF. Masaya rin daw si Jaclyn na maayos ang relasyon nila ni Andi ngayon.

Nakangiti niyang sabi, “Okey, okey kami.

"Smooth, wala kaming problema ni Andi."

Hands-off na raw si Jaclyn pagdating sa lovelife ni Andi, na kamakailan lang ay nagsabing ayaw na niyang makipagbalikan sa ex-boyfriend na si Jake Ejercito.

Read: Andi Eigenman on possible reconciliation with Jake Ejercito: “Ayoko na, never look back, mali yun.”

Pahayag ni Jaclyn, “Hinahayaan ko na lang si Andi kung ano ang feeling niya at the moment.

“She’s free naman to feel, she’s entitled naman.

"I’m just here for her and Ellie.

“Kung sila naman, sila ‘yan. Hindi mo mapipigil ‘yan.

"Si Rosemarie Gil nga at saka si Eddie Mesa, 16 years naghiwalay, nagkabalikan pa.

"Hindi natin ano ‘yan, e, kung sila, sila."

Sina Rosemarie Gil at Eddie Mesa ang mga magulang ng yumaong aktor na si Mark Gil, ang ama ni Andi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang ina, mas nagugustuhan ba ni Jaclyn ang nakikita niya ngayon kay Andi?

Saad ng multi-awarded actress, “Well, siyempre mas magiging maganda kung okey siya sa lovelife at career para mas maligaya siya.

“Ang nanay naman, gusto na maligaya ang anak, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN