Jasmine Curtis-Smith refuses to react to Sam Concepcion's statement that he still has feelings for her

Sam Concepcion’s response if he still have feelings for ex-girlfriend Jasmine Curtis: “With something like that, it doesn’t go away easily.”


Nagbigay ng update si Jasmine Curtis-Smith sa monologue series na pagsasamahan nila ng kanyang ex-boyfriend na si Sam Concepcion, ang No Filter 2.0, na magsisimula sa October.

“We’ve been well, pretty smooth.

"We don’t get to attend to a lot [of rehearsals] because I’m busy taping for My Fair Lady show,” pagtukoy ni Jasmine sa ongoing TV series niya sa TV5.

Dagdag niya, “Sadly, I’m hardly there, but I’m always negotiating naman with my director with how I can attack my monologue.”

Aminado naman si Jasmine na siya mismo ang namili kay Sam na maging alternate niya sa No Filter 2.0.

“He’s a good performer, that’s why I chose him,” sabi ng Kapatid actress.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment portal) si Jasmine nitong Miyerkules ng gabi, September 24, sa thanksgiving program ng Cignal TV, isang Philippine pay-TV provider, dahil sa pag-hit ng one million subscribers nito.

THE FEELING IS STILL THERE. September 22, Martes, nag-guest si Sam sa Aquino and Abunda Tonight.

Dito ay inilahad ng singer-actor na lumabas sila ni Jasmine at nag-dinner noong Biyernes, September 18.

Idinagdag ni Sam na kasama nila ang mga kasamahan mula sa gagawin nilang stage play.

Inamin din ni Sam na hindi madali ang maging kaibigan ang ex-girlfriend, kagaya ni Jasmine.

Sabi niya, “It’s not easy.

"Of course, what we’ve experienced, the relationship that we had and what we went through, it’s not easy to be around each other."

Diretso ring tinanong si Sam kung may feelings pa siya kay Jasmine.

Sagot niya, “With something like that, it doesn’t go away easily.

“It was very important, very special part of me. Hindi po siya madaling kalimutan.”

Nagsalita rin si Sam sa dahilan ng kanilang paghihiwalay.

“Siguro to simplify it, the easy and best way to describe it is probably little things that contributed to that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And we are very young, and sometimes it’s time and you have to grow into be better individuals."

Kinuha ng PEP ang reaksiyon ni Jasmine na naging rebelasyon ni Sam.

Pero naging mailap ang young actress sa kanyang sagot.

“For me, there’s really nothing to talk about there,” sabi ni Jasmine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN