Regine Tolentino mum on rumored separation from husband Lander Vera-Perez

Regine Tolentino on why she went to Paris: “Nag-zumba ako in front of the Eiffel Tower with the Filipino community there."


Kapansin-pansin na wala ang asawang si Lander Vera-Perez sa mga ipinost na litrato ni Regine Tolentino nang magbakasyon sila ng dalawang anak na sina Reign at Reigen sa Europe kamakailan.

Tuloy, marami ang nag-iisip na baka may problema na naman sa kanilang pagsasama ang mag-asawa, na nagkahiwalay at nagkabalikan din ilang taon na ang nakalilipas.

Sabi ni Regine, “Nag-zumba ako in Paris in front of the Eiffel Tower with the Filipino community there.

“Actually, it was really a vacation, but nagkataon na may mga na-meet ako.

"In-organize ni David Fabros so I said, sure, sige. It’s my dream to go to Paris, to see the Eiffel Tower.

“Tapos, at that time, may zumba pa, talagang dream come true.

“I’m so thrilled kasi nagawa ko yun.

"And it was the most amazing zumba experience in my life to be able to do that.”

Bakit hindi nila nakasamang mag-iina si Lander?

“E, kasi, kami lang mga girls, it’s our bonding,” mabilis na sagot ni Regine.

Sinabi rin niyang ginagawa ni Lander ang teleseryeng All Of Me sa ABS-CBN kaya silang tatlo lang ang pumunta sa Paris.

Sabi pa ni Regine, “Exciting and we had so much fun!”

Diretsahan naming tinanong si Regine tungkol sa usap-usapan na diumano’y tila may problema ngayon sa pagsasama nila ni Lander.

May blind item ding lumabas na tila sila ang tinutukoy.

“Buy?! Zumba pa more,” natatawang tugon ni Regine.

Nakangiti pero seryoso siyang sumagot: “No comment muna.”

ANTI-STRESS. Inamin ni Regine na pang-de-stress niya ang zumba.

“Zumba for me is fun.

"I go around with events but really, it’s my therapy, it’s my detox activity.

"I have so much fun. It’s always changing, always new music and always new moves.

“I get to travel a lot at ang dami ko rin nai-inspire bilang mommy rin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya ba siya?

Sagot ni Regine, “Yeah, I’m thrilled.

"I’m passionate with what I do with my career. Ito na talaga ang pinaka-enjoy ko.

“I get to do many things. I’m free to do as much as I want.

"And my schedule is extremely tight, but I’m so thrilled."

Posible rin daw siyang magbalik-pelikula, kunsaan makakasama niya si Piolo Pascual.

“Sa 2016 pa naman yung shooting.

"But actually, isa rin yun sa mga reason kung bakit ako nagpunta sa Paris with David Fabros.

"Pero long-term pa yun. So, I’ll go back to acting workshop muna."

ZUMBA PARTY. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Regine sa launch at pocket presscon ng Z Star Ball, na gaganapin sa October 9 sa Makati Sports Club.

Ayon kay Regine, “I’m super excited because this is the biggest zumba extravaganza that is happening, not only for the zumba community but for the enthusiasts, para maiba naman.

“It’s a red-carpet, formal-wear concert with dancing and special performances with celebrity fitness and icons.

"Para maiba naman, it’s not the usual zumba party."

Magbibigay rin daw sila ng special acknowledgment and awards sa instructors na nag-standout sa nationwide event nilang ito.

Meron din daw galing ng ibang bansa.

Halos apat na taon na ring pinapalaganap ni Regine sa Pilipinas at ibang bansa ang zumba.

Hindi pa rin napapagod sa pagsu-zumba si Regine kahit abala siya sa kanyang RT Studios, pagiging segment host ng Unang Hirit, at iba pang gawain.

“It’s because I love it. I made so many great friends.

"It keeps me alive and focused because siyempre, busy tayo.

"We all have our regular day job, we all have our family, so it’s important to make time for it.

“Ang dami kasing nai-inspire talaga na zumba instructor for people to feel good, look good, and to have fun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Minsan nga, yung iba, may pinagdaanan or karamdaman, but with zumba, it makes them feel great.”

Bahagi rin ba ng Z Star Ball si Lander, na kasali sa mga nakaraang events ng RT Studios at isa ring licensed zumba instructor?

Sagot ni Regine, “It’s a family affair.

"It’s really exciting for us and it’s the first time that it’s really happening.

“It’s not only for the zumba community.

"Kasama rin namin sina Jopay Paguia, Joshua Zamora, and a lot more and of course, there’s a fashion show.

“Yung Regine’s Boutique, 16 years na rin. Sayawan, party talaga.”



ALDUB FAN. Speaking of Regine's Boutique, napag-alaman namin mula kay Regine na sila pala ang nagpu-provide ng mga damit ni Maine Mendoza o Yaya Dub sa special episodes ng Eat Bulaga..

“We make their costumes. Yung mga gown, yung mga outfits,” masaya niyang sabi.

Hindi pa raw nakikita nang personal in Regine si Maine kahit ilang beses na itong nagpunta sa Regine’s Boutique at ilang beses na nila itong nagawan ng costume.

Kuwento ni Regine, “Number one fan niya [Maine] ang anak ko, pati na rin ako.

"Wala pa siya sa Eat Bulaga, pinapanood na namin ang mga Dubsmash niya.

"So, hanggang ngayon, inaabangan ko rin ang pagmi-meet namin.

“Puro sa text, binabati niya ako. Lahat ng staff ko, may picture, may bati sa kanya.”

Puring-puri naman ni Regine si Alden.

“Dito [sa RT Studio sa Valencia, Quezon City] siya nagwu-workshop; acting, dancing, rehearsals niya.

"At bago pa sumikat si Alden, nakasama ko na ‘yan sa trabaho at wala akong masabi kung hindi sobrang bait niya.

“He really deserves all the success and everything that’s coming to him, because he’s really hardworking and he’s really so sweet talaga.

"I love him, I love him."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN