Bianca Umali and Miguel Tanfelix not yet sure if first onscreen kiss will happen in new teleserye

Bianca Umali doesn't want to reveal what her birthday gift to Miguel Tanfelix is: "Secret na lang muna. Makikita naman din yun sa social media."


Kabilang sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix sa young stars na ginawaran ng German Moreno Youth Achievement Award sa katatapos na 63rd FAMAS Awards na ginanap sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila, noong Linggo, September 20.

“Siyempre, bibihira na mabigyan ka ng ganitong award, so very thankful kami ni Bianca,” sabi ni Miguel sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Saad pa ni Miguel, “First time namin na makasama sa awardees na ito ng FAMAS. Kaya masaya kami.”

Dagdag ni Bianca, "Also at the same time, excited and surprised talaga. Kasi hindi namin in-expect na mabibigyan kami ng ganitong award sa FAMAS.”

NEW TELESERYE. May bagong pagtatambalan sina Miguel at Bianca sa GMA-7. Ito ang Maybe This Time na nagsimula na ng taping.

“Masaya ang taping namin. Super saya,” kuwento ni Bianca.

“And again also, siyempre working with Miguel is kumbaga, yung buong months na we’ll be working on a show ulit, masaya talaga.

“And dito sa Maybe This Time compared to our past shows na pa-sweet and puro good vibes, this time meron nang halong twists and may hugot na yung characters namin.”

Kinailangan pa rin daw nina Bianca at Miguel na paghandaang mabuti ang muli nilang pagsasama kahit magka-loveteam sila at ilang beses nang nagkatambal sa mga projects.

“Kinailangan naming mag-workshop talaga,” ani Miguel. “Kasi katulad nga ng sinabi ni Bianca, ibang characters itong ipo-portray namin ngayon.

“Mas seryoso sa buhay. Mas maraming obstacles na pinagdadaanan.”

Sa bagong soap ba nilang ito mangyayari ang kanilang first screen kiss? Kasi dampi lang yung nauna sa Once Upon A Kiss.

“Hindi pa namin alam,” nakangiting sagot ni Miguel.

Ready na ba sila sa intimate scenes kung sakali?

“Hindi pa masyado,” ani Miguel.

“Hindi pa, sobra,” sambit naman ni Bianca.

KILIG MOMENTS. Matinding acting na raw ang kakailanganin nilang ibigay sa Maybe This Time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“By November daw, malamang na magsimula ang airing nito. Pero wala pang eksaktong date,” pahayag ni Miguel

“Basta before the year ends,” dagdag ni Bianca.

Mas maraming kilig moments daw ang aabangan ng kanilang fans.

“Siyempre!” sabay ngiti ni Miguel. “Iyon ang hindi namin puwedeng tanggalin.”

BIRTHDAY CELEBRATIONS. Nakatatlong advance birthday celebrations si Miguel para sa kaarawan niya noong Monday, September 21.

“Una, yung sa… kasama ang [GMA] Artist Center. Pangalawa nung September 19 [Saturday] kasama ang family ko at si Bianca. Nag-dinner lang kami.

“Tapos sa mismong araw ng birthday ko, taping namin, kainan lang.”

Nangiti lang si Bianca nang mausisa kung ano ang birthday gift niya kay Miguel.

“Naku… secret!” at tumawa ang young actress.

“Secret na lang muna. Makikita naman din yun sa social media.”

Ano ang birthday wish ni Miguel?

“Iyon pa rin naman… more blessings. Sana mas mahalin pa ako ng mga taong mahal ko.

“And more projects!” huling nasabi ng young actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN