Snooky Serna converts to Iglesia Ni Cristo after being healed of sickness

Snooky Serna on whether or not her religion now affects her choice of roles: "Nasa amin na yun, nasa personal conviction na namin kung tatanggapin namin ang role o hindi. Pero walang pumipigil sa amin na tanggapin ang isang role o hindi.”


Hindi na pinagtatakhan ang pagkakasama ni Snooky Serna sa bio-epic movie na Felix Manalo na pinagbibidahan ni Dennis Trillo, dahil gaya nina Jacklyn Jose at Gladys Reyes, isa nang kapatid o kasapi sa Iglesia Ni Cristo (INC) ang aktres.

Papel ni Pilar Manalo-Danao, panganay na anak ni Felix Manalo, ang founder ng INC, ang papel na ginagampanan ni Snooky sa pelikula.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa aktres matapos ang presscon ng nasabing movie noong Martes, September 22 sa Manila Hotel, muling idinetalye ni Snooky ang rason kung bakit siya nagpa-convert sa INC.

RECEIVING A CALLING. “Ang katotohanan, 'natawag' ako. Kasi kanya-kanyang experience yan, e. Ako, natawag ako dahil sa pagpapahid ng langis.”

“Di ba, it says in the Bible? Talaga namang biblical yun. Ayokong misconstrue ang Bible.

“Pero ang bottom line with all due respect sa Bible, kapag merong masakit sa iyo, you call the elders of the church to anoint you with oil and you will be healed and your sins will be forgiven.”

Nabalita noon na nagkaroon ng boyfriend na INC member si Snooky kaya ito nagpa-convert.

Paliwanag ng Kapuso actress, “It’s not true. Yun nga ang reason, uulitin ko, dahil sa pagpapahid ng langis.

“May sakit ako noon. I was in fear of having cancer. Kasi nagkaroon ako ng polyps. Tinubuan ako sa colon at saka sa pancreas.

“Kaya lie low rin talaga ako noon at that time sa career ko kasi I was very sick.

“Kaya lang siyempre, hindi nga lang alam ng mga tao. I wanted to keep it a secret. Alam mo naman kung minsan buhay ka pa, sasabihing patay ka na.

“And I wanted peace and just to relax lang. Ayoko ng masyadong commotion nang mga time na yun.

IGLESIA COUPLE TO THE RESCUE. “I was soul-searching at that time, kasabay ng pagkakaroon ng sakit na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then thankfully, may mga kaibigan akong mga mang-aawit sa Iglesia. Nineteen years ko na silang kaibigan na mag-asawa.

“They never, ever, forced me to join the Iglesia Ni Cristo. Pero noong time na nagkasakit ako, nag-offer lang sila na kung gusto ko at kung papayag ako, papahiran ako ng langis. And then ipi-pray over ako.

“For lack of better words to use, ipapanalangin ako noon ng ministro.

“So, pumayag ako. And to make the long story short, the test results came out normal. Gumaling ako from my sickness na I thought was going to get worse.

“I thought it was going to be the end of me.

“So 'ayun. Parang after that, naging intresado talaga akong magsuri pa, mag-research pa about the religion.

“And yun nga, after twenty-six lessons [I was convinced]. This is my personal opinion, ha. Hindi ako nagpi-preach na ito ang katotohanan.

“Ang aral ay banal. So, sa awa ng Diyos, naipatawag ako at naging kapatid.”

NO EFFECT ON ROLES. Nalimitahan ba ng relihiyon niya ang pagtanggap ni Snooky ng roles?

“No, not at all,” sagot ni Snooky.

Saad pa niya, “Nasa amin na yun, nasa personal conviction na namin kung tatanggapin namin ang role o hindi.

“Pero walang pumipigil sa amin na tanggapin ang isang role o hindi.”

Nagpa-convert na ba ng religion ang mga anak niya?

“Not yet. I’ll be honest. Natutuwa ako na marinig na sabi ng isa sa mga anak ko na eventually, they will become a member of the Church of Christ [Iglesia Ni Kristo],” sagot ni Snooky.


NON-JUDGMENTAL EX-HUSBAND. Okey lang ba sa character actor na si Ricardo Cepeda, ex-husband ni Snooky at tatay ng mga anak niya, kung magpa-convert sa Iglesia Ni Cristo ang mga anak nila?

Agad na sagot ni Snooky, “Nakakatuwa si Richard [tawag ni Snooky kay Ricardo]. Richard has always been non-judgmental.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Walang judgment sa kanya kung mag-decide ang mga anak namin na maging kapatid. It’s ok with him. It will not be a problem.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN