Billy Crawford refuses to comment on competition between Eat Bulaga and It's Showtime

Billy Crawford on Eat Bulaga! host Joey de Leon's tweets against It's Showtime: “Di ko makukuwestiyon. Wala naman ako sa kalingkingan nila at ako, no matter what happens, Tito, Vic and Joey, they are pillars of this industry and, you know, nirerespeto ko sila.”


Umiwas si Billy Crawford na magkomento tungkol sa umiinit na kumpetisyon sa pagitan ng noontime shows na It’s Showtime at Eat Bulaga.

Si Billy ay bahagi ng ABS-CBN noontime show na It's Showtime, na katapat ng Eat Bulaga! sa GMA Network.

Pahayag ng Kapamilya TV host-singer, "I think, right now, it’s not the right time or the venue para magsalita kung ano ang nangyayari between sa dalawang networks, especially kung hindi ko kasama ang mga kapatid ko sa Showtime.

“We’re just here to enjoy what we do. Nag-e-enjoy lang talaga kami araw-araw.

"Goal lang talaga namin is magpasaya ng tao, not anything else.

“Like I’ve said, mahirap talagang sumagot between the two programs.

"I think the perfect thing is, sana bago pag-usapan yun, ay manood muna sila ng Celebrity Playtime kasi sayang, e."

Ang Celebrity Playtime ay ang bagong game show na ihu-host ni Billy sa ABS-CBN.

Sa presson ng nasabing show kahapon, September 23, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Billy.

JOEY DE LEON'S TWEETS. Sinubukan ding kunan ng pahayag si Billy tungkol sa tweets ng Eat Bulaga! host na si Joey de Leon tungkol sa panggagaya.

Wala man direktang binanggit ang veteran comedian-TV host sa kanyang tweets, mahihinuhang ang It's Showtime ang pinatutusadahan nito.

Read: Joey de Leon posts cryptic messages about copying

Sabi ni Billy, “Una sa lahat, wala akong Twitter.

"Everyone is entitled to what they think and what they want to say.

“Di ako magkukuwestiyon. Wala naman ako sa kalingkingan nila.

"At ako, no matter what happens, Tito [Sotto], Vic [Sotto], and Joey, they are pillars of this industry and, you know, nirerespeto ko sila.”

May napansin ba si Billy na pagbabago sa It’s Showtime dahil sa umaalagwang ratings ngayon ng Eat Bulaga?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “Like I said, I don’t want to elaborate on yung answer ko.

"I really don’t have the right [to speak] on behalf of Showtime at hindi ko masasagot bilang sa kabila rin.

“I think we just want to be here to work and we just want the best for everyone, sa lahat ng mga manonood.

“Wala kaming trabaho kung wala sila.

"So, sa lahat ng mga manonood na sumusuporta pa rin sa Showtime, maraming-maraming salamat.”



COLEEN'S BIRTHDAY. Samantala, sinabi ni Billy na plano ng girlfriend niyang si Coleen Garcia na ipagdiwang ang 24th birthday nito sa isang charitable institution.

September 24 ang birthday ni Coleen.

Ayon kay Billy, “Ang plano namin is to go to Hospicio de San Juan at magpa-party doon.”

May gift na ba si Billy kay Coleen?

"May celebration kami. Gusto kong iparamdam sa kanya araw-araw na birthday niya."

Inamin mi Billy na sa edad niya ngayon ay handa na siyang magpakasal at bumuo ng sariling pamilya kasama si Coleen.

“I don’t wanna put numbers sa panahon kasi we never know, but like I’ve said, handa na ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN