Susan Roces reacts to Sheryl Cruz’s opinion against Senator Grace Poe’s presidential bid

Susan Roces's reaction to niece Sheryl Cruz's opinion against Senator Grace Poe's presidential bid: “Well, that is her opinion. I have nothing to say about that."


Imbes na kondenahin, nagpasalamat pa si Senator Grace Poe sa pinsan na si Sheryl Cruz na nagsalita na hindi susuportahan ang kanyang presidential bid dahil sa opinyon na hilaw pa siya para maging pangulo ng Pilipinas.

Read: Sheryl Cruz on cousin Senator Grace Poe's presidential bid: "She's not yet ready for the task, for the big responsibility."

“I thank Sheryl for her opinion and concern for us. As family, we will continue to give her the love and respect she deserves,” ang sagot ni Sen. Grace tungkol sa mga pahayag ni Sheryl.

Hindi naman pinatulan ni Susan Roces, ang ina ni Grace, ang mga batikos ni Sheryl sa kanyang anak.

“Well that is her opinion. I have nothing to say about that,” ang maiksing reaksyon ni Susan.

May usap-usapang diumano ay inggit ang ugat ng pagsasalita ni Sheryl laban kay Senator Grace at may kinalaman daw ang usapin sa mana sa pamilya nila.

Hindi dumalo si Sheryl sa deklarasyon ng kandidatura ni Senator Grace sa UP Bahay Alumni noong nakaraang linggo, pero nagsalita siya na hilaw pa para maging presidente ng bansa ang kanyang pinsan.

Magkaiba ng posisyon si Sheryl at ang kanyang panganay na kapatid na si Renzo Cruz na dumalo sa announcement ni Poe at suportadung-suportado ang presidential bid ng kanilang pinsan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN