Sheryl Cruz insists on freedom to express her opinion: "Dahil dito naman sa Pilipinas, we have freedom of speech and freedom to express.”

Sheryl Cruz reminds the public that she fully supported her cousin Grace Poe during the senatorial race in 2013: “Halos nilibot ko ang buong Pilipinas to represent her. So, huwag pong sabihin na hindi ko pinapahalagahan ang aking pinsan. Bagkus, sinasabi ko lang kung ano ang personal kong opinyon dahil iba na ang pagiging presidentiable."


Sa pamamagitan ng radio program nina Karen Davila at Vic Lima na Pasada Alas Sais sa DZMM Teleradyo noong Huwebes, September 24, binigyang-linaw ni Sheryl Cruz ang ilang isyung kinasangkutan niya nitong mga nakaraang araw.

Naging kontrobersiyal ang aktres dahil sa naging pahayag niya tungkol sa presidential bid ng kanyang pinsan na si Senator Grace Poe.

Lalo pa siyang pinag-usapan nang diumano’y nagpatawag si Sheryl ng sariling press conference sa Manila Hotel nung September 22, Martes, bago pa ginanap ang grand presscon nung araw ring iyon ng pelikulang Felix Manalo, kunsaan isa siya sa cast members.

Hindi man siya pinayagang dumalo sa mismong presscon ng nasabing pelikula, may panayam naman si Sheryl sa ilang entertainment reporters, kunsaan inulit niya ang hindi pagsang-ayon sa pagtakbo ng pinsang si Senator Grace para sa pagka-presidente.

Sa diumano’y “sariling presscon” nagsimula ang panayam naman nina Karen at Vic kay Sheryl.

Pero bungad muna ng aktres sa dalawang broadcaster, "Sa isang tao na hindi mahilig na maging center of attention, bigla akong nandito ngayon."

Sagot naman ni Karen, "Well, it’s all because of you. I have to be very honest, it's all what you did."

Giit ni Sheryl, "Yung it's because I'm calling for a presscon, let me clarify that issue.

"Unang-una sa lahat, I just want to clarify that I have no political plans.

"Yung sinasabi nila na nagpatawag ako ng presscon, na at the same day na may presscon ang INC [Iglesia Ni Cristo], yung Sugo [Felix Manalo]...

"I'm actually part of the cast, and I was invited.”

Meron nga raw siyang text messages na patunay na imbitado siya sa presscon ng Viva-INC movie, ngunit hindi na nga siya pina-attend.

Nakuha niya raw ang text messages na nagbibilin sa kanyang huwag nang um-attend nung mismong araw ng presscon.

Nagulat na lang daw siya nang sumunod na araw ay may mabasa siya sa Internet na “Sheryl Cruz, nagpatawag ng presscon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre nagulat ako dun dahil, unang-una, wala akong budget para sa lahat, sa totoo lang.

"Ang pakay ko sa pagpunta sa Manila Hotel ay para sa aking trabaho, kung saan kabilang ako dun sa mga artista.

"Wala akong intensiyon na mamahiya ng tao, lalo na kapamilya ko pa.

"Hindi ako ganun na pinalaki ng aking magulang, or ng auntie ko [Susan Roces], or ng uncle ko [Fernando Poe Jr.].

"Hindi ako ganyan.

"Kung sino man ang nag-conjure niyan, konsensiya na po nila ang dapat na kalabanin.

"At hindi ako dahil malinis ang hangad ko."



FREEDOM OF EXPRESSION. Pero tanong ni Karen, bakit nabanggit ni Sheryl ang mga sumusunod na pahayag kung wala siyang intensyon na mamahiya: “It's so abrupt that Grace will run;” “She will not make a good president;” “It's too early;” “I will not support the DNA test,” “Masakit sa pamilya ko.”

Sagot ni Sheryl, "It's my personal opinion, and I am entitled to my own opinion.

"Dahil dito naman sa Pilipinas, we have freedom of speech, and freedom to express.

"So, sa akin, di ko sinabi na she will not make a good president, that did not come from me."

Tinanong naman ni Karen kung may pinaghuhugutan si Sheryl ng sarili niyang opinyon na hindi pagsuporta kay Senator Grace.

Sagot ng aktres, "May kanya-kanya po tayong opinyon.

"Hindi naman po pupuwede na lahat ng desisyon na lang ay aayon tayo, lalo na kumporme yun sa iyong konsensiya."

Hindi rin daw dapat kuwestiyunin ang pagmamahal at pagpapahalaga niya para sa pinsan.

Napatunayan daw niya ang pagmamahal dito nang siya mismo ay naglibot sa Pilipinas para mangampanya nung tumatakbo ito para maging senador nung 2013.

"So, huwag pong sabihin na hindi ko pinapahalagahan ang aking pinsan.

"Bagkus, sinasabi ko lang kung ano ang personal kong opinyon dahil iba na ang pagiging presidentiable."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanong muli ni Karen, may tao ba sa likod ng kanyang hindi pagpapakita ng suporta ngayon kay Senator Grace?

Giit ni Sheryl, "Nobody is behind me.

“That's why, what I'm telling you is that, after saying my opinion, you may ask…

"It was just so outrageous!

“Dahil biro mo, mayroon akong inaalagaan na adbokasiya ko, for five years sa Mandaluyong.

"After saying that, bigla na lang nawalan ng trabaho ang aking mga trabahador.

"Nag-aalala sila, umiiyak sa akin.

"Sinasabi nila sa akin, 'Paano kaya namin tutustusan ang aming pang-araw-araw na pangangailangan?’

"And then, after that, they just didn't stop at that.

"Pati sarili kong trabaho at pangkabuhayan ay pinakialaman pa nila with just one statement that I said."



HER OWN OPINION. Sa statement diumano ni Sheryl na ayaw niyang suportahan si Senator Grace, inalam ni Vic sa aktres kung may nagtanong ba sa kanya o bigla na lang niyang ipinutok ito.

Tugon ni Sheryl, "Alam niyo po, opinyon ko po yun.

"Hindi sa hindi ko gustong tumakbo ang pinsan ko, I am also entitled to my own opinion.

“Hindi sa ayaw kong tumakbo, ang sabi ko, sana'y hindi pa time."

Nakiusap naman si Sheryl nang maungkat ang pagtatrabaho ng kapatid niyang si Wowie Cruz kay Senator Grace.

Hindi nga raw sila in good terms nito ngayon.

Dati ring aktor si Wowie na nakilala naman bilang Renzo Cruz nang gumanap na ito ng mature at sexy roles.

"Kung puwede sana, huwag na natin siyang isama dito, dahil ayoko na pati siya ay maapektuhan dahilan lang sa isyung ito.

"I'm on my own.

"Actually, my brother just had a baby boy. Sa hospital, that was the last time I saw him.”

Sinabihan pa raw siya ng kapatid niyang huwag nang magsalita pa tungkol kay Senator Grace.

"So, I told my brother, 'What was it I said that was wrong? What was it I said that was disrespectful? What was it I said that was below the belt?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi wala naman ako, to my recollection, na sinabi dun na pambabastos, pangdi-degrade, o nagbi-belittle ng tao.

"I just said my personal opinion, and then it was taken out of context.

"I wanted to tell everybody, especially to my family that I'm saying this because I have good intention.

"Alam niyo, pag meron kayong pamilya, and you're proud to be a family member, siyempre ang iniisip niyo ay yung nakakabuti para sa lahat dun sa pamilya.

"And my cousin Grace is no exception dahil mahal ko siya."

Idiin din ni Sheryl na wala silang problema ni Grace, bago pa man siya nagpahayag ng kanyang saloobin tungkol sa pagtakbo nito sa presidential race.

Aniya, "Wala kaming problema, and I don't know why people are speculating that we have a problem.

"Sa akin malinaw.

"I don't know, it's probably the people who are actually inventing these kinds of stories."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN