Regine Velasquez-Alcasid back to top singing form; shuns movie projects

Regine Velasquez catches the AlDub fever via her son Nate, "Kilala niya si Alden [Richards], Kuya Alden ang tawag niya… cute nga ni Alden kasi every time he sees me, hinahanap niya si Nate. So I’m happy for him, all these things happening to him. He’s such a genuine person, he’s nice and he’s such a good actor.”


Maayos na ang kundisyon ng boses ni Regine Velasquez-Alcasid kumpara nung mga nakaraang taon kaya handang-handa na raw siya sa kanyang nalalapit na concert.

Matatandaang sumablay ang boses ni Regine sa silver anniversary concert niya sa Mall of Asia Arena nung November 2012 na dahilan para muli siyang bumalik sa venue at ulitin ang buong concert nung January ng sumunod na taon.

Malaki ang nawala kay Regine sa repeat, dahil inilibre niya ang muling panonood sa kanya ng mga bumili ng tickets.

Saad ni Regine, “I had a hard time singing for a while, that’s why I could only do one concert a year.

“Now that I’m feeling a little better, mas gusto kong kumanta ngayon. I think hirap akong kumanta before because I hadn’t been singing. I’ve been pushing myself para makakanta uli ako nang mabuti.

“Ngayon, we’re trying to do more singing stuff unlike before.”

Nakapanayam si Regine ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last Thurday, September 24, sa presscon ng PLDT Home.

Endorser ang tinaguriang Songbird of Asia ng “Regine Series” na may iba’t ibang landline phone units at subscription plans.

Ito rin ang major sponsor ng concert niya na Regine at The Theater na gaganapin sa Solaire Resort and Casino Hotel ngayong November.

Mas kabado at mas challenging daw kay Regine ang concert niya ngayon.

Sabi niya, “Because it’s a totally different venue and also different repertoire.”

Sa capacity ay hindi raw pressure kay Regine na punuin ito.

May pasubali lang siya, “It’s more intimate, may concept siya, it’s different.

“Ang nakakakaba ay kung magugustuhan ba ng audience, mata-type-an ba nila yung concept?

“Yun ang ikinakakaba namin sa show, hopefully, they will enjoy it.”

RIGHT PROJECT. Pagdating naman sa acting, malabo raw pagtuunan ito ng pansin ni Regine sa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya, “Right now, hindi ko naman iniisip na mag-movie, mas gusto kong mag-concert.

“Nakausap ko si Boss Vic [del Rosario of Viva Entertainment], he wants to do something.

“Iniisip ko ang hirap nang makipaghalikan, parang mahirap to do scenes like that now that I have Nate.

“Mamaya diyan kapag nakita niya sa TV, ‘Sino yun, mom?’

“Yung anak ko, napakaano, ‘Bakit mo yun kini-kiss?’ Baka gano'n, hindi ko nga siya pinapapanood.”

Observant na ba si Nate ngayon?

“Yes, he’s three years old, he copies everything I do, everything I say.

“When he sees something on TV, he asks questions, ‘Bakit ganyan 'yan, mom? Bakit gan'on?’

“Nasa ganyan siyang stage na marami na siyang tanong, that’s why I’m trying to wait.

“I’m not saying naman na I can’t do it anymore. It’s just very difficult to do those scenes now kasi mommy na ako.

“I’m just waiting for the right project, a project that I am going to be comfortable.

“A project na hindi ko kailangang i-sacrifice ang maraming feelings para lang gumawa ng isang project.

“As a mom, where I am right now, parang ayoko munang gawin yun.

“At this point in time in my life, in my career, ayoko nang gawin yung mag-compromise."

KUYA ALDEN. Sa kuwento ni Regine, paborito ni Nate ang AlDub.

“Kasi nagkita na sila, pag tinanong mo siya, ‘Anong sabi sa iyo ni Yaya Dub?’

“With the face like this, ha, ‘Sabi ni Yaya Dub sosyal raw ako.’

"Sabi ko, ‘Weh?’"

“Yun ang kuwento niya sa lahat, hindi ko nga matandaan kung sinabihan siya ni Yaya Dub na sosyal ka naman.

“Yun ang naalala niya, e. Kasi dumadaan kami sa Global City, nakita ng yaya [ni Nate] na may nagsu-shoot.

“Nakita niya si Yaya Dub, 'Ay, si Yaya Dub, nagsu-shoot.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No'ng nadinig talaga ng anak ko, sabi niya, ‘Si Yaya Dub! Balik tayo!”

“Kilala niya si Alden [Richards], Kuya Alden ang tawag niya kasi niregaluhan siya ni Alden.

“Kasi mahilig siya [Nate] sa Lego, si Alden pa ang nagbuo, kuya niya yun.

“Gustung-gusto niya si Nate… ang cute nga ni Alden kasi everytime he sees me, hinahanap niya si Nate.

“‘Te, na-miss ko si Nate. Nasaan na si Nate?’

“So I’m happy for him, all these things happening to him, I’m so happy for him.

“He’s such a genuine person, he’s nice and he’s such a good actor.”



ACID REFLUX. Samantala, dumaranas pa rin daw si Regine ng acid reflux, na puwedeng umatake sa kanya anumang oras.

Ang acid reflux ay ang pag-akyat ng gastric fluid sa esophagus o daanan ng pagkain mula sa bibig patungo sa bituka, na siyang nagko-cause ng heartburn.

Isa ang sakit na ito sa itinuturong dahilan ng pagkawala ng boses noon ni Regine.

Pero ayon sa singer, mas maayos na raw ang pakiramdam niya ngayon, “Kasi I’ve been taking Shirota String Lactobacilli, specifically Yakult.

“And it’s been helping me a lot, a lot, a lot, a lot.

“Of all the things that I’ve tried in the past, it was Yakult that really helps me.

“It’s true, I had it [reflux] really bad, like I would wake up in pain, like, I was being choked.

“Ang hapdi talaga, that was the reason I couldn’t also sing properly.

“My voice would crack and I couldn’t do anything about it.

“I’ve been taking it since January, pa-less nang pa-less… I still have acid reflux but it’s not as bad na.

“Before, sama ng loob ko dahil I could not eat fruits, mahilig ako sa fruits.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Now, I can eat fruits, nagtsu-chocolate pa nga ako minsan… so I’m ok.”d


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN