Alden Richards draws massive crowd in Robinsons Malolos mall show

Dinumog ng libu-libong fans ang mall show ng Pambansang Bae na si Alden Richards sa Robinsons Malolos, sa Bulacan, ngayong Biyernes ng hapon, September 25.


Muli na namang dinumog ng libu-libong fans ang mall show ng Pambansang Bae na si Alden Richards sa Robinsons Malolos, sa Bulacan, ngayong Biyernes ng hapon, September 25.

Ayon kay Daryl Zamora ng GMA Artist Center, na nakasama ni Alden kanina sa mall show, hindi na-anticipate ng management ng Robinsons mall na napakaraming tao ang magpupunta para manood sa show ng Kapuso heartthrob.

Estimate ng management ng Robinsons Malolos, base sa impormasyong nakarating sa PEP, umabot daw sa 30,000 ang mga tao sa loob at sa labas ng mall.

Pero karamihan sa kanila ay hindi nakapasok sa dahil sobrang siksikan na sa loob ng mall.

Dahil sa sobrang dami ng tao sa mall show ni Alden, nagdesisyon ang management na isara na ang lahat ng entrance ng mall kung kaya't sa oras ng show ay wala na munang pinapasok.

Binuksan lang daw muli ang mga pasukan ng Robinson's Malolos nang matapos ang show at makaalis na si Alden.

Narito ang ilan pang kuha ng GMA News reporter na si Nelson Canlas mula sa mall show ni Alden:

Bae, umaga pa lang ready na ang Robinsons Place Malolos for you. @aldenrichards02

A photo posted by Nelson Canlas (@nelsoncanlas) onSep 24, 2015 at 11:57pm PDT

You know Bae is coming when this happens. @aldenrichards02

A photo posted by Nelson Canlas (@nelsoncanlas) onSep 25, 2015 at 1:04am PDT

And the crowd goes wild...

A photo posted by Nelson Canlas (@nelsoncanlas) onSep 25, 2015 at 2:30am PDT

Samantala, sa pamamagitan ng kanyang Twitter account ay nagpasalamat si Alden sa mga pumunta sa kanyang mall show sa Malolos:

Maraming salamat po sa lahat ng mga taga Malolos Bulacan. 👋🏻😃 pic.twitter.com/ht3BOgNaLU

— Alden Richards (@aldenrichards02) September 25, 2015

Hindi ito ang unang pagkakataong dinumog ang mall show ni Alden.

Mula nang sumikat ang tambalan nila ni Maine Mendoza o Yaya Dub, ang AlDub, ay lalong naging mainit ang pagtanggap ng mga tao kay Alden.

Jampacked din ang mall shows ni Alden sa Marquee Mall sa Angeles City, Pampanga noong August 29; Robinsons Imus, Cavite, noong September 11; at Starmall sa San Jose del Monte, Bulacan noong September 13.

Sa October 2 naman ay magkakaroon ng Kapuso Fans Day si Alden sa Gaisano Mall, sa Cebu City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN