Businesswoman Norma Lim counters Sheryl Cruz's claim on livelihood advocacy: “Sa akin ‘yon, hindi ito advocacy mo... walang nangha-harrass sa 'yo.”

In a recent interview, Sheryl Cruz strongly defends her position on the candidacy of Senator Grace Poe: “I’m not here for anybody’s game, for somebody’s political agenda or career. I have my own conscience... Sinasabi ko lang kung ano ang personal kong opinyon dahil iba na ang pagiging presidentiable."


Humarap sa media kagabi, September 25, ang negosyanteng si Norma Lim para pabulaanan ang mga akusasyon laban sa kanya ni Sheryl Cruz.

Nabanggit ni Sheryl ang pangalan ni Lim nang makapanayam ng media ang aktres Manila Hotel noong Martes, September 22.

Ayon kay Sheryl, nagsara raw ang kanyang paper bags livelihood advocacy sa Mandaluyong City dahil kay Lim.

“They pulled the plug on my advocacy, tinanggalan ng lisensiya.

“I’m really devastated about that, I don’t know why Tita Norma did that,” pahayag ni Sheryl sa media.

Si Norma Lim na tinutukoy ni Sheryl ay inaanak sa kasal nina Susan Roces at ng yumaong asawa nitong si Fernando Poe Jr.

Si Lim din ang itinuturing na pangalawang ina ni Sheryl dahil siya ang tumulong sa aktres nang bumalik ito sa bansa para i-resume ang kanyang showbiz career.

FIGHTING BACK. Kagabi ay pumalag ang businesswoman sa akusasyon ni Sheryl na biktima ito ng harassment mula nang magpahayag ang aktres na hindi susuportahan ang 2016 presidential bid ng kanyang pinsan na si Grace Poe.

Lahad ni Lim kay Mario Dumaual ng TV Patrol, siya ang tunay na may-ari ng paper bags livelihood at hindi totoo na nagsara ito.

“Hindi nagsara… ang lisensiya, hindi naman nagsasara.

“Sa akin ‘yon, si Sheryl ang lumapit sa akin.”

Sumunod ay pinagsalitaan ni Lim ang aktres sa harap ng kamera.

“Hindi ito advocacy mo.

“Ang advocacy, lahat ng kinikita mo, ibibigay mo sa kanila.”

Sinang-ayunan si Lim ng livelihood workers na naroon din sa interview ng news program ng ABS-CBN.

Sinabi ng mga ito na tumigil na si Sheryl sa pagpapagawa sa kanila ng bags mula pa noong December 2014.

Masama raw ang loob ng livelihood workers kay Sheryl dahil nagawa pa nitong siraan si Lim samantalang ito raw ang tumutulong sa kanila.

Nakita rin sa coverage na si Lim mismo ang nagtanong sa mga livelihood workers kung magkano ang ibinabayad sa kanila ni Sheryl sa paggawa ng mga bags.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sumagot ang mga ito na minsan kinse, bente, at isandaang piso lamang ang kanilang natatanggap.

Nag-comment dito si Lim na hindi pa sapat ang halaga na “pambili ng isang kilong bigas.”

Sa parteng ito, mangiyak-ngiyak na sinabihan na naman ni Lim si Sheryl.

Aniya, “Kahit kailan, hindi naman gumawa ng masama sa 'yo, lahat, tinutulungan kayo.

“Di ba, sabi mo dapat mabait ka sa magulang mo para ang grasya ng Diyos sa 'yo forever.

“Huwag mong bigyan ng sakit ang Mama Inday [Susan Roces] mo.

“Tapos ako, second mother mo, ako sinasabi mo… walang nangha-harrass sa 'yo.”

DENIAL. Sa isang radio interview kahapon, itinanggi ni Sheryl ang balitang nakita siya na “nakipag-dinner” sa mga taong malapit kay Secretary Mar Roxas, kalaban ni Senator Grace sa kandidatura nito bilang presidente.

Ito ang balik ng aktres sa kumakalat na balita na diumano ay namataan siya sa isang breakfast meeting two weeks ago sa Mario’s Restaurant sa Quezon City. Kasama pa raw rito ang isang ex-house representative at isang tao na kapwa mga supporter ni Roxas.

Dahil dito, umugong ang balita na may tao sa likod ng pagsasalita ni Sheryl laban kay Senator Grace.

Nagbigay ng statement si Sheryl tungkol sa development na ito sa interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong September 22.


Pahayag niya, “I’m not here for anybody’s game, for somebody’s political agenda or career.

“Walang nag-uudyok sa akin para gawin ito, I have my own conscience.

“You know what, masyadong mataas ang talent fee ko para ako udyukin nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN