Sheryl Cruz appeals to the public not to drag her mom Rosemarie Sonora in issues against Sen. Grace Poe

Sheryl Cruz says joke about Sen. Bongbong Marcos and Sen. Grace Poe being siblings should stop: "Actually, masakit yun. Hindi nakakatuwa yung birong yun, e.”


Sa panayam pa rin kay Sheryl Cruz nina Karen Davila at Vic Lima sa DZMM Teleradyo program na Pasada Alas Sais nung Huwebes, September 24, nagpahayag siya na karapatan niyang ipagtanggol ang inang si Rosemarie Sonora sa pagdawit dito ng mga kritiko ng pinsan niyang si Senator Grace Poe.

Ito ay may kaugnayan sa hiling na DNA testing kay Senator Grace, sa kanya, at sa inang si Rosemarie ng mga kritiko ng senadora.

Saad ni Sheryl, "For the longest time na nanahimik ako, hindi ako nagsasalita, although they've been dragging my mom's name.

“Sa pagtakbo pa lang ng pinsan ko [para maging senador], lumalabas na ang pangalan ng nanay ko.

"I am a biological child, ok? And I have the right to defend my mother.

"Ngayon, ang isyung ito ay nasagot na ni Dr. Antonio Manahan, a long time ago when it came out.

"At sinabi ng OB-Gyne ng mom ko na tatlo lang kaming anak, dahil siya ang nagpaanak sa mama ko, sa Makati Medical Center.

"At actually, nagbigay na siya ng pahayag, in defense of my mom.

"Sana, buhayin ulit ang interview na ito dahil ito ang nagpapatunay na kami lang ang tatlong anak."

Ang mga kapatid ni Sheryl sa mga magulang niyang sina Rosemarie Sonora at Ricky Belmonte ay sina Wowie (na nakilala ring Renzo nung maging sexy actor ito) at Patrick.

Sumakabilang-buhay na si Ricky noong 2001. Samantalang si Rosemarie ay nag-asawang muli at nakatira na sa Amerika.

Dugtong pa Sheryl, "Alam niyo, ang nanay ko, nanahimik na sa Amerika, mahal niya ang pamilya niya.

"But of course, we respect her privacy.

"Ngayon, kung sino man sa aming magkakapatid ang nandito sa Pilipinas, kami ang nasasaktan sa paulit-ulit na pag-drag sa mama ko dito sa mga isyung walang katotohanan.

"Bakit ako mabibigay ng DNA ko, at bakit ko papayagan na ang nanay ko ay ipa-DNA din?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"My cousin [Senator Grace] knows very well that mom is not her mom. And my auntie [Susan Roces] knows that.

"And I just don't know why... why nobody would speak up in behalf of my mom?

"To me, as a child, and as somebody who loves her parents, and to give respect to my mother who gave me life, siyempre proproteksyunan ko ang nanay ko, dahil galing naman siya sa mabuting pamilya.

"At alam ko na yung mga kapatid ko, although hindi sila nagsasalita, paulit-ulit silang nasasaktan tuwing lumalabas ang isyung ito.

"At meron akong mga anak, may mga pamangkin din ako, at hindi ko gusto kung lumaki sila na naniniwala dun sa mga hindi tamang istorya."

Sa parteng ito, sinabi ni Karen na may punto rito si Sheryl at sumasang-ayon ito dahil bilang isang tunay na anak, masakit nga raw kay Sheryl ang usaping yun.

Nagkausap na ba sila ng kanyang Auntie Susan?

"Actually, we have not spoken after the time na I arrived from Brunei, dahil the next day, yun na yung INC press conference.”

Ang INC o Iglesia ni Cristo press conference na tinutukoy niya ay ang Felix Manalo press conference kunsaan nauna na siyang inimbitahan ngunit diumano’y pinagbawalan nang um-attend.

Read: Sheryl Cruz insists on her freedom to express her opinion: “Dahil dito naman sa Pilipinas, we have freedom of speech and freedom to express.”

"Everything just happened so fast,” ani Sheryl tungkol sa biglaang pagkakabawal sa kanya na um-attend ng Felix Manalo presscon.

"Ako naman, ito ang sasabihin ko: mahal na mahal ko ang pamilya ko, sobra ang laki ng respeto ko, at ang laki ng pasasalamat ko that I actually belong to that family—Sonora, Poe, Cruz.

"Wala na akong masasabi pang iba, kaya nga po kung anuman ang ginagawa ko ngayon, I agreed to accept this interview to clear my name, to clear whatever I said, to clarify my name because I owe it to them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dahil sila ang nagpalaki sa akin, sila ang nagpalaki sa akin na puro yung katotohanan ang sabihin ko at huwag akong matakot kahit sino pa ang nagpipigil sa akin na magsalita."

BAD JOKE. Sumingit naman si Vic na ginawa na raw biro nina Sen. Bongbong Marcos at Senator Grace ang tungkol sa diumano’y pagiging “magkapatid” nila.

Ito ay base sa ibinabatong akusasyon ng mga kritiko ni Senator Grace na ang tunay na magulang daw ng senadora ay ang ama ni Senator Bongbong na si dating Pangulong Ferdinand Marcos at ang ina ni Sheryl na si Rosemarie.

Pahayag ni Sheryl, "Actually, masakit yun. Hindi nakakatuwa yung birong yun, e.

"So I would like to ask that they refrain from actually giving jokes like that 'cause it's not doing my family any good.

"Nananahimik ang mama ko, huwag na natin siyang isama rito."

Wala bang balak magsalita si Rosemarie tungkol dito?

Sagot ni Sheryl, "Alam niyo, kung gusto niyang magsalita, mabilis pa sa alas-kuwarto, magsasalita yun.

"But because she knows what is true, then she can actually tell them, 'So, what's wrong by speaking out?'"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN