Sheryl Cruz claims talent managers Dolor Guevarra and June Rufino warned her from talking against Sen. Grace Poe

Sheryl Cruz on her Manila Standard interview: "Pumunta yung reporter ng Manila Standard sa set ng GMA, kung saan ako nagtatrabaho sa Buena Familia. And asked if he could actually interview me, siyempre pinagbigyan ko siya. Ngayon, tinanong niya ako kung ano ang take ko dun sa presidential race, kung sang-ayon ba ako sa pinsan ko. Yun ang opinyon ko, wala naman akong intensiyon na mamahiya ng tao."


Pinangalanan ni Sheryl Cruz ang talent managers na sina Dolor Guevarra at June Rufino na pumigil daw sa kanyang um-attend ng presscon ng kinabibilangan niyang pelikula, ang Felix Manalo, sa Manila Hotel noong September 22.

Ito ay may kinalaman sa pagsasalita ni Sheryl tungkol sa kandidatura ng kanyang pinsan na si Senator Grace Poe bilang Pangulo sa 2016 elections.

Sina Guevarra at Rufino ay parehong opisyales ng Professional Artist Managers, Inc. (PAMI).

Ang PAMI ang itinuturing na pinakamaimpluwensiyang samahan ng talent managers, hanggang sa magtatag ng kani-kanilang talent management ang giant networks na ABS-CBN (Star Magic) at GMA-7 (GMA Artist Center).

Sa panayam ni Sheryl sa radio program nina Karen Davila at Vic Lima na Pasada Alas Sais, sa DZMM Teleradyo, noong Huwebes, September 24, ay binanggit ni Sheryl sina Guevarra at Rufino na pumigil daw sa kanyang dumalo sa presscon ng Felix Manalo.

Ito ay sa kabila na naroon na siya sa Manila Hotel bago magsimula ang presscon.

Sabi ni Sheryl, "Okey, heto, sina Ms. Dolor Guevarra, June Rufino, who's actually the head of PAMI.

"And not only that, she [June] is also the PR from Viva Entertainment, who was handling kung anumang event meron dun sa presscon, dun sa Manila Hotel.

"Ang mga sinabi nila sa text nila sa akin, ‘Please do not attend, ang dami nang press dito.’

"Yun lang ang sabi.

"So, ano po ang intindi niyo sa ‘Please don't attend, marami nang press dito'?

"Ako ang intindi ko dito, it's a press conference, natural, maraming press.

"But I didn't know why they didn't want me to attend until the time I got there sa place.

"Tapos bigla ko na lang nalaman na I am suddenly uninvited.

"I'm not allowed to enter the premises kung saan man nila nihu-hold yung event na yun.

"Because I might say something that was political... puro haka-haka nila ito, hindi ko ito ginawa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang sa mga hinahawakang artista ni Dolor ay sina Eric Quizon at Carmina Villarroel.

Pero mas kilala siya bilang talent ng manager ng veteran actress na si Susan Roces, ang ina ni Senator Grace Poe.

Si Susan ay ang nakatatandang kapatid ng dating aktres na si Rosemarie Sonora, na ina naman ni Sheryl.

Si Sheryl ang panganay sa tatlong anak ni Rosemarie sa yumaong aktor na si Ricky Belmonte.

May pagkakataon ding hinawakan ni Dolor si Sheryl nang bumalik siya sa showbiz pagkatapos ng ilang taong paninirahan sa Amerika.

Pero ang unang naging manager ni Sheryl nang bumalik siya sa Pilipinas ay si Nestor Cuartero, hanggang sa napunta siya sa pangangalaga ni Dolor.

Si Rufino naman ay ang presidente ng PAMI sa loob na ng maraming taon.

Siya ang talent manager ng maraming artista, gaya ng mag-amang Edu at Luis Manzano; at konektado rin siya sa Viva Films.



BARRED FROM PRESSCON. Nang matanggap nga raw ni Sheryl ang text message na nagsasabi sa kanyang huwag nang um-attend ng Felix Manalo presscon, okey lang naman daw sa kanya ito dahil ayaw niyang mapahiya.

"Dahil sabi sa akin ng auntie ko [Susan] dati, 'Pag ikaw hindi ka inimbitahan sa isang event, wag kang pumunta.'"

Pero totoo bang tinawag ni Sheryl ang mga reporter sa coffee shop ng hotel para roon siya ma-interview?

Tanggi niya, "That's not true, hindi ako nagtatawag ng reporters.

"Hindi nga ako mahilig sa tsismis o sa gimmickry."

Pero paano siya nakausap ng entertainment reporters?

"I guess because they were part of the press people who were invited to the event of the INC.

"So, nung malaman nila na magpapasabog daw ako, di ba, they were expecting me to come at this time, di ba, at three o'clock.

"When I found myself na yun ang ini-expect nila sa akin, sabi ko, 'I'm not gonna go there at 3 P.M.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala naman akong ipinatawag na presscon,” tanggi niyang muli.

Wala rin daw siyang balak magpasabog ng kung anupaman.

Dahil kahit noong nasa ibang bansa pa siya, bago ang presscon ng pelikula, napagsabihan na siya ng manager niyang huwag magsalita tungkol kay Senator Grace.

Ang manager na tinutukoy ni Sheryl ay si Rams David ng Triple A management, na siya ring humahawak sa mga career nina Marian Rivera at Andrea Torres.

Sabi ni Sheryl, "Actually, I was still in Brunei that time that I was able to talk to my manager, si Rams David.

"And he was asking me, kung pupuwede, huwag na lang daw akong magsalita tungkol sa pinsan ko.

"E, ano ba ang sinabi ko tungkol sa pinsan ko na lumabas sa Manila Standard?

"Hindi naman ito sarili kong pakay na ako ang tumawag sa reporter ng Manila Standard.

"Pumunta yung reporter ng Manila Standard sa set ng GMA, kung saan ako nagtatrabaho sa Buena Familia.

"And asked if he could actually interview me, siyempre pinagbigyan ko siya.

"Ngayon, tinanong niya ako kung ano ang take ko dun sa presidential race, kung sang-ayon ba ako sa pinsan ko.

"Yun ang opinyon ko, wala naman akong intensiyon na mamahiya ng tao."

Ayon sa pinakahuling balita, binitiwan na ni Rams si Sheryl bilang talent.

Ngunit itinanggi ni Rams na may kinalaman sa isyu ni Sen. Grace Poe ang pagbitaw niya kay Sheryl bilang talent manager.

Bukas ang PEP sa panig nina Dolor Guevarra, June Rufino, at Rams David kaugnay ng mga pahayag ni Sheryl Cruz kaugnay ng isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN