Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Alden Richards cries while singing "God Gave Me You" for Maine Mendoza

by Erwin Santiago
Sep 26, 2015
Napaiyak si Alden Richards habang inaawit ang kantang "God Gave Me You" sa Eat Bulaga! kanina. Inalay ng Pambasang Bae ang awitin sa kanyang ka-loveteam na si Maine Mendoza.

Naging emosyunal si Alden Richards habang kinakanta nang live ang "God Gave Me You" sa Eat Bulaga! ngayong araw, September 26.

Ang "God Gave Me You," na original song ni Bryan White, ang isa sa pinakasikat na Dubsmash song ni Alden para kay Yaya Dub o Maine Mendoza sa kanilang Kalyeserye.

Isa sa kahilingan ni Lola Nidora (Wally Bayola) kay Alden sa kanyang unang pag-akyat ng ligaw kay Yaya Dub ay kantahin ng Pambansang Bae nang live ang "God Gave Me You."

At bilang pagtupad sa kahilingan ni Lola Nidora, kinanta ito nang live ni Alden sa Eat Bulaga! kanina.

Habang kumakanta ay hindi napigilan ni Alden na mapaiyak.

Inalay rin ng Kapuso actor-TV host ang kanta para kay "Meng," na siyang palayaw ni Maine.

Pahayag ni Alden, "Mga Dabarkads, kung napupuna niyo po, palagi akong nagpapasalamat.

"Pero 'tong kantang 'to, gusto ko muna ialay kay Meng.

"Meng, para sa 'yo 'to."

Continue reading below ↓

Malaking bahagi ang "God Gave Me You" sa tinatamasang tagumpay nina Alden at Maine ngayon.

At gaya ng titulo ng kanya, isang malaking biyaya para kay Alden ang pagdating ni Maine sa buhay niya.

Isang bahagi nglyrics ng kanta ay ito ang nilalaman: "I didn't have a prayer, didn't have a clue. Then out of the blue, God gave me you."

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Dahil sa kanilang tambalang AlDub ay nabago pareho ang kani-kanilang mga buhay at umangat nang husto ang kanilang mga career.

Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Napaiyak si Alden Richards habang inaawit ang kantang "God Gave Me You" sa Eat Bulaga! kanina. Inalay ng Pambasang Bae ang awitin sa kanyang ka-loveteam na si Maine Mendoza.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results