CBCP commends Eat Bulaga's KalyeSerye for teaching good values

The Catholic Bishops Conference of the Philippines will award Eat Bulaga's KalyeSerye in the upcoming Catholic Social Media Conference 2015 for injecting good values among its viewers.


Pinapurihan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang Kalyeserye ng Eat Bulaga! dahil sa magagandang-aral na ibinabahagi nito sa mga manonood.

Nakisama rin sila sa pagtu-tweet tungkol sa inabangang unang pag-akyat ng ligaw ni Alden Richards kay Yaya Dub a.k.a. Maine Mendoza, gamit ang official hashtag ng episode ngayon ng Eat Bulaga! na #ALDubEBforLOVE

Ang official Twitter account naman ng Papal Visit 2015 ay nakiisa rin sa pagpapahayag at pagtu-tweet ng mga papuri sa naturang segment ng Eat Bulaga.

Ikinatuwa nila ang disiplinang itinuturo ng karakter ni Lola Nidora (Wally Bayola) tungkol sa panliligaw ni Alden kay Yaya Dub, at maging sa dapat na kasuotan ni Yaya Dub sa kanilang second date na naganap kaninang tanghali.

Binigyang-pansin din ng CBCP ang pagpapahalaga ng KalyeSerye sa paghihintay ng tamang panahon para sa pakikipagrelasyon—na siyang ipinapakita nina Alden, Yaya Dub, at Lola Nidora.

Ipinahayag naman ng Papal Visit 2015 Twitter account na bibigyan nila ng parangal ang KalyeSerye sa gaganaping Catholic Social Media Summit sa Laguna ngayong October 10-11.

On the question about award, w/ or w/o @mainedcm or especially @ImWallyBayola presence we will be awarding them at the CSMS #ALDubEBforLOVE

— Papal Visit 2015 (@papalvisitph) September 26, 2015

Narito pa ang ilan sa mga naging tweets ng CBCP (@cbcpnews) at Papal Visit 2015 (@papalvisitph) tungkol sa Kalyeserye:

Kapag manliligaw, pumunta sa bahay at harapin ang pamilya ng nililigawan. #ALDubEBforLOVE

— CBCPNews (@cbcpnews) September 26, 2015

Supporting the noble cause of spreading virtue, values and morality that our nation deserves. #ALDubEBforLOVE

— CBCPNews (@cbcpnews) September 26, 2015

There are millions of ways to express love but only one stands out from the rest. ACTION and it starts from ALDUB You! #ALDubEBforLOVE

— Papal Visit 2015 (@papalvisitph) September 26, 2015

1 Timothy 2:9 Likewise also that women should adorn themselves in respectable apparel, with modesty and self-control, #ALDubEBforLOVE

— Papal Visit 2015 (@papalvisitph) September 26, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN