Muling nagpaabot ng kanilang pasasalamat sina Alden Richards at Maine Mendoza sa AlDub Nation dahil sa overwhelming support na ipinakita ng mga ito sa pamamagitan ng Twitter.
Sa kasalukuyan kasi ay mahigit 20 million tweets na ang naitatala ng hashtag na #ALDubEBforLOVE para sa episode ng Eat Bulaga! ngayong araw, September 26.
Ngayong araw naganap ang pinakahihintay na unang pag-akyat ng ligaw ni Alden kay Yaya Dub (Maine) sa mansyon ni Lola Nidora (Wally Bayola).
Nabura na ng #ALDubEBforLOVE ang 12.1 million tweets na naitala ng #ALDUBMostAwaitedDate noon lamang nakaraang Sabado, September 19.
Inaasahang bago matapos ang araw ay madoble na ng #ALDubEBforLOVE o higit pa ang dating record nito.
Kaya naman taus-pusong nagpasalamat sina Alden at Maine sa kanilang mga tagasuporta sa pamamagitan ng Twitter.
Pahayag ni Alden:
#ALDUBnation dito sa Pilipinas at sa buong mundo magpapasalamat na ako in advance ah. Alam niyo na yun... LOL! #ALDubEBforLOVE
— Alden Richards (@aldenrichards02) September 26, 2015
Nag break nanaman ng record ang #ALDUBnation 12.3M tweets AlDub you all po! At wag kalimutan to God be the glory always and FOREVER!!!
— Alden Richards (@aldenrichards02) September 26, 2015
Isang mahabang mensahe naman ang ipinarating ni Maine sa mga tagasuporta nila ni Alden:
Aldub you all! #ALDubEBforLOVE pic.twitter.com/ZiVtnYeXeN
— Maine Mendoza (@mainedcm) September 26, 2015
As of 6 P.M., nasa 22.6 million tweets na ang #ALDubEBforLOVE.