Vice Ganda dismisses competition with AlDub loveteam: “Hindi ko katapat ang AlDub.”

Vice Ganda clarifies he's not worried about competing directly with the trendsetting AlDub loveteam: “Hindi naman sila komedyante at wala rin akong ka-loveteam. Hindi ko alam kung paano ko sila naging katapat. Siguro yung show nila at show ko magkatapat. Pero kami ng AlDub, ano naman ang similarity namin?”


Tuluy-tuloy na ang shooting ni Vice Ganda para sa kauna-unahang pelikula na pagtatambalan nila ng kaibigang aktor na si Coco Martin, ang Beauty and the Bestie, na isa sa official entries sa 2015 Metro Manila Filmfest.

Bukod kina Vice at Coco, kasama rin sa pelikula ang sikat na tambalan nina James Reid at Nadine Lustre.

Sabi ni Vice, “Oo, kasama sila sa movie.

“Si James magiging kapatid ni Coco. Si Nadine pamangkin ko

“Tawa nga ako nang tawa kay Coco kahapon, e.

"Sabi niya, ‘Magpalit na lang tayo. Pamangkin mo na lang si James, tapos kapatid ko si Nadine.’

“Sabi pa ni Coco, 'Paano kami mag-eeksena nun? Mag-i-Ingles-Ingles yun!'

“Tawa ako nang tawa. Sabi ko sa kanya, 'E, di yun yung comedy? Makipag-Inglesan ka.'

‘Sabi niya, 'Ayoko, ayoko. Magpalit na lang tayo. Paano yun, i-Ingles-Inglesin ako nun?’

“Sabi ko sa kanya, 'E, di bahala ka, gawin ninyong comedy. At least hindi na kayo mahihirapang magpatawa, nakakatawa na yung eksena ninyong dalawa.'

“Sabi niya, ‘Basta kapag nag-Ingles ‘yan, hindi ko sagutin ‘yan.’

“Nakakatawa nga!”

Ano ang role nila ni Coco sa pelikula?

“Best of friends kami.”

Paano sila naging best of friends?

Dagdag niya, “Bata pa lang kami, tapos nabuking niya na bet ko siya.”

STORY. May pagkakahawig ba ang kuwento nila sa nakaraang movie nila ni Luis Manzano at Toni Gonzaga na This Guy’s In Love With U Mare?

Paglilinaw ni Vice, “Hindi. Si Luis, dyowa ko talaga doon [in past movie], e, di ba?

“Eto, mag-best friends talaga kami.

“E, nangyari talaga kasi sa akin yun.

“Yung best friend ko, lumalaki ako...

"Siyempre nung lumalaki ka, hindi naman ako baklang-bakla, di ba? Nagba-basketball ka pa, lalaki ka pa. Ganoon kami, e.

“Tapos habang naglalaon, nag-e-emote ako sa kanya.

“Tapos ako naman, nabe-betan kita pero wala naman akong dine-demand sa 'yo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala naman akong ano, di ba? Best of friends pa rin tayo.

“Pero bakla ako, nagugustuhan pa rin kita.

“Tapos siya, deadma rin naman. Love niya ako bilang best friends kami.

"Tapos nung nalaman niya na bakla ako, hindi niya alam na bakla ako, e.

“Kasi nung mga bata pa kami, siyempre straight-straightan.

"Tapos nung nalaman niya na bakla ako at bet ko siya, na-offend. Lumayo.

“Tapos ako naman, parang nagalit rin ako.

"Kasi parang akala ko pa man din ikaw ang makakaintindi sa akin 'tapos ni-reject mo ako.”

So, parang yung theme ng kantang “Pare, Mahal Mo Raw Ako?”

Mabilis na pagsang-ayon ni Vice, “Ganoon! Parang ganoon nga.

“Sabi ko nga, yun ang gawing theme song namin sa movie. Pero hindi raw. Gagawa raw ng bago.

“Gusto ko nga yun, e. Yung 'Pare, Mahal Mo Raw Ako.'"

Isinapelikula na rin ang "Pare, Mahal Mo Raw Ako" na pagbibidahan nina Edgar Allan Guzman at Michael Pangilinan, at idinirek ng composer ng kanta na si Joven Tan.

Ano ang trabaho ni Vice sa Beauty and the Bestie?

“Photographer ako. Si Coco pulis or secret agent, parang ganoon,” lahad niya.

Pang-straight guy ang outfits niya sa movie?

“Hindi, pa-girl. Pa-girl na pa-girl. Bakla!” natatawang sagot.

JADINE'S INCLUSION IN MOVIE. Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vice kung totoo bang bigla lang isinama ang popular JaDine loveteam sa pelikula nila ni Coco.

“Hindi, dati pa naman. Hindi lang namin maibato yung info kasi hindi pa rin ma-confirm ang schedule,” paliwanag niya.

May lumabas kasing balita na kaya isinama ang Jadine sa pelikula nina Vice at Coco ay bilang pantapat sa AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza, na kasama naman sa pelikula nina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas na My Bebe Luv.

“Parang nauna kami mag-announce,” pag-alala ni Vice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi niya sa competition ng movies nila sa MMFF?

“Fun! The usual.

“Lagi namang... at saka hindi lang naman ito ang unang beses na nagtapat kami ng movie ni Bossing [Vic Sotto].”

Ano ang reaksiyon ni Vice na umiikot na raw ang puwet ng mga katapat na comedy movie nina Vic at Ai-Ai sa MMFF dahil kasama rito ang AlDub?

Sabi ni Vice, “Ewan ko. Hindi naman umikot ang puwet ko.

“Sakto lang. Saka unang-una, hindi ko katapat ang AlDub.

“Hindi naman sila komedyante at wala rin akong ka-loveteam.

"Hindi ko alam kung paano ko sila naging katapat.

“Siguro yung show nila at show ko magkatapat. Pero kami ng AlDub, ano naman ang similarity namin?

“Sila [bashers] lang naman ang naba-bother at nag-iisip ng kung anu-ano.”

LOVETEAM PARTNER. Kung bibigyan siya ng ka-loveteam, sino ang pipiliin niya?

Sagot ni Vice, “Loveteam? Ang dami. Si Derek [Ramsay], gusto ko ulit maka-loveteam.”

Nagkasama sina Vice at Derek sa Praybeyt Benjamin (2011).

What about Neil Perez, yung pulis na nanalo bilang Mr. International 2014?

“Not so... okey lang. Pero kaya kong maka-date,” ngiti niya.

Type ba niya ang mga katulad ni Neil?

“Iba-iba naman ang type ko basta lalaki,” sabi ni Vice.

Hindi na niya type ang mga tsinito pagkatapos niyang ma-link kay "Mr. Chinatown"?

"Ay, sobra naman!

“Hindi naman totoo yung Mr. Chinatown. Charito!” tawa niya.

So, done na siya kay Mr. Chinatown?

“Hindi naman done. Ongoing! Joke lang!” pabiro niyang hirit.

Ano ang real score sa kanila ni Mr. Chinatown?

Pag-amin ni Vice, “Naging ‘closy’ talaga kami at saka lumalabas talaga kami.

“E, alam mo naman dito sa Pilipinas, kapag ang lalaki may kasamang bakla, ‘Ay, mag-dyowa ‘yan!’

Nagkaroon na ba siya ng boyfriend na Intsik noon?

“Wala, wala akong naging dyowa na Chinese guy. Kalandian lang. Hehe!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN